The Fault in Him

54 5 0
                                    

POV

NAOMI

Ayan napapala niya tanga eh, matapos yung ginawa ni Kazuki kay Mai ewan ko lang kung maayos niya agad yan.

Sa totoo lang kaming mga babae sa simpleng bagay na ginagawa ng partner namin na aappreciate namin. Minsan kasi kaming mga babae kahit na hindi namin pinapakita na minsan kinikilig kami hindi ibig sabihin nun hindi namen nagustuhan. Kahit sa napakaliit na bagay natutuwa na kami.

Makasama lang namin ang taong mahal namin kuntento na kami, sa lagay naman nila Mai mali si Kazuki makalimutan nga lang ni dhie ko yung monthsary namin nagagalit na ko birthday pa kaya diba? Sino namang matinong lalaki ang lilimot sa espesyal na araw ng buhay mo diba? Makikita ka pa na nagsasaya at may kausap na ibang babae ay kung sa akin ginawa yung ganun pinag untog ko silang dalawa nung babae nakuha pang magsaya. :D

Alam kong masama loob ni Aiko iwanan ba naman niya dito sa labas tong abnormal na lalaking to.

"Sorry sa pagsapak ko tol di ko lang napigilan alam mo naman na bunso namen yang si Mai, pinaghandaan niya kasi yung celebration ng birthday niya parang nga ikaw may birthday eh para sayo yung ginawa niya.sabi ni Yuzuki.

"Gago kasi yang kaibigan niyo eh nakuha pang magsaya kasama ng ibang babae.sabi ko.

"Mali naman kayo ng iniisip kaibigan ko lang yun.sabi niya.

"Kaibigan mo sa paningin at nalalaman mo eh sa paningin ni Mai ano sa tingin mo? Ang sarap pa ng ngiti mong hayop ka eh. Kung ako kay Mai di na kita babalikan sa ginawa mo?sabi ko ng nagyayabang.

"Mhie naman.sabat ng asawa ko.

"Oh bakit? Totoo naman sinabi ko huh? Kung saakin ginawa yun ano sa tingin mo mararamdaman ko? Siyempre masasaktan ako!Si Mai nga na hindi umiyak sa harap naten naramdaman naten yung lungkot at sakit niya!Ako pa kaya?Dhie babae rin ako kaya nga ganun reaksiyon ni Aiko eh naramdaman niya kung anong nararamdaman ni Mai!sigaw ko.

Natahimik sila pareho sa sinabi ko. Totoo naman yun eh mas maganda na magsalita ng masakit ng matauhan ang isang to.

"Halika sa loob ng malaman mo at ng makita mo mismo kung anong hinanda ni Mai para sau!sigaw ko.

Sumunod naman sila. Ako nanggigigil tlaga ako sa totoo lang pero wala ring magagawa yun kahit saktan ko ng pisikal yang si Kazuki yung sakit na nadulot niya kay Mai mananatili at hindi na mababago pa yun.

A/N

C O M M E N T

P L E A S E .  。。 。

Hurtful FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon