POV
MAI
Ilang oras din ako nag stay dito nagtext si Aiko sa akin na nandun na raw sila. Nagpasundo naman ako kailangan kong tatagan ang loob ko.
Sinundo naman nila ako at kasama nila si Kazuki, hindi ko siya pinapansin at nasa tbi ko lang siya. Hindi rin ako nagsasalita.
Pagdating ko dun niyakap ako nila ate Naomi at Kuya Yuzuki, thankful ako at nandun sila pero mas marami pa rin yung mga hindi ko kilala.
Oo nandito lahat nung ka grupo niya na sinasamahan niya noon nandito rin yung babae.
Tahimik lang ako pero kapag kinakausap ako nila Aiko sumasagot naman ako, hindi nakatabi sa akin si KAzuki. Naisip ko nga boyfriend ko pa ba talaga to.
Napansin ko panay text nya at mukhang yung babae yung katext niya. Iihi daw si Kazuki yung cellphone niya naiwan niya sa lamesa agad ko naman na binuksan yun at tama ang hinala ko katext niya yung babae.
Ang nakalagay dun :
nandito pala siya?
sagot ni Kazuki
oo di nga nagpasabi na pupunta.
baliw ka talaga :P
sagot ni Kazuki dun sa girl :
sorry naman.
Agad ko naman na binitawan na yung cellphone ni Kazuki at baka mahuli pa ko. Ayoko mag isip ng hindi maganda pero ano namang iisipin ko nun diba? Kinakabahan ako ng sobra kaya ko to.
Tumabi sa akin si Kazuki pagbalik niya.
"Pwede ba tayo mag usap ng tayo lang?sabi ko.
Pumunta naman kami sa likod nung pinag venuehan ng birthday niya.
"Happy birthday gift ko saiyo.sabi ko.
Isang box yun at ang laman nun? Isang mug na ako nag design at isang relo. Wala akong maisip na ibigay pero pinag hirapan kong hanapin yun.
"Thank you oo nga pala MAi...sabi niya.
Bigla ko siyang pinutol.
"Pakinggan mo muna ako please.sabi ko.
"Marami ng nangyari sa relationship naten maraming ups and downs pero tinatry pa rin nateng ayusin pero yung nararamdaman naten alam kong hindi nagbabago pero kasi masakit na.sabi ko ng lumuluha.
Pinipigilan ko yung mga luha ko kaya medyo hirap ako magsalita.
"Im sorry kung nangyari yung ganito pero kasi masakit na hindi ko na kaya yung sakit Kazuki, gusto ko na ipahinga talaga nakikiusap ako saiyo itigil na naten to, natatakot na ako na baka mas may malala pa dito :( Tama na muna yung sakit kaya sana intindihin mo yung desisyon ko.
"P-pero Mai naman wag naman na ganito.sabi niya.
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.
"Please Kazuki.sabi ko ng lumuluha.
Niyakap niya ako.
"M-mag iingat ka lagi huh mahal na mahal kita sobra.sabi niya.
"A-alam ko. Alam ko kung gaano mo ako kamahal alam na alam ko.sabi ko sabay yakap ko rin sa kanya.
Umalis ako at iniwan ko siya bumalik ako dun sa venue para magpaalam sa kanilang lahat. Niyakap ko sila Aiko, Kuya Hiroto, Kuya Yuzuki at Ate Naomi.
Umalis ako kahit tinatawag pa rin nila pangalan ko, hindi ako lumingon at tumakbo ako. Nagpunta ako sa bahay nila Kazuki. Nagpaalam ako ng maayos sa pamilya niya,naiintindihan nila ako kaya sila mama niya pati mga kapatid umiiyak din dinadamayan ako sa pag iyak.
Niyakap ko sila ng sobrang higpit. Pagkatapos nun ay umalis na ako.
Kailangan kong hindi lumingon pabalik para magdaredaretso yung desisyon ko. Alam ko mas nasasaktan ako ngayon pero kung hindi ko to gagawin mas natatakot ako na baka mas masaktan niya lang ako kung hindi ako magpapahinga.
Gusto kong ipahinga yung isip at puso ko sa lahat lahat ng natamo ko . Dahil ang habang panahon ko rin pinanghawakan na manatili kahit alam ko naman na masasaktan ako sumugal pa rin ako kasi mahal ko siya kahit alam ko na masasaktan at masasaktan ako kahit na anong gawin ko.
Tama na yung ginawa ko alam ko, hindi ko yun ginawa dahil hindi ko siya mahal sobrang mahal ko siya kaya ginawa ko yun. Hindi ko lang talaga kaya na masaktan pa niya ko ng sobra hindi ko na kakayanin sa susunod yun kaya pinag isipan ko talaga kung anong dapat kong gawin.
Siguro hanggang dito na lang talaga...
The END ..
BINABASA MO ANG
Hurtful Feelings
Teen Fiction.Para sa mga nasaktan at nasasaktan, kaya mo bang sumugal para maging masaya? Paano nga ba haharapin ni Mai Hachiko ang hamon ng buhay? Matapos niyang masaktan ng paulit ulit ano nga bang gagawin niya?