Third Person
Mabilis na lumipas ang panahon at kalagitnaan na ng buwan ng Setyembre, malapit na ang prelims kaya naman sige na rin sa discussion at lectures ang bawat professor. Samantala, ay nagsisinula na rin kahit paano sa trainings ang bawat kupunang lalaban para sa local tournament sa Nobyembre.
Araw ng Miyerkules, hindi ganoon karami amg klase ng junior members ng KITSUNE kaya naman nagdesisyon sulang magtungo sa gym para mag-ensayo. Saktong napadaan doon ang coach nila at isang balita ang sinabi nito sa kanila.
"Kumusta kayo?" tanong ni Coach Ecie
"Maayos naman po Coach!"
"Wala pala ang mga seniors nyo, pero nasabi ko na sa kanila na bukas ay makikilala nyo na ang talagang coach ninyo at ang magiging Manager ng KITSUNE."
"Ang galing naman!" ani ni Amy
"Osya, ipagpatuloy ang ensayo, may klase na ako, mag iingat kayo!"
"Yes sir!"
Habang nag-eensayo sila Astrea ay hindi nya mapigilang subukan ang nakitang estilo ng paglalaro ng isang batikang volleyball player na nakita nya noong isang gabi sa telebisyon.
"Luisa, can you set for me?" ani ni Astrea at kumuha ng bola si Luisa mula sa malaking basket.
"Can you set it higher?"
"Higher? Sigurado ka?"
Tumango si Astrea, siney ni Luisa ang bola sa pinaka-mataas na kaya nya at humanda si Astrea para paluin ito. She jumped and spike the ball but it landed in their front.
"Woah! Ang taas!" ani ni Amy
"How did you..." ani ni Eri
"May napanood lang ako sa tv tapos sinubukan ko kung kaya ko."
"Anong napanood mo?" tanong ni Amy
"Ahh... Dating laro ng KITSUNE yun sa university games, ang galing nga noong player na number 11 doon, ang liit nya lang pero grabe! Para syang nalipad!" ani ni Astrea
"You mean the little giant?" ani ni Jezzie
Tumango-tango lang si Astrea.
"Astrea, Luisa, can you guys do an A-quick?" tanong ni Jezzie
"I know A Quick." ani ni Astrea at tumango si Luisa
Ito ang inensayo nila habang nag eensayo naman ng float serve si Eri katulong si Amy.
Habang ang liberong si Jezzie ay sinusubukan ang klase ng recieve na sinabi sa kanya ng ate nya na dati ring libero at member ng KITSUNE noong nag-aaral pa ito sa Margen Koi.
Nang makarating sina Astril ay nakita nila ang pag-eensayo ng mga lower years nila, hindi mapigilan ni Joanne na maluha sa sobrang proud sa mga ito.
"CHIBI-CHANS!" sigaw ni Zia
Binati sila ng mga ito at muling bumalik sa pag-eensayo, "Ako lang ba o dedma tayo?" ani ni Zia
"Hayae mo na sila at mga nag-eensayo. Mag-ensayo ka na lang din." ani ni Shekira
"Hmp! Nag-eensayo kaya ako!"
"Ano? Kumain?" angil ni Shekira
"Grabe! Hindi no!"
"Osya tama na yan at magpalit na tayo ng damit." ani ni Astril at niyakag ang dalawa
"Monnie?" ani ni Joanne
"Ano yun?"
"Ikaw ba? Hindi ka naiinggit kay Luisa?"
"Hindi. Alam ko kasi na sooner or later, manonood na lang tayo sa laban nila, kaya hindi ko magawa na itaas pa ang kaya ko. I am left behind."

BINABASA MO ANG
Captured By His Indifference [Completed]
RomanceHe is Mysterious. Like how his name is given to him. He is both a poison and a light. A man out of ordinary. A man within a league. She is just a simple girl, trying her best to be a volleyball player and earn a scholarship by being a varsity player...