Frances Pov
Nakapila na ako ngayon sa booth kung saan naroroon si Ellias Ford , yeah tama kayo si Ellias na sobrang hinahanggaan ni ate brei. Gusto ko kasi siyang pagtripan ngayon at ang buong akala niya ay nakapila siya sa kanyang pinakamamahal na si Ellias pero ang hindi niya inaakala ay kay Kuya Tyler siya nakapila na booth. Ewan ko nalang kung anong gawin ng babaeng yun paniguradong hindi lang sapak , tadyak at sampal ang makukuha ko sa kanya pero okay lang yun dahil ready naman na ako doon bago ko ginawa ito hihi.
Ang gusto ko lang naman mangyari ay makita niya nang malapitan si Kuya Tyler tapos doon niya marealized na sobrang gwapo nga nito at para na din mag stop na siya sa kakabash niya room. Argh ewan gustong gusto ko din sana makita si Kuya Tyler kaso nga lang need ko mag sacrifice para lang mapagtripan si ate brei , okay lang naman sa akin na si Ellias ang makita ko ngayon pero hindi ko lang alam kay ate brei hahaha sana hindi siya gumawa ng eksena ngayon dahil sobrang nakakahiya yun pag nagkataon.
Tanaw ko na siya na malapit na siyang makapasok sa mini room ni Kuya Tyler , goodluck ate brei haha sana unting gulpi lang ang makuha ko sayo mamaya. Ack RIP sa pangarap kong makita si Idol Tyler pero I know na everything will be worth it naman kaya sana lang mag behave si Ate Brei gayung magiging laman siya ng diyaryo at sa tv kapag gumawa siya ng eksena sa sikat na Handshake event ng Twinkle Pop.
Brei's Pov
Kasama ko si Francesca ngayon sa Mall of Asia Arena dito kasi iheheld yung Handshake Event ng Twinkle Pop at sobrang excited na ako dahil maya maya ay makikita at mahahawakan ko pa ang kamay ni Ellias miloves ko.
Argh ang haba ng pila kaya need kong magtiis ngayon para lamang makita ko mamaya si Ellias, si Frances naman ay nasa kabilang banda at nakapila doon sa Tyler Vixson na yun. Tsk tuwang tuwa naman ang loka gayung makikita niya na yung idol na idol niyang hambog mamaya.
Nakatutok lang ako sa cellphone ngayon at sayang at wala si bonitah , dalawa lang kasi binigay ni mark na ticket eh kaya pipicturan ko nalang si Baby Ellias ko para sa kanya on the other hand si frances na ang bahala sa picture nung unggoy na Tyler na yun.
Mahigit isang oras na ang lumipas ngayon at tatlong tao nalang ang nasa unahan ko , argh malapit na akong makapasok don sa mini room na kinaroroonan ni Ellias. Sobrang kabado ako ngayon , argh for sure mauutal ako pag nakipag usap kahit saglit lang kay Ellias or baka matulala nalang ako sa sobrang ganda niya.
"Miss ikaw na po yung next , yung rules po ah bawal po yakapin ang member or halikan , malinaw po ba?" Grabe naman tong si kuyang guard , sino ba maglalakas loob na gawin yun? Walang hiyang tao nalang siguro pero hindi ako isa don no ginagalang ko ang member at yung personal space din nila.
"Yes po manong guard. I know my boundaries at yung rules before ako magtungo rito" tumango na ako ewan ko ah habang naglalakad ako papuntang mini room ay nanginginig yung mga paa at kamay ko ngayon.
Damn kumalma ka brei malapit muna makita yung idolo mo oh, hindi ito ang oras upang kabahan ka dapat nga excited ka eh. Pagkapasok ko sa loob ay hindi inaasahang mukha ang nakita ko , wait nasaan si Ellias? At bakit itong lalaking pinaka ayaw ko makita ang nandito ngayon. Napatingin naman ako sa taas at ngayon ko lang napansin na booth pala ito ni Tyler , damn you francesca nauto mo na naman akong bata ka lagot ka sa akin mamaya.
YOU ARE READING
I DATED AN ANTI FAN
FanfictionAubrey Bautista being a number one basher of Tyler Vixson who was a member of Twinkle Pop , A very popular boy group in japan together with Ellias , Gavin ,Carter, Sean And Avio.