Closeness
Pagkapasok ko ng covered gym ay marami na kaagad ang estudyante sa bleachers. Siguro ang iba sinadya talagang agahan ang pagpunta para sa harap makaupo dahil halos ma-occupy na ng iba ang space sa harapan at wala na masyadong bakante pa roon.
"Andreeva, halika ka," napakurap ako sa tawag ni Miss Trenela.
Naka-upo siya sa pinaka-unang step ng bleachers kaya pumunta kaagad ako roon para alamin kung bakit niya ako ipinatawag.
"Pakibuksan lahat ng box ng mineral water para hindi na mahirap sa'yo mamaya na ibigay ito sa players tuwing break..."
Gaya ng utos ni Miss ay walang imik ko iyong sinunod.
"At hindi ba ang sinabi ko isuot mo ang pulang t-shirt na ibinigay ko sayo?" medyo iritado niyang sinabi.
I'm occupied that's why I forgot that she handed me a t-shirt before I have my lunch with my friends. Nakita ko rin na suot-suot niya ngayon ang pulang t-shirt gaya ng ibinigay niya. May pangalan itong Team Business Course sa harapan.
After what I did, nagmadali akong pumunta sa pinakamalapit na rest room ng gym para sana makapagbihis na ng damit. Pagdating ko ay marami ang pumipila dahil tatlong room lang naman ang maryoon dito sa loob.
Pagbalik ko ay mas dumami ang tao sa bleachers at mas dumami naman ang utos ni Miss Trenela sa akin. Samantalang abala naman siya sa ginagawa. Mayamaya, nakita ko siyang kausap ang isang matangkad na lalaki na mukhang coach ng team. Sa likod ng coach, nakita na kasunod niya ang mga iilang pamilyar na players na kasama kanina ni France sa loob ng faculty room.
Mayamaya, napaupo ako sa kung saan umupo kanina si Miss Trenela. I'm tired already of her commands. Kanina pa'ko pumaparoon at pumaparito. I can even imagined my self having a tacky face. I trailed on behind, haggard and dishelved.
Nagpahinga ako roon habang nagpupunas ng tumatagaktak kong pawis. I looked around the wide gym. As far as I know, my friends were here... Manonood sila ng laro, kaya hinanap sila ng mata ko.
Kalaunan, I saw Phoebe on the entrance. Papasok pa lang siya dito sa loob. Nakita kong may humarang sa kaniyang dalawang lalaki na may hawak na mga balloons. The other man with red balloons and the other man with blue balloons. Pero nakita kong pulang balloon ang pinili ni Phoebe. Chase come after, then Khloe and Brook followed.
Mabilis akong tumayo upang lapitan silang apat. They're looking for an empty space around the bleachers. Hindi nila napapansin na papalapit ako because they have no idea I'll watch basketball for the first time. Nakita ko pa na may itinuro si Brook na space sa pinaka-ibabaw ng bleachers kung saan kaonti lang ang mga estudyante.
Bigla naman akong nagpakita sa kanila na ikinagulat nilang apat.
"My badness! You're here!" bulalas ni Chase habang hawak niya ang puso niya.
Gulat naman silang apat dahil sa presensya ko't sinalubong ako ng nagtatakang tingin. Nagpaalam ako sa kanilang marami ang iniutos sa akin but I didn't tell them I'm going here that's why I'm also not surprised if they are surprised.
"And... Wynter look at your face! You're much sweating! Ano ba ang ginawa mo't ganiyan ang hitsura mo?" galit na puna sa akin ni Chase na para namang Mommy ko.
Siguro napansin niyang haggard ako ngayon kaya ganito ang reaksyon niya.
"Maganda pa rin naman, Chase Ada... Ano ka ba!" Biro naman ni Brook.
Napailing naman si Chase. "Kahit na! Hindi ako sanay na mukha siyang stressed. Tingnan mo at pawis na pawis!"
Tumawa lang naman sina Phoebe at Khloe. Nakakahiya tuloy... Feeling ko sobrang haggard ko ngayon. Kung makapuna naman kasi ang kaibigan ko mukhang hindi siya totoong kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/227838715-288-k660868.jpg)
YOU ARE READING
His Warm Affection (On-going)
RomanceWynter came from a rich and well known family. Even herself does not know who she really is. She became stupid and foolish for loving his best friend, Lucas. She thought she would loved him but pain was his reward. She's alway's in between of every...