Chapter Twenty-Two

24 2 42
                                    

Third Person

Matapos ang pangyayari sa local tournament at nagawang masungkit ng Margen Koi ang championship ay nagsimula na rin final term, at sa loob ng dalawang buwan ay naging busy ang lahat, walang training muna ang mga athlete o org events. Dumating ang hell week nila makalipas ang dalawang araw at sa loob ng isang linggo ay tila ba naging isang survival zone ang unibersidad dahil sa naging exam week na sinabayan pa ng ilang final recquirement. Na kung hindi mga mukhang may sariling mundo ang mgaestudyante, ay tila mga zombie na itong pumapasok sa unibersidad. 

Kasalukuyang maririnig ang ingay ngmga wall clock sa bawat silid aralan, ang tunog ng mechanical pencils na tumatama sa test papers, ang mahinang pag-tap ng mga daliri ng ilang estudyante sa kanilang mesa. Ang paglakad ng mga propesor sa bawat aisle para masigurong walang nandaraya. Ang tunog ng mga kamay na kumakamot sa ulo ng ilang mga estudyanteng pilit inaalala ang kanilang napag-aralan, kasabay ng ingay ng mga ibon sa paligid at ang pagsayaw ng mga dahon at damo sa hangin, at ang pagwawalis ng utility sa field na may mga dahon. 

Tick...

Tack...

Tick... 

Tack...

Isang minuto na lamang ang nalalabi sa orasan bago matapos ang huling pagsusulit ng mga estudyante sa araw na iyon, tila ba hinahabol na ng kabayo ang ilan at ang iba naman ay para bang naririnig na ang kabog ng kanilang mga dibdib.

Tatlumpung segundo....

dalawampung segundo...

"Alright, check your papers and get ready to turn them in." ani ng proctor nila Astrea sa exam nila sa klase ni professor Luicion.

"Ten... Nine... Eight.... Seven... Six..."

Maririnig sa huling segundo ang ingay ng mga mechanical pencil na inilapag sa mesa at ang ingay ng papel tuwing ito ay bubuklatin.

"Five... Four... Three... Two... One.."

Habang binibilang ang huling segundo ay syang pag-aabot ng mga estudyante sa kanilang mga papel sa kaklaseng nasa harapan nila.

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIING

Kasabay ng bell ay ang ingay ing ilan sa mga estudyante. Ingay na larawan ng saya at ginhawa ng kalooban matapos ang nakaka-kabang pagsusulit. 

"Ghad, nakakaloka ang exam ni prof ngayong finals!" pagmamaktol ni Amy

"Hmm, ayos lang kaya." ani ni Luisa

"Matalino ka kasi"

"Hindi ah, si Astrea yung-- nasaan na si Trea?" 

"She just went out, nagsabi sya sa amin na may pupuntahan sya," ani ni Zylaine

"Ghad, seriously?" ani ni Amy

"Tara guys, magpunta tayo sa fast food malapit dito, nandoon yung iba eh." pag-aaya ni Uoiea

"Mukhang magandang ideya yan, nag-crave ako bigla sa fries!" ani ni Yvah

"Oh? Bakit hindi ka magpabili kay--" ani ni Uoiea ng takpan ni Yvah ang bibig nya

"Ano yun, Uoiea?" ani ni Zylaine

Tinanggal ni Uoiea ang kamay ni Yvah kaya tinignan sya nito ng masama, "W-wala, ang sasabihin ko sana ay magpabili sya kay Cyanide, haha.."

"Ohh" ani nila Zylaine pero halatang hindi nila binili ang palusot ng dalawa




ASTREA CALYPSE

Matapos ang exam namin  ay nakatanggap ako ng isang message kaya agad akong umalis at kay Zylaine na lamang nakapagpaalaam. Magkikita kasi kami ni mama sa isang cafe, hindi ko alam kung bakit sa cafe pa,  pero simula noong naka-uwi galing sa training camp, alam kong parang may tinatago sa akin si mama. Hindi ko nga lang sigurado kung ano,pero tingin ko ay may dahiln sya kung bakit. Habang palabas ako ng unibersidad ay di sinsadyang may nabunggo ako.

Captured By His Indifference [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon