Tyler's s Pov
Akala ko magiging masaya siya na siya yung pinili ko pero bakit? Bakit hindi niya maintindihan na dahil sa kanya at sa pagmamahal na meron ako ay kaya kong iwanan lahat ng meron ako para lang sa kanya. Mahal ko siya at yun lang ang napakahalaga para sa akin at wala nang iba. Kasalukuyang nagmamaneho na ako pauwi ngayon ng condo ko.
This can't be! I need to do something para hindi niya sabihing sinayang ko lang yung buhay ko. Niliko ko yung sasakyan ko and then naisip ko na this time haharapin ko na sila mom and dad. Alam kong may kinalaman din sila sa pagkakakalat ng mga litratong iyon.
Madumi silang maglaro at gumawa ng way para mapasunod ako, kung ayun ang gusto nila then handa na ako makipaglaro sa kanila. A few minutes later ay nakarating na ako ng boracay, yes dun kasi sila nag iistay lagi at bihira lang silang mapadpad sa manila para asikasuhin yung business namin doon na ipinagdidikdikan nila sa akin noon pa man. Naglalakad na ako papuntang rest house at may dala dala akong pocket knife sa bulsa ko, alam kong hindi ko dapat gawin tong nasa isip ko pero ito nalang ang naiisip kong paraan para matapos na itong lahat.
"Tyler anak?!" Bungad sa akin ni mom nung makita niya ako agad niya akong binigyan ng yakap pero inalis ko kaagad iyon at nagtungo na sa loob.
Hinanap ko na agad si dad dahil siya naman ang pakay ko talaga dito at wala ng iba pa , nang makita ko siya ay agad ko siyang binigyan ng isang napakalakas na suntok na sanhi upang matumba siya , inalalayan naman siya kaagad ni mom upang makatayong muli.
"Tyler? Bakit mo ginawa to sa dad mo. Kung sa tingin mo ay may kinalaman kami sa kumakalat ngayon ay nakakasigurado akong wala anak" naiiyak na sabi ni mom , no hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong kayang itake down agad ng management namin yung mga kumalat na yun pero hindi eh, hindi siya na take down at alam kong siya ang nasa likod ng lahat ng ito.
"Wala ka na talagang galang na bata ka huh?! Ganyan na ba ang nagiging epekto ng pakikipag relasyon mo sa mababang nilalang na yun huh! Tyler matuto kang lumugar sa estado ng buhay mo! Ang mayaman ay para sa mayaman at ang mahirap ay para lamang sa mahirap!" Sabi naman ni daddy napakuyom naman akong muli dahil sa sinabi niya kailan ba siya mamumulat sa reyalidad ah? Ang hirap ituwid ng baluktot niyang pag iisip.
"Dad ngayon ko lang hiningi sayo na pabayaan niyo na ako?! Ngayon lang?! Ngayon ko lang ginusto na maging masaya sa buong buhay ko dahil balot na balot na ako ng kalungkutan pero si brei? Si brei yung naging liwanag sa madilim kong mundo. Si brei yung tanging tao na nagpagaan ng loob ko at ipinaintindi sa akin na lahat ng ginawa niyo dati ay sa tingin niyo lang na makakabuti sa akin pero bakit huh?! Bakit pilit mong ipinagkakait yung kasiyahan ko dad! Ganyan kana ba ka selfish ah! Kayo? Ni minsan ba naisip niya na yung mga ipinapagawa niyo sa akin ay ikakasaya ko?! Pagod na pagod na ako! Pagod na pagod na ako sa mga ginagawa niyo pero ano?! Hinayaan ko lang kayo na ganituhin ako! Career?! Pera?! Sasakyan?! Aanhin ko yan! Aanhin ko lahat ng meron ako kung hindi naman yan ang magpapa satisfied at magpapasaya sa akin! Aanhin ko yan mom and dad!" Sigaw ko sa kanilang dalawa kasabay nun ay ang walang sawang pagtulo ng aking luha , sobra akong nasasaktan ngayon , sobra na pagod na pagod na akong itago lahat ng nararamdaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/280835049-288-k56597.jpg)
YOU ARE READING
I DATED AN ANTI FAN
FanfictionAubrey Bautista being a number one basher of Tyler Vixson who was a member of Twinkle Pop , A very popular boy group in japan together with Ellias , Gavin ,Carter, Sean And Avio.