Twenty Six

103 7 2
                                    

Diary #26
I just found myself kissing her in her lips. I thought I did my best from avoiding her but why am I back to her again?




"Yans, I'll use your car baka gabihin ako sa pagdalaw kay Sab." I said while she's busy watching netflix and she just nod.

Pagbaba ko ng parking lot nagulat ako ng may humablot sa akin. My jaw dropped when I saw Hans with her serious expression. Shit! What is she doing here? Why did she come here? "H-hans..." nauutal kong tawag sakanya ng higpitan niya ang pagkakahawak sa kamay mo na akala mo tatakas ako.

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin habang may tinawagan siya saka siya napatingin sa isang kamay ko na hawak ang phone ko. "You changed your phone number?" tanong niya sa akin at napaiwas agad ako sakanya ng tingin at itinago ang isang kamay ko sa likod ko.

"Hon? You changed your number?" diing tanong niya at ramdam ko ang inis niya. Nawawalan na ata siya ng pasensya sa bawat pagtatago ko sakanya. It's my first time seeing her angry look. Inabot niya yung isang kamay ko para tignan ang phone ko kung may nagmissed call ata.

Damn it.

"A-ano kasi... may uh may lalakeng laging nagte-text sa akin kaya napilitan akong palitan." pagpapalusot ko sakanya at ramdam ko ang mariing titig niya sa akin.

As much as I wanna push her away I can't. I can't break up with her as Sabrene. Ang kaya ko munang gawin ngayon ay lumayo sakanya.

"And you didn't even save my number?" tanong niya ulit. I am not really good in making excuses. Shit. "Nainis kasi ako... sa sobrang inis ko naitapon ko na agad yung sim." lame. Fucking lame excuses, Erin. Kahit bata hindi maniniwala dyan sa rason mo.

"Liar! Sa tingin mo hindi ko napapansin ang pag iwas mo sa akin? Damn it!" inis niyang sabi at napatili ako ng malakas niyang binato ang phone niya.

Takot na takot akong tumingin sakanya at parang hindi na siya mapakali, pabalik balik siyang naglakad sa harap ko saka ito tumigil.

"I'm going crazy thinking of your reason. May nagawa ba ako? Nasaktan ba kita? Ano? Kasi hindi ko maintindihan? I keep waiting for you to come to me and assure me that it was nothing. It's just your studies stressing you out until you'll end up ranting to me about Med School tapos magiging okay tayo." sunod sunod niyang sinabi sa akin pero gulat parin ako sa nangyari.

Umiling ako sakanya ng mabagal.

"No... Hon, wala tayong problema... Wala akong problema sayo. You're right. I am really just stress about my studies. Kaya pwede bang magcool off o kaya break muna hanggang sa paggraduate-" I wasn't able to finish what I was trying to say because she called me liar again.

What?

Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya. "You're a liar." pag uulit niya ng makita kong pulang pula na ang mga mata niya. "Med School won't ever stress you out because that is your dream. Ganadong ganado ka pa ngang mag aral eh. Nakakaya mo pang ipagsabay noon ang pag edit ng videos mo kahit ilang oras mo pa yon matapos." mapait niyang sabi na halos wala na akong masagot sakanya pabalik.

Fuck. Did she really use that trick? To test me?

"Ngayon, sabihin mo sa akin... Bakit mo ako iniiwasan? Bakit gusto mong makipagbreak- like why would that word come out from your mouth so easily? You promised to me that day... you promised you're going to marry me. So why will you say that word?" halos mapatigil ako ng makita ko siyang umiiyak sa harap ko.

Shit. She's so much in pain right now this is one of the reason why I don't wanna break up with her as Sabrene. Ayokong makita siyang nasasaktan. Ayokong makita siyang malungkot. Ayokong makita siyang umiiyak.

Faded Memories [Book I]Where stories live. Discover now