Beg
"One PM ang practice natin, Allison. You should be there early."
Ang ngiti ni Kalel ang bumungad sa akin nang isinarado ko ang pinto ng aking locker box. Hindi ko namalayan ang pagdating niya dahil abala ako sa pag-aayos ng mga libro na isa-isa kong inilagay sa loob.
"Place?" tipid kong tugon habang wala sa kaniya ang aking paningin at ni-lock na ang locker pagkatapos ng aking ginawa.
"Practice room, Miss Trenela said." Itinutok naman niya ang kaniyang atensyon sa ginagawa matapos niya iyong sabihin.
I leaned the side of my body in the lockers a little as I watched him do his things. May kinuha itong isang panlalaking bagpack. Pinagpag niya iyon 'tsaka ibinalik naman kaagad sa loob.
"Who will be your partner, then?" banayad kong tanong sa kaniya habang nakahalukipkip ko siyang tinitigan.
Matikas niya akong tiningnan. "I don't know, yet,"
Sumimangot naman ako't tumingin sa malayo. "Pwede bang, excuse muna ako sa first day of practice? May importanteng lesson kasi iyong subject teacher ko na kailangan talagang e-take up, kailangan ko talagang pumasok." Pakiusap ko nang maalala ko ang Calculus.
I should not be absent in Mathematics gayong hindi ako masyadong nage-excel sa subject na iyon. Matigas pa sa bato ang utak ko kapag math na ang pag-uusapan and besides, hindi lang Basic Calculus and pinu-problema ko. I have my Statistic and Probability to study. I should have focused my brain in learning it. Or else, I will got an egg score when final exam comes. Lalo na't nahihirapan akong intindihin ang process kahit na saulado ko naman ang mga formulas. My brain cells didn't work if I try to understand mathematical logics, particular ordinal numbers, recursive arithmetic, analysis, and the philosophy of mathematics.
"You can't. I'm sure bibigyan ka ng teacher mo ng handouts, Allison. Alam nila na excuse ka dahil may meeting sila kanina about sa big party." Binalingan niya ako at agad din na nagpatuloy sa ginagawa.
"Handouts is not enough in learning the mathematical process..." I sighed. "Matatagalan ba ang practice?"
"Yeah. It's whole afternoon."
Umiling ako. "What? Paano 'yung ibang subjects ko naman?"
"Stop worrying, Allison. Nagawan na iyan ng paraan."
Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Kaunti lamang ang narito dahil lunch time ngayon. I guess, some of the students are at the cafeteria or maybe, in the field.
"Bakit ikaw ang in-charge dito? You are new here, "
"I'm one of the cotillions," he calmly said, hindi pa rin siya natatapos sa ginagawa.
Tumango ako. "Really? You're a college right? Business Management ka hindi ba? Third year?" tanong ko.
He chuckled then he faced me slowly. "Nope. Paano mo naman nasabing third year college na ako?"
"You gave me your coat, right?" kumunot naman ang kaniyang noo at agad din namang umamo ang mukha nang makaalala ng kung ano.
"Oh, that coat isn't mine. You mean, Lucian's coat?"
"No, your coat! Pinahiram mo sa'kin noong una tayong nagkita." Paalala ko sa medyo nahihiyang boses.
"A-ah, kasi iyong coat-"
"Hindi niya ibinalik sa'yo?" putol kong tanong sa sasabihin niya.
"Paano ibabalik sa'kin ni Lucian 'yun?" tatawa-tawa siyang kinamot ang kaniyang ulo.
YOU ARE READING
His Warm Affection (On-going)
RomanceWynter came from a rich and well known family. Even herself does not know who she really is. She became stupid and foolish for loving his best friend, Lucas. She thought she would loved him but pain was his reward. She's alway's in between of every...