The Damage that has been done

55 5 0
                                    

POV

KAZUKI

Matagal ko ng mga kakila yung mga taga sa amin. Oo nagkaroon kami ng grupo at masasabi kong masaya ako na kasama sila.

Napansin ko nga madalas na nag kakatampuhan kami ni Mai dahil nga sa pagsama ko sa kanila pero wala naman akong ginagawang masama.

Hindi ba pwedeng sundin ko yung gusto ko? Gusto kong sumama sa kanila at magsaya uminom at mag bonding.

Palakaibigan ako kaya madali akong kaibiganin tanggapin niya yun dahil ganun ako.

Hindi na rin ako madalas nakakasama kayla Hiroto. Hindi ko na rin nasusundo at hatid sa trabaho si Mai dahil nga napapadalas na nakakasama ko ang grupo ko.

Hanggang sa niyaya niya ako na magpunta kayla Aiko may importante raw na gagawin pero tumanggi ako dahil naka oo na ko sa grupo ko pero pinipilit pa rin niya ko.

Tinawag na nila ako para pumunta na sa inuman. Halo halo kami may babae at lalaki. Tumabi naman saakin si Ara. May itsura siya at galawgaw okay naman din kausap mahilig din siya mag joke kaya napapatawa niya kaming lahat.

Nagulat na lang ako habang nag uusap kami ay biglang may humila saakin at sinapak ako kaya naman napatumba ako.

"Ano bang problema mo?tanong ko.

"Ikaw!Gago ka kasi nagpapakasaya ka dito samantalang yung girlfriend mo na may birthday ngayon umasa na magkakasama kayo ngayon!sigaw ni Yuzuki.

Nagulat naman ako na lahat sila nandito kaya napatingin ako kay Mai, nag iwas siya ng tingin saakin.

"T-tayo na.sabi ni Mai.

Umalis sila ng hindi nag papaalam saakin, parang wala ako sa sarili ko dahil sa nangyari lahat ng mga kasama ko dun nagtinginan saakin. Nagtatanong naman sila kung anong problema bigla naman akong tumakbo.

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako kyla Aiko pero...

"MAI!sigaw ko.

"Gago kang hayop ka naisip mo pang sundan kung kailan wala na!sigaw ni Naomi saakin.

"Asan ba siya?tanong ko.

"Umalis siya hindi namen alam kung nasaan siya. Oh, iniwan niya yung cellphone niya baka raw tumawag ka!Ikaw pa rin iniisip niya kahit ganun ginawa mo sa kanya!sabi ni Aiko.

Hinanap ko siya sa bahay nila wala siya o kahit sa trabaho niya pinagtanong ko wala rin daw doon -_- ano bang ginawa kong katangahan. Bumalik ako kayla Aiko baka sakali na bumalik siya roon hindi pa naman niya dinala yung phone niya iniwan pa niya. Paano ko siya makokontak?

"Nasaan na si MAi?tanong ni Hiroto.

"Wala siya sa kanila wala rin sa trabaho niya hindi ko alam kung saan ko pa siya hahanapin. sabi ko.

Nakakapanlumo hindi ko alam kung saan ko pa ba siya mahahanap -_-

"That's the consequence sa ginawa mo kay Mai! Solusyunan mo mag isa yan!sigaw ni Aiko saakin.

Sinundan siya ni Hiroto, oo alam ko nakakagago yung ginawa ko kaya galit sila saakin.

"Sorry sa pagsapak ko tol di ko lang napigilan alam mo naman na bunso namen yang si Mai, pinaghandaan niya kasi yung celebration ng birthday niya parang nga ikaw may birthday eh para sayo yung ginawa niya.sabi ni Yuzuki.

"Gago kasi yang kaibigan niyo eh nakuha pang magsaya kasama ng ibang babae.sabi ni Naomi.

"Mali naman kayo ng iniisip kaibigan ko lang yun.paliwanag ko.

"Kaibigan mo sa paningin at nalalaman mo eh sa paningin ni Mai ano sa tingin mo? Ang sarap pa ng ngiti mong hayop ka eh. Kung ako kay Mai di na kita babalikan sa ginawa mo?sarkastikong sabi ni Naomi.

Masakit siya magsalita oo pero sana hindi gawin ni Mai saakin yun ayoko siyang mawala hindi ko kaya.

"Mhie naman.sabat ni Yuzuki.

"Oh bakit? Totoo naman sinabi ko huh? Kung saakin ginawa yun ano sa tingin mo mararamdaman ko? Siyempre masasaktan ako!Si Mai nga na hindi umiyak sa harap naten naramdaman naten yung lungkot at sakit niya!Ako pa kaya?Dhie babae rin ako kaya nga ganun reaksiyon ni Aiko eh naramdaman niya kung anong nararamdaman ni Mai!sigaw ni Naomi.

Natahimik ako pati na si Yuzuki naiintindihan ko ang nagawa kong katangahan. Ano bang pumasok sa isip ko at nagawa ko yun -_-.

"Halika sa loob ng malaman mo at ng makita mo mismo kung anong hinanda ni Mai para sau!sigaw pa ni Naomi.

Pagpasok ko may banner at ang nakalagay dun :

Happy birthday to me myself and I Mai

May captions pa na :

To my dearest Kazuki I love you with all my heart thankyou for making me so so happy Happy day to us :D Happy first year anniversarry and 1 month :* Stay strong.

Ang nakahanda pa mga paborito kong pagkain. May gift sa lamesa at nakalagay dun ang pangalan ko :( Hindi ako ang may birthday pero pinaghandaan niya para saakin ;(

"Humingi pa yan ng tulong sa mama mo alam mo ba yun? Nagpaturo rin siya magluto maihanda lang yang mga paborito mo!sigaw ni Naomi.

Tinatanggal na nila Aiko at Hiroto yung mga designs sa bahay nila na ginawa nila para sa party ako natulala. Ang dami kong iniisip bakit ko ba nagawa sa kanya yun? Ano nga bang nagyari sa akin?

"Ang swerte mo kay Mai pero hindi ko alam kung swerte ba siya sayo, matapos ng pinagdaanan niyo ganyan lang mangyayari?sabi ni Aiko.

Oo nga naman napaka swerte ko sa kanya pero siya ba swerte nga ba siya sa akin?

Naligpit na nila lahat kinuha ko ang phone at yung gift at umuwi na ko.

Nandito na ko sa higaan ko pagdaan ko sa baba nagtanong agad si mama ng :

"Naging masaya ka ba anak? Ang bait talaga niyan ni MAi anak wala ka ng mahahanap na katulad niya kapag pinakawalan mo pa yan kaya ingatan mo nak.sabi ni mama.

Masakit oo hindi masamang iiyak ko to yung katangahan kong nagawa sa kanya hindi ko alam paano ko sosolusyunan -_-

Binuksan ko yung regalo niya saakin, ang laman nun bracelet na may kalahating puso ibig sabihin may kahati yun at alam kong suot na ni Mai yun. Ito yung binabalikbalikan niya sa mall pero dahil di kaya ng budget niya alam kong nag ipon siya :(

Ang tanga tanga ko talaga masyado kong napinsala yung puso niya anong gagawin ko.?

Tinignan ko naman ang phone niya napansin ko yung memo niya at ang dameng nakasulat doon tinignan ko yung pinaka huli niyang nasulat :

"Excited na ko para bukas yehey :D birthday ko na sana magustuhan ni Kazuki yung gift ko super gusto ko kasi na may couple bracelet kame, mahal na mahal ko siya at sana siya na talaga ang makasama ko hanggang dulo sana talaga :)

Bigla nanamang tumulo ang luha sa mga mata ko, nangangarap siya na makasama ako samantalang ako ganito ginawa ko -_- ako pa rin kaya ang gugustuhin niyang makasama sa kabila ng nagawa ko?

A/N

P L E A S E C O M M E N T :(

Hurtful FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon