Chapter Twenty Five

24 0 19
                                    

Third Person 

Matapos ang ilang buwan ring nalalabi sa nakaraang semestre ng Margen Koi ay opisyal nang natapos ang academic year at grumaduate na ang mga seniors nila. Kaya naman ngayon na ang batch na nila Astrea ang mga seniors ngayon. Puspusan na rin ang paghahandaa nila Astrea para sa nationals kung saan makakalaban nila ang grupo muli ni Mako Aisen. Alam ni Astrea na maaring kalkulado na ni Mako ang galaw nya pero hindi sya magpapatalo.

kasalukuyang nakaupo sa sahig ng gym sina Astrea at nagpapahinga matapos ang practice match nila. Si Amy na ang captain ng KItsune ngayon, malaki na rin kahit paano ang pinagbago ng mga ito, kumpara sa dating mga tila bata pang itsura.

"Grabe, mas hectic tayo sa training ngayon! Ang sakit ng balikat ko." reklamo ni Luisa

"Sus, di ka pa ba nasasanay?" tanong ni Jezzie

"Tinggin nyo ba okay lang si Coach?" tanong ni Eri

"Siguro" saad ni Amy sabay inom sa tubigan nito.

"Kayo ba guys, kumusta kayo?" tanong ni Amy

"Okay naman," sabay sabay na tugon nila

Matapos ang ilang minuto pa ay narinig nila ang pagsigaw ng coach nila.  Mas naging seryoso na din ito at madalas ay nagsusungit pa, lalo na kapag makikita nito ang ngayon ay doktor ng unibersidad na si Kei. 

"Hinay lang Moxien," paalala ni Professor Ecie dito.

"Kalmado ako Prof, sadyang may malaking insekto lang akong nakita kaninang umaga." asik nito kaya natawa naman ang propesor. 

Matapos ang naging practice nila ay pinayagan na sila ni Moxien na umuwi at magpahinga dahil malapit na ang exams nila para sa unang semestre. Habang naglilikpit sina Astrea ng gamit ay tumunog ang cellphone nya na nasaloob ng bag nya. Nagmessage lang naman sa kaniya sina Yvah na magkita-kita sila sa ast food malapit sa universityna sinang-ayunan nito.

"Dalawang buwan ko rin pa lang hindi sila nakita, lalo na ang isang yun," anya sa sarili sabay ngiti. 

Nagtungo si Astrea sa gate ng university at isang pamilyar na pigura ang nakita nya doon, tatawagin nya pa lang ito ng bigla itong lumingon. Lumapit sya dito at ngumiti.

"What are you smiling about?" ani nito

"Paano mo nalamang nandito pa ko?"

"Uoiea messaged me to come with you."

"Hmp."

"What? Are you jealous?"

"Selos ka diyan, assumero nito!" ani nya sabay lakad palayo

"OI!"

"Bahala ka dyan!"

"Seriously Astrea, bakit nga?"

Natigilan ito sa sinabi ng binata, "Sinabi nang wag kang magta-"

Bigla syang hinila ni Cyanide palapit sa kanya, "Bakit nga?"

"W-wala."

"Was it because I didn't say I'll come by to train today?"

Hindi ito umimik.

"So I was right?"

Tahimik lang si Astrea kaya inilapit ni Cyanide ang mukha nya dito- "Ah! What was tha-"

Pinitik ni Astrea ang noo nito sabay lakad palayo.

"This woman."

"That is for lying that you are still in states!"

"Tch," ani ni Cyanide at hinabol ang paglakad ni Astrea. Nang makarating na sila di kalayuan sa fast food ay huminga si Astrea ng malalim. 

"Just act like we're just friends and nothing more." ani ni Cyanide sa kanya

Captured By His Indifference [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon