C8

535 58 4
                                    

Ellias's Pov

Sobrang saya naming lahat ng boys dahil naging successful yung handshake event namin dito sa pilipinas , nakakapagtaka lang dahil hindi ko ngayon nakita si Bweibanana na ultimate fangirl ko. Ano kayang nangyari sa kanya? Argh matawagan nga muna si mark , para makibalita kung anong ganap dun sa babaeng sinasabi ko which is kaibigan niya daw.


Calling...... LOML💛

OTPC

"Hello babe?! Ano kamusta hindi man lang tayo nagkita kanina ah. Yang kapatid mo na si carter kasi panira eh! Ginawa ka pang utusan niya eh may secretary naman siya" bungad na sabi ko sa kanya panira kasi si carter eh ginawang utusan siya kanina don sa booth niya tapos hindi ko man lang siya nakita nang malapitan.

"Eto malungkot babe di man lang kita nakita. Gusto mo magdate tayo bukas? Nang tayong dalawa lang ganun?" Suggest niya naman , argh kung pwedeng lang talaga eh kaso baka may makakita sa amin na paparazzi mahirap na.

"Alam mo namang hindi pwede babe pero try nalang natin isama si carter at gavin o di kaya si Tyler nalang sanay naman maging third wheel yun" pwede na ding si Tyler yung isama ko nang sa ganun ay kung may makakilala sa amin ay hindi kami maissuehan ganun.

"Anyway nagkita ba kayo sa handshake event ni brei? Ay I mean si username bweibanana?" Tanong niya naman sa akin ayun nga din yung isa sa dahilan kung bakit ko siya tinawagan eh.

"Ayun nga sana ang itatanong ko sayo. Hindi ko siya nakita which means baka sa ibang booth siya napunta , o di kaya kay Tyler" medyo napangiti naman ako what if kay Tyler nga siya napunta? Edi masaya yun pag nagkataon haha.

"Wait tanong ko nalang si francesca babe about dyan pero sigurado ka ba talaga na gusto mong paglapitin sila nang landas? Kagaya nga ng sinabi ko sobrang hate na member ni brei yung si Kuys Tyler kaya mahihirapan ata tayo sa pinaplano mo" sabi niya sa akin ewan ah pero I find interesting yung brei na yun simula nung makwento ni mark sa akin yun.

Kaya ayun dun na din nag start na pinaligaw ko siya doon, kahit sa una ay labag sa kalooban ko pero nagtitiwala naman ako kay mark na hindi siya mahuhulog doon kahit medyo kagandahan nga yung brei na yun.

Sa aming magtotropa din ay si Tyler na lang ang natatanging Single at hindi alam ng nakakarami na puro bisexual ang nasa grupo maliban lang kay Tyler. Si Avio at Sean , Si Carter at Gavin sila ay real couple at naitatago lamang nila ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng ships na yan. Double purpose ang nagiging ganap gayung nakakalikom sila ng mga fans habang nagagawa nila ang gusto nilang gawin as a real couple.

Actually , I'm straight talaga but simula nung ipinakilala ni Carter ang kapatid niyang si Mark ay nagbago lahat pati ang pananaw ko sa pag ibig.

"Don't worry babe. I'm sure na about this at tsaka bagay kaya sila sa Isa't isa base na din sa pinakita mong pic maganda yung brei kaso medyo may kapandakan pero masasabi ko pag naging sila ay may katapat na si Tyler" yeah may katapat na yung sobrang pag ka attitude ni Tyler , ang sungit pa naman nun sobra kinulang sa lovelife hahah siya lang kasi yung walang jowa sa Twinkle pop pero syempre kami lang ang nakakaalam nun love ban kasi.

"Grabe yan baka ako naman ang mahulog kay brei niyan babe. Ilang beses niya na nga ako binasted eh parang tanga na tuloy ako sa paningin ng iba" medyo natatawa nga ako sa mga nakukuwento niya dahil ilang beses na daw siyang binasted ni brei sa harap pa ng madaming tao buti nalang kamo at wala din nakakaalam na kapatid niya ang isa ding member ng Twinkle Pop na si Carter.

I DATED AN ANTI FAN Where stories live. Discover now