Chapter Five

30 4 6
                                    

Matapos ang dalawang araw na pahinga ay makikita si Astrea na nag-iintay sa harap ng linya sa sakayan ng tren, nakasuot ito ng kulay asul na tshirt at itim na short bitbit ang isang backpack habang umiinom ng apple juice.

Nang huminto ang tren ay agad itong sumakay at naghanap ng pwesto. Pero hindi nya inaakala na makita doon ang isa sa mga kasama sa volley ball team - si Jezzie.

"O! Jezzie!" bati ni Astrea ng umupo sa tabi nito

"Astrea, kumusta?"

"Maayos naman." nakangiting sabi ni Astrea

"Mukhang maganda ang gising mo,j" puna ni Jezzie

"Tama lang, ikaw, kumusta?"

"Ayun, maliit pa rin." ani nila at sabay na tumawa

Nag-usap lang sila ng kaunti at kasunod ay katahimikan na. Huminto ang tren sa tamang estasyong bababaan nila Astrea at mula doon ay nilakad na nila ang daan patungo sa Margen Koi na limang minuto lang ang layo kung daraan sila sa subway at sampung minuto kung sa ibabaw naman.

Pagdating nila sa harap ng Margen Koi ay isang sasakyang kulay puti ang tumigil doon at bumaba ang kambal na Zianne at Zylaine Klen. May narinig silang bell ng bike sa kaliwa at nakita nila si Luisa. Binati nila ang isa't-isa at tumuliy na sa loob.

"Heto nga pala si Zylaine, bunso kong kapatid," pagbibida ni Zianne

"Bunso? Eh di ba kambal kayo?" ani ni Luisa

"Mm. She was born five minutes late than me, kaya ako ang panganay." saad ni Zianne

"Stop telling people that, Zia, nakakahiya" ani ni Zylaine

"Correction. ATE Zia."

"Okay, okay... Ate Zia, stop messing with people okay? Papasok na ko sa office namin, you better not eat much takuyaki, kundi ako ang dadagok sayo." ani ni Zylaine

"Yeah, yeah, I know... Shoo na! Doon ka na sa cold nyong president!"

"ATE ZIANNE!" sigaw ni Zylaine at halos mamula na sa inis

"Oops!"

"Cold president?" ani ni Astrea

"Yep, the o-so-cold emperor Mr. Argañoza~" ani ni Zianne

"Pero bakit parang mas panganay pa sayo si Zylaine?" untag ni Jezzie

"Sya talaga ang numero uno kong nagger, she didn't know how to rest." ani ni Zia at tumawa

"Para ka na namang baliw dyan," saad ng isang boses na nagpalingon sa kanila

"O! Shek-Shek!" saad ni Zia

"SINABI NG SHEKIRA NGA EH! LUMAPIT KA DITO NG MAKONYATAN KITA ZIANNE!"

"Bakit ako lalapit eh ikaw itong may kailangan? Ano ako, uto-uto?"

"Epal ka talaga kahit kelan ZIA!"

"Wow! Ang hi ng energy mo Sheki, keep it up!" pang-aasar pa ni Zia sa inis na si Shekira

"Hay nako..." saad ni Monnie ng makasabay sa mga kasama na lumakad

"Ate Monnie, good moring," bati ni Astrea

"Mm. Morning,"

"Okay ka lang, Monnie?" tanong ni Luisa

"Yea," ani nito at naghikab

Pagdating nila sa tapat ng gym ay nagulat sila sa nadinig.

"CAN'T YOU HEAR ME? SABI KO KAMI ANG NAGAMIT NG GYM NA YAN!"

Captured By His Indifference [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon