Smells something Fishy

573 35 3
                                    

Stell POV

Mag-aanim buwan na simula ng nagsimula ang class namin.

Nagpakabusy ako sa mga activities at sa mga assignments namin para lang makalimutan ko itong nararamdaman ko kay Senior.

Medyo nagsusuccess naman kasi kapag nakikita ko sila ng girlfriend nya ay hindi na ako masyadong nasasaktan. Tanggap ko na naman na hindi pwede at hindi ko din masisi si senior dahil hindi nya rin naman alam na may gusto ako sa kanya.

~classroom

Nag-aayos ako ng gamit ko ng lumapit sa akin si Josh.

"Stell may copy ka na ba nung book na gagamitin natin as reference sa research natin?" Sabi nito habang nakain ng piatos.

"Hmm wala, pero tignan natin sa library kong may copy dun" at tinuloy ko na ang pag-aayos ko ng gamit.

Pagkatapos ko mag-ayos ng gamit ay dumiretso na kami sa library.

"Sorry pero kakahiram lang ng nauna sa inyo ang last copy ng libro na hinahanap nyo"

"Ok lang po ma'am. Thank you po" sabi ko sa librarian namin.

"Sa monday pa naman bigayan ng draft natin dba?" Sabay tingin ko kay josh

"Hmmm" sabi naman nito.

Patayo na kami ng lumapit samin si Senior sejun at Senior ken. Hindi ko alam kung bakit sila lumapit pero biglang kumabog ang dibdib ko.

Sheeet akala ko ba ok na ako. Stell bawal may girlfriend yung tao.

"Hello Senior" ngumiti naman si senior sejun kay josh at binati sya pabalik

Nabigla naman ako ng bigla syang tumingin sakin.

"Hello stell" wait paano nya nalaman pangalan ko?

"Uhhmm hello din senior" nahihiya kong sabi sa kanya.

"Pwede ba kaming makiupo?" Tumingin ako sa paligid, wala ng maupuan kaya siguro pumunta sa amin sina senior.

"Sure, dalawa lang naman kami" sabay upo nina senior.

"Ay btw stell diba first year kayo?" Tanong ni senior sejun

"Yup, bakit senior?"

"Meron kasi akong copy ng book na ginamit namin nung first year kami sa research paper namin. Kung hindi pa rin nagbabago ng libro na ginagamit as reference ay pwede ko sa inyo ipahiram yun." Offer nito sa amin.

Napatingin naman ako kay josh. At tumango naman ito bilang sagot.

"Hindi naman nagbago senior.." nagsasalita pa ako ay bigla ng sumagot si senior

"Bukas dadalhin ko yung libro" nakangiti nitong sabi habang nagpipigil ng tawa si senior ken.

Ehh?? Anong nangyayari?

"Idadaan ko na lang sa classroom nyo" sabi nito.

Tumayo sya at niruffle ang buhok ko sabay sabing "sige alis na kami bye"

Tumayo na rin si Senior ken at may binulong sya kay senior ngunit sinipa lang sya ni senior.

"Smells something fishy" sabi ni josh

"Fishy ka dyan nagmamagandang loob lang si senior" nagshrug lang si josh

Tama naman ako eh. Nagmagandang loob lang sya huwag kang mag-assume. Masasaktan ka lang.



Smile || Stell x SejunWhere stories live. Discover now