C16

502 42 1
                                    

Brei's Pov

Nakapasok na kami ng resthouse na ito , sobrang laki nito at namangha ako sa sobrang ganda din nito ngunit nawala naman kaagad ang aking pagpapantasya nang maalala kong hinila lang pala ako papunta dito.

"Is that true?! Girlfriend ka ng anak ko iha?! Magsabi ka sa amin ng totoo." Nagtatakang tanong ng mommy niya samantalang yung dad niya ay nakamasid lang sa akin na tila bay hinuhusgahan na ang buong pagkatao ko. Rinig naman ang ingay sa labas gayung panay katok sa labas si Tyler ngunit wala atang balak pagbuksan siya ng daddy niya o di kaya'y ng mom niya na mukha namang mabait.


"Opo---" hindi pa man natatapos ang aking sasabihin ay pinutol na kaagad iyun ng kanyang ama. Wow walang manners ha.

"Pumatol siya sa hindi niya ka level , wala ma talagang ginawa ng tama ang lalaking yun" napakagat labi naman ako dahil sa pang iinsulto nito sa akin. Mabilis naman nagbago ang enerhiya sa paligid nang muling sumingit sa usapan ang kanyang asawa.

"Masaya ako na ngayon ay natuto na siyang magmahal. Ilang buwan na kayong magkarelasyon. Tsaka anong pangalan mo?" Malambing na sabi ng kanyang ina , mabait naman siya sadyang nasaktan din ako siguro sa part ni Tyler dahil sa ginawa nila sa kanya sa past. Kinokontrol nila ito , hindi ibig sabihin na siya lang ang natatangi nilang anak ay gaganunin na nila. Di din marapat ang ginawa nilang pagtakwil sa nag iisa nilang anak dahil lang sa hindi niya sinunod yung kagustuhan ng kanyang magulang.


"Actually ngayon lang po kami naging opisyal na magkasintahan , I'm Aubrey Binuya po" magalang na sabi ko pero bakas pa din ang kaba ko sa ngayon na nakakausap ko na yung magulang niya. Nakita ko naman ang daddy niya na may hawak ng cheque , mukhang alam ko na ang nais niyang gawin sa ngayon. Akala niya ba sa akin ay Gold digger kagaya ng iba? Mukha lang akong pera ngunit pinagsisikapan ko yun makuha at hindi ko naman gawain ang mismong paninikil sa taong mahal ko.


"Napakaganda mong dilag at nababagay ka nga sa anak namin. Mabait yun si Tyler sadyang malaki lang talaga ang naging kasalanan namin sa kanya kaya hindi ko siya masisisi sa inaakto niya ngayon" malungkot na sabi ng kanyang ina sabay hinawakan ang aking kamay. Napakalambot nga noon na hindi ko inakala. Siguro pag yumaman ako magpapagawa nalang ako ng bagong kamay yung kasing lambot din sana kagaya niya. Puro kalyo kasi yung kamay ko dahil sa daming gawaing bahay.

"I'll give you 50 million, please stay away from my son , Miss Binuya. It's the best for him lalo na sa career na binuo niya" napakagat naman ako sa may ibabang labi ko sa sobrang inis sa sinabi ng daddy niya. Kanina niya pa talaga sinasagad yung pasensya ko dahil lang sa talas ng kanyang dila. Kahit siguro ako ang maging anak niya ay lalayasan ko siya sa lagay na yan.

Ano ba akala niya sa akin na pera lang ang habol ko sa anak niya? Ganyan na ba siya kababaw? Kahit ako kakamuhian ko siya dahil sa inaasal niya ngayon. Buti nalang at mapalad ako sa naging mga magulang ko kahit hindi kami ganun kayaman.

"Hindi po pera ang habol ko sa anak niyo Mr. Vixson. Alam ko pong may kaya lang ang magulang ko at hindi kami kasing yaman niyo ngunit ang pagmamahal namin sa isa't isa ni Tyler ay hindi kailanman matutumbasan ng pera kagaya ng iniisip niyo." ewan kahit ilang milyon pa yang ioffer niya sa akin ay hindi ko lalayuan si Tyler. Alam kong parang nagtutunog na matagal na kaming nagmamahalan at magkasintahan ni lara pero I know that he's worth it pa sa 50 million na inooffer ng dad niya.

I DATED AN ANTI FAN Where stories live. Discover now