C1

2.1K 69 3
                                    

Brei's Pov

I'm Aubrey Bautista in short "brei" , I'm 21 years old from Makati City and I'm a certified fan ni Mr. Ellias Ford ng Jpop Group na Twinkle Pop at kasama niya din yung pinaka hate na member ko which is yung Tyler Vixson na yun.
Ikukuwento ko lamang na nagsimula lang yung pagiging hater ko sa kanya nung nilait lait niya ang baby boy kong si Ellias sa pictures na magkasama sila nung mga bata pa lang sila.

Alam ko naman na ang laki ng ginlow up ng baby ko kaya naiinis lang ako kung bakit kailangan niya pang gawin yun sa social media. Nang dahil doon ay nagkaroon ng galit ang puso ko at ngayon ay masasabi kong certified basher niya na ako. Ewan ko ba kung bakit pero nababagot ako na makita siya na kasama ni Ellias ko every may event , well hindi naman na maiiwasan yung ganun gayung co member silang dalawa at sobrang expected na gayung close nga sila ika ng mga paparazzi.

"Ate brei! Kain na daw sabi ni mommy! Huwag mong sabihin na natutulog ka pa ngayon gayung tanghali na ate brei!" Pambubulabog ng kapatid kong si Francesca agad ko na itong binuksan baka kasi masira na yung pintuan ko sa kakakatok niya.

"Gising na ako frances , bababa na ako maya maya maghihilamos lang ako saglit at magtotoothbrush" bungad na katwiran ko sa kanya bago ko siya sinarhan ng pinto agad na akong nagtungo sa may cr ko at tsaka nag morning routine na. Nang makalabas ako ng cr ay akmang bababa na ako para kumain ng almusal nang biglang may nag notifications sa may laptop ko kaya agad agad na akong nagpunta sa may study table ko kung saan nakalagay ang laptop ko.

Tyler_Vixson08@WP.Official Posted A New Pictures on Facebook!

Iilang segundo palang ang lumilipas at umabot na kaagad ng 1,037,895 Likes ,  400k Comments at 80k Shares ang litratong ipinost ng lalaking to. Bigla namang nag init ang ulo ko nang makita ko ang caption niya sa kanyang post.


Magandang tanghali nuno😆 @ElliasFord_WP.Official

Pagbasa ko sa caption niya na dahilan upang kumunot ang noohan ko sa inis.

ElliasFord_Wp.Official replied to @Tyler_Vixson08@Wp.Official Wow huh! Hindi lang nagkakalayo yung height natin Tyler😤 Huwag ako ah?

You replied to @LaraMaeLayar_Wp.Official Sa gwapo ni Mr. @ElliasFord_Wp.Official tatawagin mo lang ng nuno? Ikaw na mukhang engkanto? Tsk patawa ka Tyler. Leave my baby alone.


Madami pa sana akong itatype dahil nababadtrip ako sa lalaki na to nang biglaang may sumigaw na naman sa may pintuan ko.

"Brei? Ano wala ka ba talagang balak bumaba at kumain? Tutok ka na naman dyan sa kaka laptop mo?! Sa sunod talaga ay kukumpiskahin ko na yan ah?!" agad ko nang sinarado yung latop ko at nagtungo sa may pintuan , bumungad sa akin ang nakakunot noo na si mommy.

Napa peace sign na lamang ako gayung halata na ang inis sa kanyang mukha habang nakatitig sa akin.

"Sorry mom. Eh kasi yung Tyler Vixson na yun nag post na naman ng Pictures kasama si Ellias ko tapos sinabihan ba naman niya na nuno.  Hindi lang katanggap tanggap gayung napakagwapo ng baby ko.!" Naiinis na kwento ko kay mommy napasapo nalang siya sa kanyang ulo nang marinig niya yung sinabi ko at diretso nang bumaba ng hagdan

Habang ako papadyak padyak pa sa sahig sa sobrang inis ko sa kulot na lalaking yun! Argh panira ng araw amp. Ang ganda ng gising ko eh tapos mukha niya yung makikita ko sa news feed ko.

I DATED AN ANTI FAN Where stories live. Discover now