Sejun POV
"Sejun nakikinig ka ba?"
"Sorry Kristine, ano nga ulit yun?"
Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko "Hindi mo na kaylangan pa magpanggap. Sapat na yung almost 6 months na relationship natin, alam ko naman na nagtry ka mahalin ako"
Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo nya at sinabing "Sorry, I tried"
"I know. Thank you for giving me a chance. Let's break up" tumayo sya at niyakap ako.
"I know na hindi tayo compatible as gf and bf pero baka as a friend pwede?" Umalis sya sa pagkakayakap at humarap sa akin habang pinipilit na huwag umiyak.
"Sorry kung nasaktan kita" sabay yakap ko sa kanya
"Ano ka ba, ok lang I know you tried. So pano ba yan ex-boyfriend alis na ako ha. Bye"
Tinignan ko sya hanggang sa makaalis sya. Alam kong may kasalanan din ako, nasaktan ko sya. Pinilit ko naman syang gustuhin pero hindi ko talaga magawa.
Naguguilty ako pero mas ok na yung nagbreak kami kaysa paasahin ko pa sya.
Ughhhh ang sama mo Sejun.
~~
Nakaupo lang ako sa court nang dumating si ken."Mukhang malalim iniisip mo ha"
Ngumiti ako at sinabing "Break na kami ni Kristine"
"Uhhmm, mahal mo ba?"
"Oo pero hindi ko sigurado kung anong love yun. Hindi ko alam kung love ba talaga yung naramdaman ko towards her"
"Nasaktan ako nung sinabi nyang magbreak na kami pero alam mo yung mas lamang yung natuwa ako?"
Tinignan ako ni ken at tinapik ako sa balikat "Don't think to much. Mababaliw ka lang, gayahin mo ako chill chill lang"
Ginantihan ko naman sya ng ngiti as a reply.
"Ken masama na ba ako? Kasi pinaasa ko sya?"
"Alam mo at alam nya na nagtry ka. Sa tagal ng almost 6 months nagtry ka. Pinakita mo na seryoso ka na gustuhin sya. Wala kang pagkukulang sadyang mahirap lang turuan ang puso kung sinong mamahalin" sabay tapik nya sakin
"Ken minsan alam mo matino ka kausap. Nakakain ka ba ng chicken kaya hindi ka lutang ngayon?" Pabiro kong sabi sa kanya
"Ewan ko sayo. Minsan lang ako maging ganto wag kang ano dyan" tumayo ito at iniabot ang kamay nya.
"Let's go na may practice pa tayo. Tama na kakamukmok mo"
Ngumiti naman ako at inakbayan si ken habang papaalis kami.
Minsan mas masarap magkaroon ng kaibigang baliw at lutang. Lalo na kung ang pangalan nun ay Ken.
YOU ARE READING
Smile || Stell x Sejun
FanfictionThis story is about Sejun and Stell. I ship them so I make a story dedicated to them. Taglish po ito and I'm not good at making a story with a plot twist and angs. this is my first story so please don't expect too much