Thirteen

83 5 0
                                    


Diary #13
I will always be in between of lies and truth or maybe it's pure lies.





"Do you want me to fetch you and drive you home after school?" rinig kong tanong niya sa akin na ikinatigil ko sa pagligpit ng mga gamit ko.

Is that a good idea?

But I don't know Sab's apartment at baka maghintay pa siya sa may Medicine Building. Magkalapit lang naman ang Nursing building at pareho din kami sa laboratory building pero baka maraming makakilala sakanya sa SU tapos magtataka sila na iba na kasama niya.

So... No, right?

But according to Ma'am Vien it's a good sign that she's initiating to go out eh noon halos ayaw niya nga raw lumabas sa kwarto niya eh.

What should I do then?

Mas safe kasi dito sa bahay nila pag nasa labas kami madaming mga kasinungalingan ang kailangan kong ilusot sakanya.

This situation where I am in is making me lose my mind. Dammit. Until when am I going to pretend?

"Wag na siguro... kaya ko naman na." malumanay kong sagot sakanya na ikinalungkot ng itsura niya. Wag kang magpa-baby sa akin at baka pumayag ako!

"I really wanna go out with you." malungkot niyang sagot na ikinahinga ko ng malalim. "Then... let's go out, next time? After my classes?" maingat kong tanong saka siya ngumiti agad.

"Are you asking me on a date right now?" nakangiting tanong niya sa akin. Ano daw? Masyadong assuming ata tong babaeng to! Kakain lang sa labas? Magpapahangin? Date na agad?

Ewan ko sayo!

Ngumiti na lang ako ng tipid saka tumango. Err. Right. I need to act like I am fucking in love with her.

Pagkatapos ng morning class ko naglalakad na ako ng makita kong nakatambay si Yannah at Russ sa may entrance ng School Museum.

"Hi, babe!" bungad sa akin ni Russ ng makita niya ako saka ko naman siya inirapan at kinuha niya ang bag ko. "Stop flirting my bestfriend, Russ! You ain't her type." natatawang sabi naman ni Yannah saka ako hinalikan sa cheeks ko.

That's it, right?

Girls kissing my cheeks doesn't mean anything, right? Wala naman akong naramdaman kay Yannah. She's been my bestfriend for almost 8 years. Pati paghawak niya sa bewang ko o kahit makipagholding hands ako sakanya, wala lang sa akin.

I tried holding her hand trying to feel if there's something. "Kain tayo sa Le Fouquet's?" tanong niya sa akin habang busy akong pinapakiramdaman ang magkahawak naming kamay.

"You okay?" tanong sa akin ni Yannah ng iyugyog niya ang kamay namin kaya napatingin ako sakanya at tumango. I don't feel anything. This is a good sign, right? Which means there is no even 0.1% that I am into girls. Phew! Safe.

I am so freaking safe.

Magsasalita sana ako ng makita namin sila Rielle, Kai at Tori na paparating na. "What's your plan this weekend?" nakangising bungad sa amin ni Kai.

"Shut up, Kai! It's our midterms next week." irap sakanya ni Yannah na ikinatawa ni Tori. "That's why we need more to unwind because it's our midterms." sagot naman niya.

"We can unwind after midterms, Tori!" sabat ko naman at hindi sila makapaniwalang tumingin sa akin. "Woah! Did I heard that right? Coming from the big mouth of Erin Santos?" natatawang sabi naman ni Rielle.

Right.

I know, right? Coming from my mouth.

Sa amin kasing magkakaibigan si Yannah lang ang matino tapos kami naman ang partner ni Tori sa mga kalakohan pero ngayon kailangan ko munang lumayo layo sa kalokohan.

Faded Memories [Book I]Where stories live. Discover now