Author's Pov
Dinala na nila francesca si brei sa pinakamalapit na hospital which is kung saan din dinala si Tyler, alalang alala na si franceca habang tinitignan yung ate niya. Hindi nito kinaya na malaman na wala na ang kanyang kasintahan kaya sa sobrang pag ka shocked ay nahimatay ito , kasalukuyang binabantayan siya ngayon habang mahimbing na natutulog sa may kama.
"Alam na ba to ng mga co members niya? Sila Kuya Ellias? Yung ate mo mark? Alam na ba nila?" Tanong ng dalaga kay mark na nakatingin lang kay brei ngayon na sobrang putla na at magang maga ang mata.
"Yes alam na nila iyun francesca. Oum , siya nga pala saglit lang ah at may bibilhin lang ako sa may baba at may dadaanan na din ako" sabi ni mark sabay tumayo na at tinapik sa may balikat si brei , nasabihan na din ni francesca yung parents nila about sa nangyari kay brei.
Nakatingin lang siya sa kanyang kapatid at naaawa ito dahil sa sinapit ng kasintahan ng kanyang kapatid , napalapit na din sa kanya si Tyler kaya sobra siyang nalulungkot na malaman na pumanaw na ito.
"Ate brei?! Sa tingin ko kung nandito si Kuya Tyler ay gugustuhin niyang magpakatatag ka , masakit ate brei pero sana ay maging strong kang harapin ito, makakasama mo kaming harapin ito ate brei" wika nito habang hawak hawak ang kamay ng kanyang ate brei naluluha na siya ngayon at hindi niya mapigilang hindi maiyak sa sobrang awa na din sa kanyang kapatid.
Fast forward dumating na si mark na may dalang mga tubig at makakain na din nila habang inaantay na magising si brei. Gabi na at nasabi nga ni francesca na hindi pa sila nakakakain ng hapunan kaya kumain na muna silang dalawa ni mark. Maya maya ay nagising si brei at bigla siyang bumangon at hinanap agad si Tyler nung pagmulat pa lang ng kanyang mga mata.
"Nananaginip lang ako diba? Please tell me na buhay pa si Tyler. Francesca? Mark?! Sabihin niyong buhay pa siya at nananaginip lang ako ngayon!" Pangungumbinsi ni brei sa kanyang sarili napayuko nalang ang dalawa at hindi na nakasagot pa sa tanong ni brei. Alam nilang nasasaktan at nahihirapan siyang tanggapin pa iyon pero wala silang magawa kundi ang damayan nalang siya.
"Brei wala na siya , patawad. Kahit masakit ay kailangan mo iyong tanggapin." mahinang sabi ni mark na mas nagpahagulgol sa iyak no brei niyakap niya na lamang ito upang mahibsan kahit papaano yung bigat at sakit na nararamdaman nito.
"No this can't be! Kailangan ko siyang makita nang sa ganun ay maniwala na ako! Please masamang biro to mark! Hindi pwede buhay si Tyler at nararamdaman ko iyon! Buhay siya buhay siya!!!!" Nagwawalang aniya niya naluluha nalang na tinignan siya ni francesca at ganun na din si mark na sinasalo lahat ng palo ni brei sa kanyang dibdib mismo.
"Nakausap ko na si tito , nasa morgue na ang labi ni Tyler at pwede na natin siyang puntahan but you need to calm down first brei if you really wanted to see Tyler" malungkot na sabi ni mark habang nakayakap pa din sa umiiyak niyang kaibigan. Maya maya ay medyo kumalma na ito kaya nagdecide na silang puntahan ang labi ng kanyang kasintahan.
Brei's Pov
Inaalalayan nila ako halos manghina ako at hindi pa din talaga ako makapaniwala na wala kana Mahal ko , patawad ayan ang unang pumasok sa utak ko nang malaman ko yung balita about sa ginawa mo.
YOU ARE READING
I DATED AN ANTI FAN
FanfictionAubrey Bautista being a number one basher of Tyler Vixson who was a member of Twinkle Pop , A very popular boy group in japan together with Ellias , Gavin ,Carter, Sean And Avio.