Sejun POV
Nakita ko ang mga first year na busy sa paggawa ng research nila. Bigla ko namang naalala si stell first year rin sya siguro busy din yun sa paggawa ng papers niya.
"Ken tara sa library" aya ko kay ken
"Anong gagawin mo sa library? Wala naman tayong assignment for this week" nagtataka nitong sagot
"Ano may titignan lang ako na libro" reply ko sa tanong nya
"Ok???" Tumayo na kami at dumiretso papuntang library
~~
Nakita ko si stell at josh na paupo na kaya dalidali akong naglakad papunta sa kanila"Hello Senior" hindi ko binati si josh pero ngumiti ako as reply.
Napansin kong hindi ako binati ni stell kaya inunahan ko na sya.
"Hello stell"
"Uhhmm hello din senior" nahihiya nyang reply sa akin.
"Pwede ba kaming makiupo?" Tumingin muna sya sa paligid bago sumagot.
"Sure, dalawa lang naman kami"
Bigla kong naalala ang pakay ko dito kaya nagtanong ako kay stell.
"Ay btw stell diba first year kayo?"
"Yup, bakit senior?" Nagtataka nitong sagot
"Meron kasi akong copy ng book na ginamit namin nung first year kami sa research paper namin. Kung hindi pa rin nagbabago ng libro na ginagamit as reference ay pwede ko sa inyo ipahiram yun." Offer ko sa kanya
Tumingin muna sya kay josh hindi ko alam kung ano yun pero tumango si josh at humarap ulit sakin si stell.
"Hindi naman nagbago senior.." bago pa nya matapos ang sasabihin nya ay nagsalita na ako.
"Bukas dadalhin ko yung libro" nagtataka syang tumingin sakin. Habang si ken naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa sinabi ko.
"Idadaan ko na lang sa classroom nyo"
Tumayo na ako at niruffle ang buhok nya "sige alis na kami bye"
Tumayo si ken at umakbay sa akin "Maghahanap pala ng libro ha" pabulong nitong sabi. Sinipa ko naman sya at patuloy lang syang tumawa.
YOU ARE READING
Smile || Stell x Sejun
FanfictionThis story is about Sejun and Stell. I ship them so I make a story dedicated to them. Taglish po ito and I'm not good at making a story with a plot twist and angs. this is my first story so please don't expect too much