Seven

110 6 0
                                    

Hans Diary #7
Whenever we touch... whenever I look at you and whenever we're together I feel like we're in our own world.


I'm wearing my cap while I am slowly trying to sit near the chairs of Sabrene with her friends. Nakatambay kasi sila ngayon sa may main lobby.

"Nakita niyo yung site? Wala na? Hindi ko mahanap." tanong ni Rachelle kay Jamaica ng mapatingin naman si Sab sa phone.

I guess she's checking what happened to that shitty site too. Sino bang gumawa non? Mabuti na lang pinadelete ko. I hope they won't make another site again.

"Kanina pala nung nasa faculty ako nakita ko si Lianne na kinakausap ng dean. Narinig kong pinapaalis na daw siya dito sa SU." biglaang tanong naman ni Rachelle. This girl really got a big mouth. Wala na nga yung site pero alam niya parin ang mga nangyayari.

She got all the sources of chismis. Iba talaga siya.

"Bakit daw?" curious naman na tanong ni Jamaica sakanya. "Hindi ko na narinig yung iba. Baka may ginawang masama?" sabi niya habang busy na inaayos ang make up niya.

Napangisi na lang ako sa narinig ko saka ako onti onting umalis dun baka makita pa nila ako.

Me: It's your day off today, right?

I wanna hangout with her since its her day off. Masaya pa ako ngayon kasi nakick out na yung pasimuno. Kinuha ko rin yung mga identity ng nagpapala nung mga chismis para maparusahan sa ginawa nila.

Sabrene: Yes. Where are you? Nasa lobby kami ngayon.

Me: I'll just see you later. I'll wait you in the parking lot.

Napangiti na lang ako saka na naglakad papunta sa room.

Nung natapos na ang class ko dumiretso na ako sa parking lot para hintayin siya pagkatapos ng ilang minuto nakita ko na siyang naglalakad malapit sa kotse ko.

"Saan tayo?" nakangiting bungad niya sa akin. "A... uh, date?" I asked while trying to read her facial expression but she just smiled at me.

Great!

Pumunta muna kami para manood ng movie. "I'm sorry, Is this cliché?" nahihiyang tanong ko sakanya papasok sa cinema pero tumawa lang siya sabay iling at napatigil naman kami sa kalagitnaan ng hallway.

"No, I like it as long as I am with you. It's not cliché. Every moment with you is new to me that's why I'll treasure every detail of our memories together." sagot niya ng ayusin niya ang buhok ko.

Shit.

This is really corny but I feel those tingling sensation with the way she stare at me right. It's as if she's looking to her whole world— me.

Pagkatapos namin manood ng movie umalis kami sa mall para dalhin siya sa isang bagong bukas romantic restuarant na nakita ko. I can imagine eating in that romantic and cozy vibes restaurant. Drinking wine, eating steaks while listening to a live classical music.

"Are you sure it's here?" tanong niya habang tinitignan ang paligid kanina pa kami paikot ikot sa lugar na to pero wala talaga kaming mahanap na restuarant. Hindi ko alam kung maling address ba yung nailagay ko sa GPS ko o sadyang nagloloko lang ang GPS ko?

Bigla naman siyang bumaba ng sasakyan. What a date! Ugh. I think I ruined it. It was my first time planning a date and I guess it's failed. Next time I'm going to plan it smoothly. But still... our first date should be memorable.

"Sab? Sabrene?" tawag ko sakanya habang nakasunod sakanya ng may makita kaming maliwanag na building. It's a church. May mga ilang tao rin na naglalakad sa paligid.

Faded Memories [Book I]Where stories live. Discover now