ASTREA CALYPSE
Nagising ako sa sikat ng araw na tumagos mula sa awang ng kurtina sa bintana malapit sa kama ko. Umupo ako at bahagyang kinusot-kusot ang mata, nakita ko na ako palang ang gising. Sa katunayan ay kasama ko sa kwarto sina Luisa, Ari, Ashi, at Jezzie. Dapat talaga ay apat sa bawat kwarto pero dahil sobra kami ng isa ay magkatabi na lamang sa kama sina Ari at Ashi, ayos lang naman sa kanila iyon, kesa raw mag solo ang isa sa kanila sa malaking kwarto.
Naalala ko bigla ang nangyari kagabi, napangiti ako at naalala ko na hindi pa pala ngayong araw ang laban ng SETSURO, napasapo ako sa noo ko.
Tapos kagabi sabi ko sa kanya, Goodluck? Seriously Astrea? Mag-goodluck ka na lang sa maling pagkakataon pa?
Napabuga ako ng hangin at agad na akong bumaba sa kama at saktong nagising naman na sila Jezzie.
"Ang aga mo, Astrea." ani ni Luisa sa akin at ngumiti
"Maaga akong nagising, mauuna na ako sa banyo." pagpapaalam ko at tumango ito. Hindi naman ako nagtagal kaya natapos kaming lahat na mag-ayos ng mga sarili namin ng saktong alas-siyete ng umaga.
"10 am nga pala ang laban ng ibang mga atleta ng Margen Koi, manonood kayo?" tanong ni Ari sa amin, tumango kami sa kanya at sabay sabay kaming lumabas sa kwarto para mag-agahan sa parang canteen ng inn. Sakto namang nakita namin sila Ate Astril kaya sabay-sabay na kaming nagtungo doon.
Binati kami ng ibang mga atleta at lahat sila ay binati kami dahil sa laro namin kahapon kahit na talo raw kami ay nagawa naming ipakita may laban kami. Nakakatuwa nga iyong captain ng track and field, napaka energetic nya, Hansel Ivory ang pangalan nya, pagpapakilala nya sa amin.
"O! You're that fox!" ani ng isang lalaki na may katangkaran at may pagkablonde yung buhok, lumapit ito sa gawi namin at tumingin sa akin.
"Ha?" confuse kong sabi
Tumawa ito at inilahad ang kamay na parang makikipag-shake hands.
"I'm Thomas Lee, Captain of the swimming club." pagpapakilala nya at ngumiti sa akin
"...Astrea, Astrea Calypse, spiker of KITSUNE." ani ko at nakipag-shake hands
"O! Cynaide!" biglang saad ni Thomas ng mapalingon sya sa pinto ng canteen at agad na lumapit dito. Nagulat pa kami ng akbayan nya ito at parang may sinasabi pa ito.
"Don't be too harsh on him," natatawang sabi ng isang lalaki na kasama ni Cyanide na pumasok, yung Captain ata nila yun, si Mike Hopper. Sa pagkaka-alam ko ay tulad nila Ate Astril ay fourth year na din sila this coming acad year. Napa-isip agad ako bigla, bakit kasi noong second ko lang nalaman na pwede pa palang mag-aaply? Kung sa bagay, ayos na to, may dalawang taon pa naman ako dahil limang taon ang architecture.
"Astrea," pagtawag sa akin ni Jezzie
"Ha?"
"Anong ha? Kukuha na kami ng pagkain, hindi ka ba sasama?"
"Sa-sama..."
"O sya tara na," ani ni Jezzie at hinila ako papunta sa pila
Matapos naming pumila ay agad kaming nagtungo sa isang mahabang mesa, mabuti at kasya kaming lahat doon, tahimik lang kaming kumakain at nang matapos kami ay nagdesisyon kaming magtungo sa pagdadausan ng sunod na laro, ang pinanood naming una ay ang tournament ng martial arts. Nakakamangha sila, parang gusto ko tuloy matuto nun. Ang galing nila as in! Lalo na yung sa taekwando na player, Matthew... Matthew Higo ang name nya, ang galing nya, swear, parang may pagka-Bruce Lee yung galawan nya.
Matapos yung laban ay nagulat ako dahil nandoon yung mga kasama nung cold na president sa council, nanood din pala sila. Kumaway sa akin yung isa sa kanila, yung medyo may kaliitan ang height at may suot na salamin, sya yung mahirap ang spelling daw ng pangalan, U...Uoiea, tama! si Uoiea nga. Lumapit kami sa kanila at inaya nila kami sa locker ng mga player sa martial arts na nagrepresent sa school namin. Parang batang sabik makakita ng tao si Ate Zia kaya kinaltukan sya ni Ate Sheki.
![](https://img.wattpad.com/cover/263033135-288-k272409.jpg)
BINABASA MO ANG
Captured By His Indifference [Completed]
RomanceHe is Mysterious. Like how his name is given to him. He is both a poison and a light. A man out of ordinary. A man within a league. She is just a simple girl, trying her best to be a volleyball player and earn a scholarship by being a varsity player...