Kaya pala iba pakiamdam ko pag pasok pa lang naririnig ko nanaman na nagsasagutan si mama at ang ate ko. Nakapag pasya na kasi si ate na sa probinsiya muna siya hanggang sa makapanganak siya sa tita namen sa may Bacolod. Pinag aawayan nila ni mama dahil nakakahiya raw sa tita ko makikidagdag pa raw si ate pero pinayagan naman siya ng tita ko. Hindi lang talaga makapagdecide si mama siguro kasi ayaw niya rin malayo yung anak niya.
Pero matanda na si ate alam na niya yung gusto at ayaw niya sa buhay niya kaya kailangan iaccept ni mama yun.
Nagsisigawan nanaman sila kaya ako daretso kuwarto lang ako, ayoko kasing makisali sa away nila. Minsan lumalabas na lang ako para hindi ko sila marinig.
Nakaka stress na magkaroon ng pamilya na hindi ka sinusuportahan sa mga bagay na gusto mong gawin sa buhay mo. Naririnig ko lagi kay ate to.
"Kaya tayo iniwan ni Papa dahil diyan sa ugali mo. iyak ni ate.
Nasasampal siya ni mama lagi dahil sa sinasabi niya yun lagi, sguro may part na totoo yun pero hindi ko kasi alam wala naman akong alam sa kung anong rason ng pag iwan niya saamin.
Magulo yung pamilya namin pero nung kasama pa namin si papa okay naman eh wala namang naging problema bigla na lang hindi ko matukoy ang dahilan para bang bigla lang ako nakapanaginip ng masama at ag gising ko nadala ko yung masamang panaginip sa real world.
Minsan kapag nagkkwentuhan kame ni ate sinasabi niya na wag akong papayag daw na manipulain ni mama yung buhay ko matuto raw akong tumayo sa sarili kong paa. Si papa ang paalala saakin dati matuto raw akong manindigan para sa sarili ko.
Nagalit ako nung iniwan niya kame pero narealize ko rin kasi wala akong alam sa side niya or sa part niya kung bakit nangyari yun at kung bakit niya ginawa diba?
Tayo kasi napupuno agad ng galit dahil sa mga nakikita lang naten pero hindi naten naiisip yung nararamdaman ng ibang taong nakapaligid saatin. Kung masaya ba siya kung malungkot o nasasaktan diba?
Narealize ko rin hindi pwede na sa iisang side lang tayo titingin dahil wala namang problema na iisa lang ang may kasalanan sa bawat problema hindi lamang isa yung nagkakaroon ng kasalanan.
Kaya bago tayo mag decide kailangan iisipin din naten yung sa kabilang banda kumbaga sa mag asawa hindi lang isa ang nagkakaroon ng mali kundi pareho.
May mga bagay pa talaga tayong hindi nalalaman pag dating sa mga ganung usapin.
Kahit anong galit mo pa sa isang tao hindi mo maiintindihan hanggat wala kang nalalaman diba?
Nagbihis na ako at lumabas ng bahay, naisipan ko na pumunta kayla Aiko at nandun rin pala si ate Naomi at kuya Yuzuki.
"Nasan si Kazuki?tanong ko.
"Tinawagan nga ni Hiroto busy daw ngayon kaya hindi makakapunta. Try mong itxt baka magpunta yun. sabi ni Aiko.
Tinext ko naman si Kazuki na nakayla Aiko ako ayun hindi naman siya nagreply.
Hindi siya nagpunta at nagtaka naman ako dun kaya umuwi na rin ako.
Napansin ko rin after ilang araw hindi rin nagtetext saakin si Kazuki hindi ko na lang pinansin yun. Hindi rin siya gaano nagpupunta kayla Aiko, pinag uusapan nga nila yun kung bakit.
"Busy sa babae yun. sabi ni kuya Hiroto.
"Matinik din sa chiks yung hayop na yun eh. sabi naman ni kuya Yuzuki.
Ako naman napaisip baka quality time para sa girlfriend niya sabagay ganun dapat talaga diba?
"Hoy! Mai kanina pa ko nagtatanong sayo kung anong flavor ng ice cream mo? Melon or Mango?tanong ni Aiko.
"A-ahh sorry melon na lang thankyou.sabi ko.
Maya maya nagulat kami na dumating si Kazuki kinakantiyawan siya nila kuya Hiroto.
"Hayop kang gago ka ngayon ka lang nagpakita may chiks ka no.sabi ni kuya Hiroto.
"Gago busy ako sa trabaho. sabi ni Kazuki.
"Sus pa kunwari ka pa ikaw pa wala daw chiks. sabat pa ni kuya Yuzuki.
Patuloy lang sila sa kantyawan pero iba yung feeling ko para bang naiinis ako hindi ko alam kung bakit nagkakaganito -_- naisip ko na umalis na lang.
"Ahh ano, uuwi na ko nagtext kasi mama ko umuwi na raw ako. sabi ko.
Nagtaka naman sila pero umuwi ako nagpumilit ako, hindi ako tumingin kay Kazuki pero nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya saakin.
Ewan ko parang sumama yung pakiramdam ko.
Pag uwi ko nagkulong ako sa kwarto ko, hindi ko maintindihan yung sarili ko.
Pinagsasampal ko yung sarili ko para magising ako sa kung anu mang nangyayari saakin.
POV
Aiko
Hello there may POV na rin ako ;P
Nagulat ako nung biglang magpasyang umuwi si Mai hinatid ko siya sa pinto pagbalik ko nag uusap usap sila.
"Hala ka umuwi tuloy si Mai dumating ka lang.sabi ng boyfriend ko.
"Galit ata saiyo yun eh.sabi pa ni Yuzuki.
"Mga gago!sagot ni Kazuki.
Nag walk out bigla si Kazuki kaya mas nagulat kami at nagkatinginan na lang kame ni Naomi.
BINABASA MO ANG
Hurtful Feelings
Teen Fiction.Para sa mga nasaktan at nasasaktan, kaya mo bang sumugal para maging masaya? Paano nga ba haharapin ni Mai Hachiko ang hamon ng buhay? Matapos niyang masaktan ng paulit ulit ano nga bang gagawin niya?