C19

459 36 14
                                    

Tylers Pov

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko kasabay nun ay ang pagbangon ko at pagkatapos nun ay pinaghahanap ko na yung cellphone ko. Pinangtanggal ko na yung mga unan ko na nakakalat sa may kama ko pero wala akong nakita na cellphone ko damn nasaan na yun?  Ang alam ko dito ko lang yun itinabi sa kama ko.

Sigurado akong katabi ko lang iyon sa aking pagtulog , tumayo naman na ako at tinignan isa isang drawer ko baka kasi doon ko nalagay at nakalimutan ko lang pero wala akong nakita maski sa may ilalim ng kama ko or sa gilid gilid ay wala kaya nagtungo nalang ako kay ella nang sa ganun ay matawagan niya iyon.


"Ellias?! Ellias?!" Tawag ko sabay katok sa may pintuan nito nang bumukas ang pintuan ay isang luhaang ellias ang nakita ko.

"Bakit ka umiiyak? May nangyari bang hindi maganda. At tsaka bro? pwede bang paki dial nung number ko hindi ko kasi mahanap yung phone ko mukhang nakalimutan ko ata kung saan ko nailapag" nag aalalang sabi ko hinawakan ko naman na ang braso niya upang damayan siya sa kanyang pinagdadaanan. Anong meron bakit parang ang tahimik nilang lahat at seryosong nakatingin lang sa may kisame.


"Tyler? Hindi muna mada dial yun sapagkat kinonfiscate lahat ng mga gadgets natin kagabi nila coach. Hindi ko sila napigilang makuha yung cellphone mo I'm sorry. Mark and I broke up na din para sa ikakabuti niya" naiiyak na pagkukuwento niya na ikinagulat ko bakit naman nila kukunin yung phone namin? It's against our privacy.

"Huh?! What do you mean! Bakit ka nakipaghiwalay sa kanya Ellias?! Akala ko ba lalaban tayo ngayong araw. Diba Avio? Sean? Carter? Gavin? Ano na bakit ganyan ang mukhang ipinapakita niyo sa akin?!" Sabay tingin ko sa kanila isa isa , yumuko lang sila habang nakatingin sa akin so ano ibig sabihin nito na umaatras na sila sa sinabi nila kahapon? So ako lang pala ang gustong lumaban sa aming lahat. Mga duwag.

"We can't afford na mawala din ang pinaghirapan namin as an Idol bro. Kaya need naming makinig sa sasabihin ng management which is yung manahimik nalang. Lalo na ikaw marami kang isinakripisyo. I'm sorry dahil kinakain na namin yung sinabi namin kahapon. You need to let go her para na rin sa ganun ay hindi na siya mahirapan pa." Dagdag niya pa habang nakahawak sa may mukha niya , mukhang naluluha siya ngunit pinipigilan niya lang. Napabuntong hininga naman ako saka napailing iling. Hindi ako pwedeng umatras kagaya nila gayung may paninindigan akong tao.

"Naiintindihan ko kayo pero sana maintindihan niyo din ako sa gagawin ko ngayon. Avio , Sean , Carter ay Gavin? I'm sorry but hindi na ako magiging duwag pa at ngayon din ay haharapin ko ang hamon na ito. Don't worry okay lang na mapatalsik ako sa grupo na ito masaya naman na ako na nakasama ko kayo sa matagal na panahon at alam kong hindi ko pagsisisihan ang gagawin kong desisyon" nakangiti ako sa kanila despite na nakayuko sila sa akin, masaya akong maging idol for almost 3 years. Masaya akong nakamit ko ang pangarap ko but this time? Pangarap ko ang ibigin ka brei , I know madaming doubts or kaya hindi magandang mangyayari but I wanna take a risk.


"Tyler?! Nagbanta na ang daddy mo na sisirain niya ang reputasyon ng mga Bautista kapag pinili mong umalis sa grupo para lang sa kanya. Please huwag kang magpadalos dalos bro ,  isipin mo din ang kapakanan ni brei dahil siya ang pinaka naiipit sa sitwasyong ito" muling sabi ni gavin ,  napakuyom naman ako ng kamao naiinis ako, tama sila pero gusto kong maging selfish ngayon.

I DATED AN ANTI FAN Where stories live. Discover now