Untold feelings
Weeks had past. Unti-unti na ring nakakalimutan ng iilang mga estudyante ang lahat ng mga nangyari. Mas ipinukos ko naman ang aking sarili sa pag-aaral. Kung matatapos ang third grading exam ng second semester, gagaan na ang aking pakiramdam. Wala na akong dapat pang iisipin dahil last quarter na lang at matatapos na ang second sem. And sad to say.... Graduation comes.
Ngumiti ako sa isiping iyon habang wala sa sarili kong binabasa ang libro sa harapan ko. Dito naba talaga magtatapos ang high school life? I can't still imagine na hindi na kami magkakasama next school year. Ang maisip na may kaniya-kaniya na kaming mga buhay next SY ay sobrang nakakalungkot.
Ngumuso ako sa isiping iyon. Why Am I thinking these things if I could let my self enjoy the rest of the months being with them. We should have fun. I should've go to clubs and get drunk kasama sila. Pwede din naman kami mag-sine. O di kaya over night or night party na lang. I already planned a summer vacation when summer vacation came!
I realised that I should spend my whole time with them. Gusto ko, bago kami tuluyang maghiwa-hiwalay ay may babaunin kaming mga memorya sa last chapter ng buhay namin as a Senior High School Students.
"You done studying?"
Nilapitan ako nina Chase, Brook, Khloe at Phoebe na ngayon ay may bitbit ng mga libro. Balak 'ata nilang hiramin ito sa librarian upang pag-aralan sa kani-kanilang mga bahay.
Tumayo ako at niligpit na ang aking mga gamit. "Tapos na." I smiled.
Tahimik kaming lumabas ng library room at tumungong fifth floor kung saan ang lockers ng building. Natigil ako sa aking paglalakad nang makita ko si Lucian na ngayon ay kalalabas lamang ng Computer Laboratory.
Hindi naman na bago sa akin ang eksenang ito, ngunit nagtataka lang ako dahil sa tuwing naririto na kami sa ika-apat na palapag ay sakto namang lumalabas siya mula doon. I won't bother call it destiny because I was not destined for him.
Nauna na sa akin sina Chase at ang tatlo kaya hindi nila napansing hindi ako sumunod sa kanila. Hindi ko alam bakit kapag nakikita ko siya tumitigil itong mga paang ito. Nagpatuloy ako sa aking paghakbang nang magtama ang aming tingin.
"Hi, Lucian!"
Dinig kong sabi ng isang babae sa likuran ko na malamang ay sinadyang lapitan talaga si Lucian.
Tinapunan naman muna niya ako ng tingin bago sinagot ang babaeng kaharap niya. "Hi." He said in a cold tone.
Tumili naman ang engratang babae bago siya nauna sa akin sa paglalakad.
Ilang araw na ang nakalipas at palaging ganito ang eksena. Sa tuwing alam ko na papalapit na siya'y doon lamang ako tarantang iiwas at lilihis ng dadaanan. Ngunit iba ang araw na ito, akala ko lalampasan niya ako tulad ng madalas niyang ginagawa sa madalas naming pagkikita, ngunit bigla na lamang kumalabog ang puso ko nang tumigil siya sa mismong kaliwa ko.
Hindi ko alam kung kinakabahan ako o ano, itinigil ko nalang ang pag-iisip ng mga imposibleng bagay.
Tumigil din ang aking mga paa na animo'y may sarili iyong mga isip. Gusto kong saktan ang mga iyon. Naiinis ako sa inaasta ng aking katawan kapag nakikita ko siya. Hindi ko namalayang naitigil ko pala ang aking paghinga, naghihintay sa kung ano man ang sasabihin niya. Ngunit bago pa man ako makapagmaktol, nakangisi na niya akong nilampasan at walang lingon na naglakad palayo.
Napasinghap ako sa kaniyang ginawa. Is he fooling me? I closed my eyes firmly, trying to acknowledge my embarrassment. I hate the whole of him! I wiped out what I think of.
Pinilit kong maging normal ang lakad ko kahit gusto kong magdabog. Ang lalaking iyon ay sinasagad talaga ang pasensya ko. Gustong mag-init ng aking pisngi nang maisip muli iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/227838715-288-k660868.jpg)
YOU ARE READING
His Warm Affection (On-going)
RomantizmWynter came from a rich and well known family. Even herself does not know who she really is. She became stupid and foolish for loving his best friend, Lucas. She thought she would loved him but pain was his reward. She's alway's in between of every...