Nanligaw saakin si Kazuki oo sinagot ko rin naman siya dahil naniniwala naman ako na ang relasyon ang pinapatagal :)
Habang dumadaan ang bawat araw mas lalo kong minamahal si Kazuki mas nahuhulog yung loob ko sa kanya at tingin ko ganun din naman siya saakin.
Kinakabahan ako ngayon dahil ipapakilala na niya ako sa family niya. Nandito na kami sa pinto kinakabahan ako lalo kasi tinatakot pa niya ko hahaha pasaway tong lalkai na toh.
Pagpasok namen sa bahay nila nakangiting sinalubong ako ng mama niya oo bineso ko yung mama niya pati na yung ate niya.
"Hi buti naman at napakilala ka na nitong anak ko.sabi ng Mama niya.
"Nice to meet you po tita.sabi ko.
"Tawagin mo na ang mga kapatid mo Kazuki para naman makilala nila etong girlfriend mo.sabi ng mama niya.
Umakyat naman si Kazuki sa taas nila at sinunod ang mama niya.
"Alam mo ba unang beses nagpakilala niyan ng girlfriend, natutuwa ako dahil nakakilala siya ng kagaya mo. Salamat huh.sabi ng mama niya.
"Nagpapasalamat din naman po ako dahil nakilala ko siya.sabi ko.
Pagbaba ni Kazuki kasama niya yung tatlong babae dalawang mukhang mas matanda sa kanya at yung isa naman bata pa mga nasa 13 years old lang. Nakita ko naman na may dalawang bata rin babae at lalaki.
"Mai, sila Ate Sera, Ate Kara at si Mae tapos mga anak ni Ate Sera si Koi at Ekai.
"Hello po ako po si Mai nice meeting you all po.sabi ko.
Okay naman mabait naman ang pamilya niya at nakakatuwa dahil okay lang sa kanila na may girlfriend si Kazuki.
Nung hinatid naman ako ni Kazuki pinakilala ko siya sa mama ko . Mabuti ng official na kame na talaga at legal.
Hatid sundo ako araw araw ni Kazuki lagi kaming magkatext at magkatawagan. Nakakatuwa nga eh super happy kame sana tuloy tuloy lang toh.
Mabilis na lumipas ang araw at buwan maging ang taon. Naging smooth naman ang relationship namen ni Kazuki super sweet siya saakin and may time na nagkakatampuhan kami pero naayos naman agad.
Nakakatuwa nga eh kasi habang tumatagal mas lalo ko siyang minamahal :) Sabi nila kapag daw nakamit mo yung kasiyahan panandalian lang daw yun ewan ko pero para saakin kung masaya ka talaga ienjoy mo.
Lahat naman kasi ng relationship sinusubok para mas tumatag para mas tumibay at para mas tumagal.
Hindi man halata pero napag uusapan din namen ni Kazuki yung tungkol sa ginagawa ng mag asawa I know lumang paniniwala pero diba mas maganda pa rin na sa kasal gawin yun pero sabi nga nila hindi mo rin masasabi na ganun nga dahil may times daw na hindi mo mapipigilan ang mga sarili niyo then boom magagwa niyo na yun without even thinking.
May time kasi na iniisip ko na kapag nakuha na ng lalaki yung gusto nila bigla ka na lang nilang iiwan nakakatakot. Sinasabi ko kay Kazuki yung mga naiisip ko o nararamdaman ko gusto ko kasing open kami pagdating sa mga ganung bagay.
I love him so much to the point na hindi ko na siya kayang mawala pa sa buhay ko. Sobrang mahal ko talaga siya kaya nga nagpapasalamat ako dahil siya yung napunta saakin, hindi siya yung tipo na pipilitin ka sa mga bagay na hindi mo kayang gawin. Marespeto siyang tao at habang tumatagal mas nakikita ko kung anong klaseng tao siya.
BINABASA MO ANG
Hurtful Feelings
Teen Fiction.Para sa mga nasaktan at nasasaktan, kaya mo bang sumugal para maging masaya? Paano nga ba haharapin ni Mai Hachiko ang hamon ng buhay? Matapos niyang masaktan ng paulit ulit ano nga bang gagawin niya?