Brei's Pov
Nandito lang ako sa bahay at nakahalumbaba, bukas na ang nakatakdang pagbalik nila Tyler sa japan at nalulungkot ako dahil doon.
Wala na akong topaking lalaki na babantayan, hindi ko na siya makakasama at makakakulitan. Wala nang bebe time , ack ang saklap naman ng buhay ko.
"Ate brei?! Di pa din talaga ako makapaniwala na mag on kayo ni what so called hatest idol mo? Argh sana ol nalang talaga. Si Carter kaya ate brei? Taken na ba siya ah?" Tanong naman sa akin ni francesca hawak niya yung phone ko kasi ayaw niyang maniwala na magka relasyon na kami ni Tyler.
Pati din si sheki , sinabihan pa ako na baka daw nababaliw na ako sa sobrang pag kainis ko roon pero nung makita niya yung mga litrato namin habang magkahalikan ay natameme siya. Pinaghahampas niya naman ako dahil sa inis niya sobrang crush na crush niya kasi si Tyler pero sorry nalang siya dahil ako ang nagustuhan ng taong mahal niya.
"Taken na silang lahat maliban kay Tyler which is sa akin na ngayon.Tigil tigilan mo na yang paghanga mo kay Carter at mag focus ka kay Jaydee na nanliligaw sayo" malungkot pa din na sabi ko, kasama naman ako bukas sa paghahatid sa kanya pero hindi ko alam kung makakaya ko siyang ihatid ng walang yakap at halik na nagaganap.
"Sus ang babaero naman nun ni jaydee palibhasa gwapo at mayaman eh!" Inis na litanya niya , sabagay napakagwapo nga ng batang yun at sobrang bait din nun lalo na sa akin kasi nga nagpapaganda ng pangalan para sa kapatid ko.
"Lahat naman ata ng nagbalak manligaw sayo ay babaero , for example si kielle? Pati si Kurt at Sette" walang ganang tugon ko sa kanya sabay ibinagsak yung ulohan ko sa may lamesa. Yung mga poster na may drawing sa mukha ni Tyler ay nandito pa din sa kwarto ko wala pa kasi akong time na tanggalin iyon. Lagi nalang ako tinatamad nitong mga nakalipas na araw , baka senyales na to ng pangungulilang nadarama ko.
"Timplahan mo nga muna ako ng kape francesca. Tapos lagyan mo ng gatas sa taas ah, salamat" mahinang utos ko nagsabi nalang sya ng okay and then lumabas na ng kwarto ko.
Nakasubsub pa din yung ulohan ko sa may lamesa hanggang sa may naririnig na akong yapak galing sa may hagdanan.
"Ate brei? Ate brei? Si kuya tyler ay nasa baba. Puntahan mo na siya ngayon din at hinihintay ka niya roon" Napatayo naman ako kaagad dahil sa sinabi ni francesca na may hawak ngayong kape. Hmp totoo ba tong sinasabi ni Francesca o pinagtitripan niya lang ako? Nakangiti pa naman siya ng nakakaloko ngayon. Kaya nagdadalawang isip ako kung magpapauto ba ako.
"Francesca? Kung pinagloloko mo ako please lang huwag ngayon sapagkat wala ako sa mood para makipag lokohan sayo" inis na sabi ko sa kanya at tsaka napahiga nalang sa may kama ko. Kahit kailan talaga tong batang to.
"Totoo nga Ate brei?! Sige ka nandun pa naman din si Ate sheki sa labas baka landiin niya yung bebe mo at tsaka sila yung -----" napabangon na ako at tsaka lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Nakita ko naman ang isang balot na balot mula ulo hanggang paa na matangkad na lalaki at mukhang si Tyler na nga ito.
YOU ARE READING
I DATED AN ANTI FAN
FanfictionAubrey Bautista being a number one basher of Tyler Vixson who was a member of Twinkle Pop , A very popular boy group in japan together with Ellias , Gavin ,Carter, Sean And Avio.