END

789 46 5
                                    

Tyler's Pov

Nakarating na kaming dalawa ni brei sa may condo , kakarating lang din nila Avio, Sean ,Carter and Gavin dito sa condo ni mark kung saan siya magpopropose. Inannounce na din ni Ellias ang pag alis niya sa grupo na ikinatuwa ko para sa kanya sapagkat ngayon natuto na siyang manindigan at piliin ang taong mahal niya kahit labag sa paningin ng mga tao.

Kahit kami hindi namin inakalang sila padin talaga ang magkakatuluyan, ilang beses nasaktan si mark at nagtiis para lang sa kabutihan ng career ni ellias. Habang ako? Wala akong pagsisihan sa ginawa ko na piliin si brei sapagkat sobrang saya namin at napaka healthy ng relationship namin.

Tinanggap nalang ng parents ko sa huli yung naging desiyon ko at magpapasaya sa akin sapagkat ayaw na din nilang maulit yung nangyari sa past na nagpakamatay pa ako.

"Love?! Tulala ka na dyan , paakyat na daw sila ni mark dito kasama si Ellias na naka blind fold" tapik naman ni brei sa may pisnge ko napabalik naman ako sa wisyo dahil doon napalalim ata yung iniisip ko. Handa na ang lahat at tanging yung dalawa nalang ang hinihintay naming dumating,. Bigla namang bumukas yung pintuan ng condo at iniluwa si Mark at Ellias na magkahawak kamay.

Unti unti nang ipinatanggal ni mark yung blindfold ni ellias habang siya ay nakaluhod na ngayon sa harapan nito , argh ang sweet. Kung hindi lang siya naunang magplano nito? Malamang sa malamang ay mauuna akong magpropose kay brei.

Ang ganda ng desinyo na ginawa nila francesca dito ngayon at nasa gilid lang kami, kinabahan ata si mark sapagkat hindi pa siya nagsasalita sa ngayon habang si ella ay nakatanaw lang dito , yung picture na nasa taas.

"Ahm Babe?! Matagal ko nang pinag isipan ito , sa tinagal tagal ng relasyon natin ay kay daming hindi magandang nangyari pero mas lumamang pa din yung pagmamahalan natin sa isa't isa , masaya ako kasi this time na ako naman ang pinili mo, I wanted this relationship na meron tayo na mag move forward na for the next level which is the wedding! Babe Will You Marry Me?" Halata ang kaba sa bawat sallitang binibitawan ni mark habang kami ay pasimple lang napapangiti , this moment is for them.

Naluluha naman na tinignan ni ella si mark at tsaka tumango ito na ikinasaya ni mark sapagkat patalon talon pa ito bago isuot ang singsing kay Ellias.

"Congratulations sainyong dalawa!!!!!" Sabay sabay naming bati sa kanila.

"Congrats Mark at Ellias!!! , Mark siguraduhin mo lang na di mo sasaktan yang si Ellias sapagkat ako ang makakalaban mo. Napakadami pa naman yang babae na nireject para lang sayo" pagbabanta naman ni Carter na siyang ikinangiti ni mark maging ni ellias. Bilib ako sa pambubully ni Carter sa kapatid niya hanggang ngayon ba naman eh.

"Congrats Mark and Ellias! Nako magkakaroon na ng panganay si Ellias" pangangantyaw ko naman kay ellias ,  inirapan niya lang naman ako pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na kasiyahan.

"Salamat sainyong lahat , opo naman kuya Carter hindi ko siya sasaktan don't worry" paninigurado ni mark sabay taas pa ng kanyang kamay na nangangahulugang nangangako siya.

"O siya magsikain na tayong lahat sapagkat nagugutom na din kami , right baby?" Sabi naman ni avio at napaakbay kay sean , tumango naman na ang lahat at nagtungo na kami sa may lamesa upang kumain.

I DATED AN ANTI FAN Where stories live. Discover now