Eighteen

80 8 0
                                    


Diary #18
There are times I feel comfortable with your touch but most of time I feel awkward, shy and scared. Your touch makes me feel a thousand volts and feelings that I can't even describe. What could this be?



Pagkatapos ng gabing iyon tuloy tuloy na naman ang pagdalaw ko sa bahay nila. I'm always excited whenever I spend a day with her. I don't know even if we're just doing nothing I still enjoy her company.

"Alis na ako?" I said that made her tilt her head. "Are you asking me if you'll go now huh?" natutuwang sabi niya at tumalikod na lang na kunwaring aalis na. Kainis siya! Mang aasar pa eh.

Parang ayoko pa ngang umuwi.

Napatili na lang ako ng may yumakap bigla sa tiyan ko kaya nakiliti ako. She's back hugging me right now. Shit. "Do you want me to drive you home?" I can feel her smile while she's leaning her head in my shoulder. How am I supposed to leave when she's being so clingy right now huh?

"Wag na!" pagpapakipot ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin. We're holding hands right now. Pareho kaming nakatingin sa kamay naming magkahawak. "Your therapy will start tomorrow afternoon, are you ready?" pag iba ko ng topic na ikinaangat ng mga tingin niya sa akin.

"I am always ready as long as you're beside me." she smiled as I nod at her. Great then! "So... see you tomorrow at the hospital then." sabi ko ng itinaas ko ang kilay ko at tumango naman siyang nakangiti.

Hinatid niya ako sa may labas ng magarang gate nila habang hinihintay ang taxi na pinara ng guard para pumasok dito.

"I need to go, Hans." natatawang sabi ko sakanya ng makita ko ang isang taxi na papunta sa amin at tumango tango lang ito sa akin. "Let go of my hand." sabi ko ulit habang tumatawa nagpout naman siya saka dahan dahan itong binitawan

Ang clingy talaga!

Nung tumigil na ang taxi sa may harap naman pasimple niyang hinalikan ang noo ko.

Hmm. Masasanay na akong hinahalikan dyan. I wave my hand as I try to go inside the taxi and she gave me a flying kiss that made me laugh.

Ang cute.

Halos hindi ako mapakali habang naghihintay sa labas ng office ni Doctor Alonzo. Alam kong nakausap na siya ni Ma'am Vien kaya alam niya ang set up o situation namin nila Hans at Ma'am Vien pero hindi ko parin maiwasang kabahan.

Kabahan sa kung anong mangyayari. She has a vision therapy that we visited awhile ago and her eyes was also checked. Hindi naman masyadong malaki ang problema sa mata niya na kailangan niya ng operasyon.

Now she's inside the office of Doctor Alonzo for her psychiatric counselling.

Pagkabukas ng pintuan napatingin ako agad dun ng lumabas siya at agaran akong lumapit sakanya. "How... was it?" kabadong tanong ko sakanya.

"It was fine. She said that we're going to take it slow. And she gave me the schedule of our appointment. Minsan sa bahay kami o kaya minsan dito sa office niya." nakangiting sabi niya sa akin habang tahimik lang akong nakikinig sakanya.

"And she started it with a simple question. I was just basically telling her the story of my life pero yung memory ko magmula sa accident kulang kulang. It's still blurry for me. Ikaw? Naalala mo ba yung nangyari noon?" tanong niya na halos wala akong masagot sakanya.

I really need to talk to Ma'am Vien about Sabrene. I need to know things about her. I need to find her. I need to talk to her.

"Huh? Ah... Ano... kasi... Hindi ba mas magandang maalala mo yun ng hindi ko sinasabi sayo? It would help you more if you retrieved those memories that are blurry on your own, right?" tanong ko sakanya at napaisip naman siya.

Faded Memories [Book I]Where stories live. Discover now