Ellias Pov
Nakarating na kami ng boracay kanina pang mga 8pm ata kasama ko din si mark ngayon dahil pinapunta din siya ni coleen so bali walang single dito sa squad namin sapagkat wala naman dito si Tyler bugnutin. Argh ano na naman kayang ginagawa ng kumag na yun, kahit nakakainis siya ay naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganun at kung ano ang pinanghuhugutan niya.
Nandito pa din ako lagi sa kanya kahit ipagtabuyan niya ako gayung sino pa ba ang magtutulungan? Edi kami kami lang din magkakaibigan. Habang nag iisip ay napatingin naman ako sa mommy and daddy ni Tyler na kausap ang management.
Sila ang nag uutos na magbigay ng madaming pagkain dito sa lamesa namin sa staff nila , sila din ang may ari ng beach na ito kaya makakalibre talaga ang management kung dito ihiheld yung celebration namin.
"Tawagin niyo lang yung mga staff coach kapag kulang pa sa mga nakalatag na pagkain. May aasikasuhin muna kami sa labas" sabi naman ng dad ni Tyler , mabait naman si tito pero sobrang sama ng ugali niya pag kay Tyler na. Yung tipong parang grabe yung galit niya sa nag iisang anak niya nung sumali ito sa Idol group imbes na magpokus sa business nila at maging Engineer.
"Babe? Okay ka lang ba? Tama na kakatitig sa kanila baka pag nakita ka nilang nakatingin ay akalain nilang malaki din ang galit mo sa kanila. Let's enjoy the night nalang" sabi ni mark habang nakaakbay sa akin nginitian ko nalang siya at napatingin sa may cellphone ko. Nakakailang tawag na ako kay Tyler pero ni isa ay hindi niya iyun sinagot or kahit text ko man lang ay wala akong natatanggap na kahit ano sa kanya.
Gusto kong humingi ng tawad sa nasabi ko kanina sa kanya hindi ko naman nais na iinvalidate yung nararamdaman niya sadyang ayaw ko lang siyang nahihirapan.
At mapuno na siya ng sobra sa galit sa kanyang mga magulang, ayoko na makita siyang nasasaktan kaya nais ko din siyang tulungan na mai let go niya na yung galit niya at matutunan niyang magpatawad sa ginawa noon ng parents niya hindi lang sa pag sasabotage ng audition papers niya sa pagiging Idol.
"Ellias? I shot mo nalang yang iniisip mo. Oh ito oh para naman hindi ka lang nakatulala dyan" sabi ni Avio at binigyan ako ng isang baso na puno ng alak kinuha naman iyon ni mark at siya na ang uminom nun.
"Ack!!! Ang killjoy mo naman mark , para kay ellias yun eh!" Nagmamaktol na wika naman ni Avio kay mark , napangiti lang naman ito rito at tsaka hinawakan ko na lamang ang kanyang mga kamay.
"Babe? Huwag ka masyadong magpakalasing sapagkat hindi kita maaalagaan sa room natin." mahinang bulong ko dito habang hawak hawak ang isang kamay niya sa may ilalim ng lamesa. Tinanggal niya na din yung pagkakaakbay niya sa akin sapagkat baka may makakita pang iba , mahirap na at baka may nakamasid sa amin at naririnig ang usapan namin.
Ayoko din naman na itago yung relasyon namin pero alang alang sa career ko ay kailangan naming magtago. Lalo na at hindi normal iyun sa paningin ng mga tao.
Naiingit nga ako minsan gayung silang lahat ay okay lang maging sweet kasi ship naman sila pero ako? Wala akong ka ship kasi sobrang korni ni Tyler kasama. Tinaguring the Combo Brothers nga kaming dalawa , naiwas kami sa ship pero pang comedy skits naman ang datingan naming dalawa lalo na sa bardahan online.
YOU ARE READING
I DATED AN ANTI FAN
FanfictionAubrey Bautista being a number one basher of Tyler Vixson who was a member of Twinkle Pop , A very popular boy group in japan together with Ellias , Gavin ,Carter, Sean And Avio.