Niyaya ako ni Aiko sa bahay nila dahil birthday niya nagpaalam naman ako kaya pinayagan ako pero dahil late ko na natapos yung mga projects ko for this sem ayun mga 10pm na ako nakarating. Nasa pintuan pa lang ako naririnig ko sa labas na maingay mukhang madameng tao, hindi pa naman ako sanay lalo na kapag hindi ko naman mga kakilala. Pinagbuksan naman na ako ng pinto ni Aiko.
"Hala buti nakapunta ka akala ko hindi ka sisipot." Sabi niya.
"Sorry talaga late ko na natapos projects ko eto pala gift ko sayo." Sabay bigay ko ng paper bag na dala ko.
"Sweet mo talaga thank you huh." Sabi niya.
"Tara na sa loob , ayang nasa labas na mga nag iingay sila papa yan pati mga pinsan ko dun tayo sa loob papakilala kita sa mga tropa ko." Sabi niya.
Pagpasok namen ang dameng tao halo eh lalaki at babae, kinabahan ako bigla pagpasok kasi namen nakatitig lahat sakin, pisti na yan parang biglang napako yung mga paa ko parang ayokong pumasok anak naman ng tokwa -_- ayoko ng ganitong feeling wooohhhh. Okay naman yung suot ko pinunasan ko naman ang mukha ko bago ako pumasok dito baka kasi may dumi.
Nakatitig pa rin sila saakin hanggang sa nakapasok na ko.
"Guys si Mai, Mai mga tropa ko sila Naomi asawa niya si Yuzuki tapos si Kazuki..........
Lahat ng pangalan ng tropa niya binanggit niya saakin naiilang ako bakit? Yung titig kasi nung Kazuki sa akin eh ewan ko ba iba eh hindi naman siya mukhang manyak gwapo nga siya eh maputi at mejo curl yung hair niya.
Nanibago lang ako kasi hindi ako sanay na makisama sa mga ganito lalo na hindi ko pa mga kakilala, pero okay naman kinakausap naman ako ni ate Naomi oo ang daldal niya si Aiko naman ang daldal rin kaya inaawat na ng boyfriend niya oo 4 years mahigit na sila si kuya Hiroto Hayakaze mas matatanda kasi sila sa akin kaya ate at kuya ang tawag ko.
Nagulat naman ako ng biglang may mag away oo tropa rin nila nagkainitan sa usapan may hindi napagkasunduan kaya nagkasapakan, nagulat talaga ako inaawat na nung iba yung dalawa samantalang ako eto nasa likod ni Kazuki hindi ko nga namalayan na nasa harapan ko na siya eh.
"Tama na yan oy. nandito tayo para magsaya hindi yung ganyan." Sabi ni Kazuki.
"Oo nga mahiya naman kayo kay Aiko para kayong mga bata jan." Sabat ni Kuya Hiroto.
"Sorry. " Sabay na sabi nung dalawa.
Naayos naman agad pero nagkalat yung mga basag na bote dahil natabig nga nila kaya eto nagpupulot kame pinauwi na rin yung dalawa at heto 6 na lang kame natira dahil nga sa tumulong pa kame sa paglilinis.
"Sorry Mai huh magulo kasi talaga yung dalawang yun kapag nalalasing." Sabi ni Aiko
"Okay lang naman nuh." Sagot ko.
"Sino maghahatid sayo Mai? Mejo senglot na ko eh dito mag sleep si Yhubz ko pahatid muna kita?" Tanong ni Aiko.
"Naku hindi na kaya ko naman eh." Sabi ko.
"Gabi na kaya anoh ka ba." Sabi ni ate Naomi.
"Sabay ka na saamin?" Sabi ni kuya Yuzuki.
"Salamat po." Sabi ko.
"Kaso kahit sumabay ka sa kanila malayo pa rin yung sainyo Mai." Sabi ni Aiko.
"Okay lang." Sagot ko.
"Ihatid mo Kazuki." Sabi ni kuya Hiroto
"Sige." Sagot niya.
At yun nga nandito na kame naglalakad pauwi, sabi niya ihahatid niya ko hanggang sa bahay namin kaya kasama ko pa rin siya. Tahimik lang naman kami pareho wala rin nagsasalita saamin. Nagtanong na lang ako.
BINABASA MO ANG
Hurtful Feelings
Teen Fiction.Para sa mga nasaktan at nasasaktan, kaya mo bang sumugal para maging masaya? Paano nga ba haharapin ni Mai Hachiko ang hamon ng buhay? Matapos niyang masaktan ng paulit ulit ano nga bang gagawin niya?