Isang taon na kami oo ang bilis nga eh hindi ko alam pero may biglang malaking pagbabago sa relasyon namen.
Nagtataka nga sila Aiko bakit hindi na namen siya gaanong nakakasama maging ako hindi na rin niya hinahatid sundo :( Nalaman ko na lang madalas daw niyang kasama yung mga bago niyang tropa oo may bago siyang mga tropa nalulungkot ako na mas inuuna niya ang mga yun kumpara sa girlfriend niya.
Pero paano ko ba dapat sabihin sa kanya yun? Karapatan din naman niya na pumili ng mga makakasama niya :(
Isang beses.
"Gago talaga yang Kazuki na yan Puta unahin pa niya yung mga hayop na yun!Nakakagigil huh!sabi ni Aiko na galit na galit.
"Pasensiya na kayo tinext ko siya sabi niya may gagawin daw siya eh.sabi ko ng malungkot.
"Tarantado pala siya eh birthday mo ngayon tapos uunahin pa niya yung mga yun!sabi ni Ate Naomi.
"Halina kayo kumaen na tayo, baka importante yun. sabi ko.
"Importantehin niya mukha niya tanga ba siya o nagtatanga tangahan ginaganyan ka niya!Simula ng mapa barkada yan dun sa mga taga sa kanila nagkaganyan na yan eh. Paano ka naman huh? Hindi ba niya naisip na nag eexpect ka na makasama mo siya diba?sabi ni Aiko
"Tinawagan ko na Yhubs di sinasagot ang phone eh, puntahan naten gusto niyo?tanong ni Kuya Hiroto.
"Tara puntahan naten.sabi ni Kuya YUzuki.
Pinuntahan namin si Kazuki nakita namen na nag iinom sa may malapit sa kanila at ang dame nila may babae may lalaki. May katabi siyang babae at tuwang tuwa siyang kausap yun.
Nung nakita ko siya bigla na lang parang may tumusok sa puso ko at nanghihina ang mga tuhod ko naiiyak na ko kasi ang sabi niya may gagawin siya etoh lang pala madadatnan namin -_- eto pala yun samantalang yung birthday ko :( Hindi man lang niya naalala. ;(
"Gago to nakuha pang magpakasaya hindi man lang naalala birthday ni Mai putcha to huh. sabi ni Ate Naomi.
"U-umuwi na lang tayo.sabi ko.
"ANO? Mai hindi gusto mo hilahin ko yang si Kazuki para sumama saaten?tanong ni Aiko.
"Hindi na, mukhang nag eenjoy naman na siya hayaan na naten.sabi ko.
Nakatingin silang lahat saakin ako pinipigilan kong hindi umiyak sa harapan nila masakit kasi na makikita mo na masaya naman pala siya kahit wala ka :( ang sakit ng lalamunan ko feeling ko naubusan ako ng tubig sa katawan dahil sa pagpigil ko na wag maiyak sa harapan nilang lahat.
"Mai naman boyfriend mo yun oh.sabi ni Aiko.
"P-pero kung masaya naman siya bakit ko siya pipigilan? May karapatan naman siyang sumaya diba ?sabi ko na nanginginig ang boses ko.
Nagulat na lang kami ng biglang sinugod ni Kuya Yuzuki si Kazuki at sinapak niya.
"Ano bang problema mo?tanong ni Kazuki.
"Ikaw!Gago ka kasi nagpapakasaya ka dito samantalang yung girlfriend mo na may birthday ngayon umasa na magkakasama kayo ngayon!sigaw ni Kuya Yuzuki.
Napatingin siya sa saakin ako nag iwas ng tingin ayokong tignan siya alam kong tutulo lang ang luha ko.
"T-tayo na.sabi ko.
Hinila na ni Ate Naomi si Kuya Yuzuki. Umalis kame dun ng hindi nag papaalam sa kanya. Pagbalik namin kayla Aiko.
"Mai sorry di ko na napigilan sarili ko.sabi ni Kuya Yuzuki.
"Pasensiya na talaga kayo kung ganito pa nangyari ngayon.sabi ko.
"Mai naman.sabi i Ate Aiko.
"Uuwi na ako, pwede bang iwan ko yung cellphone ko dito? Kapag tumawag siya kayo na munang bahala sa kanya. Maraming salamat. ngumiti ako habang sinasabi ko yun sa kanila.
Niyakap ko isa isa sila Aiko, Ate Naomi, Kuya Yuzuki at Kuya Hiroto.
Umalis ako at hindi naman nila ako pinigilan. Naisipan kong umuwi sa apartment ko na matagal ko ng hindi inuuwian.
Nahiga lang ako at sobrang binuhus ko yung luha na kanina pang gustong tumulo :( Hindi naman ako humihingi ng sobra sa kanya eh ang akin lang naman yung gawin naman niya sana yung responsibilidad niya bilang boyfriend ko pareho naman kaming nag adjust pero bakit naman siya bigla na lang nagbago -_-. Alam ko naman yun hindi lang ako yung dapat na nakakasalamuha niya pero bakit ganun :(
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako....
A/N :
---> Nakakaiyak yung kanta :(
BINABASA MO ANG
Hurtful Feelings
Teen Fiction.Para sa mga nasaktan at nasasaktan, kaya mo bang sumugal para maging masaya? Paano nga ba haharapin ni Mai Hachiko ang hamon ng buhay? Matapos niyang masaktan ng paulit ulit ano nga bang gagawin niya?