Tyler's Pov
Kakapost ko lang ng pictures namin ni ellias and as expected itong bweibanana na username na top hater ko ang unang pangalawang nagcomment sa post ko. Minsan talaga naiinis na ako sa babae o lalaking to , mukhang ang laki talaga ng sama ng loob ng taong to , for sure naiinis siya dahil sa mga pang aasar na ginagawa ko kay ellias sa social media. May karapatan naman akong ganunin siya dahil bestfriend ko siya at tsaka alam ng lahat ng mga taong nakakakilala sa akin na mapang asar talaga ako kahit nga management namin ay hindi naman ako sinasaway.
Sadyang bitter lang talaga tong bweibanana na to akmang isesend ko na yung irerebat ko sana sa kanya nang biglaang bumukas yung pintuan ng room ko at iniluwa nito si Ellias na may nakakalokong tingin at ngiti sa akin. For sure alam na niya na nagcomment na naman yung top fan niya / top hater ko sa social media.
"Anong mukha yan bro? Mukhang affected na affected ka sa sinabi ng top fan ko ah! Mukhang engkanto ka pala , well deserved!" tawang tawang sabi sa akin nito , nag eenjoy talaga siyang makita ako na naaasar at nababadtrip dahil dyan sa fan niyang sobrang kitid ng utak. Hindi ba pumasok sa utak nun na normal lang naman na mag asaran ang magkaibigan ah , sa 2 years kong nandirito sa Idol Industry ngayong year lang ako sobrang nabadtrip ng husto.
"Shut your damn mouth asshole! Naiinis na ako sa top fan mong yan ah! Ang laki ata ng galit sa akin at kada post ko nalang ng mga pictures ko ay laging nagcocomment siya ng hindi maganda kung hindi lang ako idol baka pinatulan ko na to eh!" Gigil na gigil na sabi ko nagsimula lang naman yung pambabash niya saakin nung pinost ko yung bagito at jejenh pics ni ellias nung mga bata pa lang kami.
Dare naman kasi yun nila carter sa akin . Ang masama lang dahil hindi alam ni ellias yun at umani nga siya ng batikos ng mga tao dahil don kesyo madami daw siyang pinaopera at nagpaplastic surgery daw siya kaya umayos at naging ganyan siya kagwapo.
At tatapatin ko kayo gayung ganyan na talaga si Ellias magmula pa noon. Walang pinabago o pinabawas sa mukha niya sadyang ang laki lang ng ginlow up niya kesa saamin nila Avio. Alagang alaga din yan ng parents niya kaya naging ganyan ang kinalabasan. Alam na alam ko din na hate ni Ellias na magpabago ng anyo niya gayung kalalaki niyang tao.
"Ikalma mo ang iyong puso bro. Tama naman kasi siya. Sa gwapo kong to ay tatawagin mo akong nuno? Ang laptrip lang at tawang tawa pa rin talaga ako nung sinabihan ka niyang engkanto" pagpipigil niya pa ng tawa napatingin naman ako sa paligid ko at wala man lang akong mahablot sa lamesa ko na pwedeng itapon sa kanya ngayon sa sobrang pagkainis sa fan niya at maging sa kanya.
"Bakit ka ba nandito Ellias. Para mang asar no? Umalis ka na nga kung pagtitripan mo lamang ako ngayon dahil magpapahinga na ako at itutulog ko nalang tong sama ng loob ko sa top fan mong nakakabwisit?!" Nakataas kilay kong turan sa kanya at inilagay ko nalang yung paa ko sa may lamesa upang sa ganun ay marelax man lang kahit papaano.
"Loko! Lalabas tayo kasama yung buong Twinkle pop at pati yung mga coaches natin. May pictorial daw na gaganapin para sa gagawing poster ng concert natin sa manila kaya tayo na at aayusin pa yung ayos ng mukha natin." nawala na ang mga ngiti niya at seryosong tumingin sa akin , argh ang sabi ko sa sarili ko matutulog ako buong maghapon ngayon at hindi naman ako na update na may pictorial pala kami para sa upcoming posters namin para sa concert sa manila.
"Sige susunod ako magbibihis na muna ako ng damit. Sa parking lot nalang ako didiretso pagkatapos ko" sabi ko sa kanya at sinenyasan ko na siya na umalis na dahil tuloy parin siya sa pagpigil ng tawa niya habang nakatingin lang sa akin.
At Pictorials Room
Nakarating na kami sa lugar kung saan isasagawa yung pictorial ng tig isa isang member , nauna na sila ni ellias na kuhanan at ngayon ay nakaupo lang ako ngayon sa couch kasama tong si avio na panay cellphone lang. Napatawa naman siya ng malakas at saka tinawag niya si Sean na lumapit sa kanya , nagtaka naman ako kung ano yung pinagtatawanan nila ngayon.
"Laptrip nung bweibanana napakalakas ng loob na tawagin si Tyler ng engkanto amp." natatawang sabi ni Avio parehong pareho talaga silang dalawa ni ellias kanina ang lakas mang asar sa akin , tawang tawa din naman tong si sean sa ginagawa ni avio na pang aasar sa akin.
"Gagi trending siya ngayon sa twitter. Nakikipagdigmaan na naman yung mga certified Tylernatics laban sa kanya" dagdag niya pa saka ipinakita yung cellphone niya sa jowa niyang nakikinig lang sa ichinichismis niya ngayon.
"Hindi ba kayo mananahimik na dalawa? Nandito tayo para magpictorial oh hindi yung pag usapan yang pisteng fan na yan na puro pambabash lang ang ginawa sa akin!" iritableng saway ko sa kanila bahagyang tumahimik naman sila pero kinalaunan ay mas lumakas ang tawa nilang dalawa ni Sean.
"Kawawa ka naman bro. Hindi mo man lang magawang rumebat dahil baka dumami ang bashers mo pag pinatulan mo tong Top hater mo na bweibanana na to. Malala na yung tama nito gayung kung ano ano ang pinagsasabi sa twitter!" rebat pang muli ni Avio napasapo nalang ako sa may noohan ko dahil nararamdaman kong kumukulo na naman yung dugo ko sa bweibanana na yun.
"Could you please stop? Sinusubukan ko nang kalimutan ang inis at galit ko sa taong yan at pinapakalma ko nalang din yung sarili ko na huwag nang intindihin yan. Hayaan mo siyang magkalat sa twitter gayung papansin naman siya!" singhal ko ulit itinaas nalang ni avio yung kanyang dalawang kamay as a sign na suko na siya at hindi na siya muling tumawa pa ganun din si sean na ngayon ay namumula na ang mukha dahil sa kakatawa kanina.
"Sorry bro! Huwag kang mag alala as usual pinagpi piestahan na naman siya ng mga certified die hard fans mo. O siya bilhan nalang kita ng milktea para naman sa ganun ay mag lift up yung mood mo" sabay tayo niya sa may sofa at kinuha yung bag niya at isnukbit sa may likuran niya.
"Ayan lang ang maganda mong nasabi ngayon Avio! Mabuti pa nga mag pa add ons ka pa ng toppings ah , pearl tsaka nata de coco" medyo nakangiting sabi ko nagpa salute salute naman siya sa akin at hinayaan ko nalang siya at ibinaling ang tingin sa kakalabas lang sa room na si gavin.
"Okay master tyler! Masusunod po ang iyong kahilingan. Tara Gavin samahan mo ako sa labas may bibilhin lang ako. Tapos na pictorial niyo diba?" Tanong niya dito tumango nalang si gavin at napatingin sa akin mukhang ako na nga ang sunod na kukuhanan ng litrato.
"Oo tapos na. Tyler? Ikaw na daw susunod kay Sean sabi ni Coach Princess maghanda kana daw at pumasok kana sa room na yun" sabay turo niya doon sa room na nilabasan niya agad na akong tumayo at pumasok doon para magready na sa pictorial ko.
"Cheer up! Inhale exhale , kumalma ka at dapat masaya ka ngayon na kukuhanan ng pictures dahil para sa mga fans mo ito" mahinang sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim , ayan tama yan lara kalma lang at wag ka magpa apekto doon. Kulang lang sa aruga ang fan na yun kung kaya'y nambubwisit lang ng idol na kagaya mo.
YOU ARE READING
I DATED AN ANTI FAN
FanfictionAubrey Bautista being a number one basher of Tyler Vixson who was a member of Twinkle Pop , A very popular boy group in japan together with Ellias , Gavin ,Carter, Sean And Avio.