Tyler's Pov
Nakarating na kami ng Japan ngayon ngayon lang at tsaka dumiretso na agad ako sa aking kwarto nang sa ganun ay makapag pahinga and then matawagan na din si brei na nakarating na kami dito ng safe nang sa ganun ay hindi na siya mag alala pang muli. Nag dial na ako ng number niya and then panay lang ito ring at hindi niya pa nasasagot , hmp baka natutulog siya ngayon or di kaya may ginagawa mamaya nalang siguro ako tatawag sa kanya.
Naisipan ko naman na magbihis na muna at para makapagpahinga na ako sa pamamagitan ng pagtulog. Nang matapos na akong magbihis ay ibinagsak ko na ang aking katawan sa may kama at unti unti na akong pumikit.
A few hours later
Isang malakas na katok mula sa pintuan ng aking room ang pumukaw at ang naging dahilan upang magising ako sa napakahabang pagkakatulog ko. Agad na akong tumayo upang buksan iyon at nang malaman kung sino ba ang nambubulabog sa akin ngayon.
Nagpupunas lang ako at nagkukusot ng aking mata habang pinagmamasdan itong kaharap ko medyo blur pa kasi yung paningin ko.
"Tyler?! Damn you're in trouble pati na si brei! Bakit hindi mo sinabi na magdidate pala kayo. Damn it na spottan kayo at ipinalabas pa sa news sa pilipinas!" Nanlaki naman ang mata ko dahil doon at kinuha ko na yung phone niya upang tignan yung video na sinasabi niya na na feature sa may news. It happened sa tagaytay ito yung moments na tinanggal ko yung mask ko at pati yung cap and then niyakap at hinalikan sa lips si brei.
Mababasa ko naman sa comment section yung mga masasakit na salitang sinabi nila kay brei which is nagpa trigger sa akin. Kinuha ko na yung coat ko and then nagmadaling lumabas na sa aking kwarto , habang sinusubukang tawagan si brei ngayon.
Nakasalubong ko naman ang head ng management namin na Si Miss Myca at isang sampal ang nakuha ko mula sa kanya.
"So eto yung sinasabi mo na mag iingat kayo or ikaw? Madami nang bumabatikos at may petition na agad sayo ang mga fans na sobrang galit na galit dahil sa scandal mong ito! Alam mo naman Tyler na isa ka sa pinakasikat na member at visual ka ng grupo. Bakit naman hindi ka nag ingat ah?" Singhal niya sa akin napayuko naman ako , this was all my fault at ngayon ay nasa in a bad position si brei dahil sa akin.
"I'm sorry coach! But I need to go back to the Philippines kailangan ako ngayon ng girlfriend ko at hindi pwedeng hindi ko isecure yung kaligtasan niya at ng pamilya niya" mahinahong sabi ko at akmang aalis na ngunit hinawakan nito ang aking mga kamay.
"We denied the allegations against you and that girl Tyler and if you leave japan again tapos umuwi ka ng pilipinas talagang masisira yung career na iniingatan mo. Matagal mo nang gusto tong natatamasa mo ngayon at in a blink of your eye lang mawawala lahat sa iyo Tyler." Pagbabanta naman ng kakarating lang na si miss jam , binitawan na ako ni coach myca gayung may katagalan na din niya akong hinahawakan.
"Hindi sa pinagbabantaan kita Tyler but once na umalis ka sa building na to? Matatapos na ang iniingatan mong career , sa ngayon ang kailangan mong gawin ay hiwalayan yang brei na yan para sa ikakabuti mo. Napa take down na yung video at yung mga photo ay medyo blur naman at hindi mapapatunayang ikaw yun kaya just rest and take our advice! Para yan sa ikakabuti mo , alalahanin mo yung mga pinagdaanan mo para makamit mo lang yung pangarap at yung karangyaang natatamasa mo ngayon ng mag isa" muling sabi ni coach myca at tsaka umalis na sa may harapan ko , linapitan naman ako ni miss jam at niyakap ako nito sapagkat nagtitimpi lang ako habang may nangingilid na kaunting luha sa aking mga mata.
It's a battle of my dreams vs sa taong una kong minahal at nagparamdam sa akin na wala akong kulang. Yung taong nagpasaya sa akin at dahilan kung bakit lumalakas ang loob ko at masaya ako ngayon.
"Alam kong mahirap gayung napamahal kana kay brei pero pag ipinagpatuloy niyo pa yung sainyo? Madaming magbabago Tyler at tsaka patuloy kayong babatikusin ng mga die hard fans mo lalo na si brei ha huntingin din siya. Don't worry sapagkat pinalipat ko na sila ng bahay sa tulong ng staff ko na nasa manila" aniya niya pa sa akin , napailing iling naman ako , ako dapat yung nagpoprotekta sa kanya ngayon.
"So sinasabi mong aabandunahin ko si brei ganun po ba miss jam?" Tanong ko sa kanya tumango naman siya at kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilang bumagsak.
Makakaya ko bang gawin yun sa taong mahal ko? Hindi lang batikos ang makukuha niya maaari din siyang makatanggap ng death threat galing sa mga fans ko na sobrang galit na galit sa kanya. I don't know pero ito ba yung dapat kung gawin para lang masecure ko yung position ko dito sa twinkle pop? Kakatapos lang din at kakareleased lang ng album namin at malaking kasiraan talaga tong scandal na to sa reputasyon ko at mismong grupo namin.
"Bukas may magaganap na press conference sa may International TV at iniimbitahan tayong dumalo bukas nang sa ganun ay maayos at maitanggi mo yung alegasyon tungkol sa scandal na yun. I'll be there for you pati yung ibang Twinkle pop at sana sumunod ka nalang sa amin this time Tyler dahil we know the best for you at sa buong grupo" huling sabi niya bago ako iniwan ngayon na nakatayo sa may hallway ,isang yakap naman ang natanggap ko galing kay ellias na kakarating lang.
"Bro? Alam kong hindi madali but kung ano ang sa tingin mong tama at magpapasaya sayo ay gawin mo. To be honest I'm a bit mad at you dahil isinikreto mo to sa akin at pati na din sa ibang members pero wala na eh nangyari na. Alam kong mahal mo si brei at nais mo siyang protektahan pero nasa isip na this time sana piliin mo yung desisyon na sasaya ka. Ipaglaban mo siya kagaya ng pakikipaglaban niya sa mga fans mo nung nasa manila tayo, na kahit nasasaktan na siya lahat lahat pero inilalayo niya pa din yung nais lumapit sayo at maiwas ka lang sa kapahamakan. Sana ganun ka din, aminado akong madaming magbabago kapag pinili mo si brei pero kung doon ka sasaya Tyler ay magiging masaya kami right guyz?!" Mahabang sabi niya napalingon naman ako nang may tinignan siya sa may likuran ko. Napangiti nalang ako na makita ang iba kong members na nakasuporta sa akin.
"Oo naman kung inaalala mo yung reputasyon ng grupo? Sus! Don't worry sawa na rin naman kaming magtago ng relasyon ng bawat isa. Bukas kasama mo kami sa press con at doon na natin aaminin ang lahat dahil deserve ng mga fans natin na malaman ang katotohanan kaya ayun ang dapat nating gawin" dagdag naman ni Avio sabay akbay sa akin napatango nalang ako, grabe yung support nila sa akin.
Alam kong pag hindi ko itinanggi yung alegasyon na iyon ay malaking kahihiyan yun sa grupo namin at madadamay yung ibang members dahil sa pambabatikos ng mga bashers sa akin.
"Kaya nga tama si Kuya Avio! O siya magpahinga kana muna sa ngayon bro. Huwag kang mag alala nasa magandang kalagayan sila brei sabi sa akin ni mark gayung magkasama sila ngayon" singit naman ni Carted , bahagyang napangiti nalang ako dahil sa kanila at tsaka lumapit naman silang lahat papunta sa akin upang mag group hug kami. I'm so lucky to have this squad beside me.
YOU ARE READING
I DATED AN ANTI FAN
FanfictionAubrey Bautista being a number one basher of Tyler Vixson who was a member of Twinkle Pop , A very popular boy group in japan together with Ellias , Gavin ,Carter, Sean And Avio.
