Chapter Twenty-Four (II)

22 2 14
                                    

Kasabay ng pangyayaring nagtapat si Mike kay Yvah, ay makikita sa amusement park sina Noel at Uoiea na magkasamang nakasakay sa isang carousel. Inaya ni Noel ito na mamasyal, nang araw na iyon ay balak nyang magtapat na sa dalaga at itanong kung may pag-asa ba sya rito. Handa naman sya sa kung anong maging tugon nito, at mananatiling kaibigan sya para dito. Matapos nilang sumakay sa carousel ay inaya nya itong kumain sa isang snack bar bago magtungo sa ferries wheel.

"Noel?"

"Ano yun?"

"Ito nga pala, regalo ko sayo."

"Para sakin?"

"Mm. For being a great friend."

Natahimik si Noel sandali.

"S-Salamat,"

Makalipas lang ang ilang minuto ay nagpunta na sila sa Ferries Wheel.

Habang nasa ferries wheel sila ay tahimik lamang silang dalawa, hanggang sa magsalita si Noel.

"Uoiea?"

"Hm?"

"I... I like you... Alam kong ayaw mo sakin, but please hear me--"

"I like you, too, Noel."

"Ha?"

"Gusto din kita."

Hindi makapaniwala si Noel sa narinig nya, it felt unreal to him.

"Totoo?"

Natatawang tumango si Uoiea dito, tumabi sa kanya si Noel at niyakap sya nito, niyakap sya ni Uoiea pabalik and the rest of their ride was a sweet silence, they enjoyed the view. Nang makababa sila ay nagtungo sila sa isang parke, sa parehong lugar kung saan naroon sina Mike at Yvha, but the two were far away kaya hindi nila alam na naroon ang dalawa, they were in the east side.

"Thank you," ani ni Noel

"For what?"

"Saying yes to me in this, well, date. And liking me back."

Ngumiti si Uoiea, "You're a great man, Noel. Hindi ako nahirapang makita na gusto mo ko, after Cyanide rejected me. Thank you for liking me."

"Uoiea, can I court you?"

"Can you wait until we graduate?"

"Of course."

"Thank you, Noel."

After that, Noel gave her a moon necklace, but its different from what Mike gave Yvah.

Hinatid ni Noel si Uoiea sa bahay nito, bago umalis si Noel, ay tinawag ito ni Uoiea.

"Noel?"

"Hm?"

Lumapit ito at hinagkan sa pisngi ang binata, na halatang ikinagulat ang ginawa ng dalaga.

"Goodnight, Noel."

"Yeah, g-good night, too, Uoiea."

Nang gabing iyon ay parang baliw na nakangiti sa at nakatingin si Noel sa kisame ng kwarto nya.

"After graduation..." anya at ipinikit na ang mga mata.

Sa parehong oras ay makikita sila Zylaine at Matthew sa west side ng park na kinaroronan nila Yvah at Mike, kagagaling lamang ng dalawa sa shrine na pinuntahan nila noon at sa isang observatory. Inaya ni Matthew si Zylaine na kumain sa labas at mamasyal, nagtungo din sila sa isang thrift shop at bumili si Zylaine ng libro naman sa isang book sale. Nakaupo sila sa grass field habang kumakain ng siopao, chips, at may kasamang cola. Inaya kasi ni Matthew si Zylaine na mag simple dinner at yun ang napili nila.

Captured By His Indifference [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon