Brei's Pov
Andito kaming lahat sa may office , pasikretong nakatingin lang ako kay Ellias , I don't know parang kahit araw araw ko siyang nakikita dito ay hindi pa din talaga ako makapaniwala na totoo itong lahat. On the other hand nagbalik na naman yung original Tyler Vixson na boss ko na ubod ng sungit na kala mo ang laki ng galit sa mundo.
"Twinkle Pop Boys?! As a celebration na din sa album niyo na nirelease kahapon na naging successful ay magpupunta tayo ng beach! Wala tayong gagawin kundi ang mag refresh at mag enjoy lang! So mag ayos na kayo ng gamit niyo ngayon sapagkat mamayang gabi ay magtutungo na tayo sa boracay!" Masayang balita na sabi ni Miss Mae na sa amin, sobrang saya ng mga ibang member dito nung marinig yung sinabi nito maliban lang sa lalaking katabi ko may saltik ata talaga utak nito.
Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong masama, nagkakaganyan ba siya dahil nung nahimatay ako? Tapos inalagaan niya pa ako at nasayang ang precious time niya na lagi niyang nababanggit sa akin? Kung ganun edi sorry naman.
"Tara na Tyler?! Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Bakit ang lungkot mo? Di ka ba masaya na sa boracay tayo pupunta?" Tanong naman ni ellias dito sa unggoy may saltik , napabuntong hininga naman siya at tinignan si Ellias na kasalukuyang pinagmamasdan lang siya.
"Hindi ako sasama , kayo nalang gayung gusto kong magpahinga ng buong araw sa kwarto, enjoy!" Wala sa ayos na litanya niya saka naglakad , ano ba talagang problema ng lalaking to? Kanina pa ako napapaisip at medyo concern sa kalagayan niya.
"Teka lang bro! Minsan lang tayo mag liwaliw. Alam mo naman na next week na tayo babalik ng japan diba?" Aniya ni ellias muli habang hinahabol si Tyler , so babalik na pala sila next week ng japan? So ang ibig sabihin niya ay this week ko nalang siya makakasama as a secretary niya. Wait brei bakit ka naman malulungkot? Di ba dapat masaya ka kasi hindi mo na makikita tong moody at walang modo na lalaki na to?
"Pag sinabi kong ayaw ko Ellias , ayaw ko. Kaya please huwag ka nang magsalita pa at naririndi na ako." pumasok naman siya sa may kwarto at ganun din naman si ellias , sinenyasan niya ako na sumunod din sa loob. Kaya mukhang wala na akong magagawa pa kundi ang sumunod.
"Is this about pa din ba sa parents mo? Baka ito na yung time para harapin mo sila Tyler. Hindi yung para kang nagtatago sa baul sa tuwing may pagkakataon na magkita kayo" malungkot na sabi ni ellias habang nakatalikod lang sa kanya si Tyler, ano bang meron sa pagitan niya at ng magulang niya? Talagang hindi ka talaga pwedeng mag judge ng tao lalo na at hindi mo alam kung may pinagdadaanan sila na mabigat.
I'm guilty sa mga masasamang binitawan ko sa kanya noon gayung dati ang mahalaga lang sa akin ay masabi yung nilalalaman ng utak ko without knowing na baka nakakasakit na din ako.
"Ano bang paki mo Ellias ah?! Lumabas kana ngayon din! Ayoko na itong pag usapan pa dahil mas nababadtrip lang ako!" Sigaw niya pa kay ellias na naluluha na , ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit , well galit naman siya lagi sa akin araw araw pero mas matindi ata yung pinaghuhugutan niya ng galit ngayon.
"Tyler kaibigan mo ako? Kaya may pakialam ako lalo na kung yang galit sa puso mo ay hindi mawala wala alam kong nahihirapan kana kaya please sana harapin muna yung mga taong mag papa move forward sayo nang sa ganun ay makatakas kana at makawala kana sa sakit ng kahapon" naiiyak na sabi ni ellias , lumapit naman na ako dito upang icomfort siya. Gusto kong magalit kay Tyler dahil sa paninigaw niya kay ellias pero hindi ko din kasi alam yung behind sa story na pinag uusapan nila ngayon. Ayokong makisali kasi baka imbes na maging okay ay mas lumala ang sitwasyon.
YOU ARE READING
I DATED AN ANTI FAN
FanfictionAubrey Bautista being a number one basher of Tyler Vixson who was a member of Twinkle Pop , A very popular boy group in japan together with Ellias , Gavin ,Carter, Sean And Avio.