POV
MAI
Bumalik na kami ulit sa dati at mas naging sweet kame at mas nakakasama na namin sila Aiko at may nadagdag naman na tropa pa nila si Kai Nekota. Akala ko nung una silahis kasi yung kilos yun pala hindi hahaha my bad :P . Tinatawag nilang pokpok si Kai kalalaking tao pano kasi mas madame daw naging babae at mas lasinggero daw. Kung saan saan daw napapadpad basta may inuman.
Mabait naman siya and patawa naghaharutan nga sila ni Kuya Yuzuki na parang nagbabaklaan kaya sobrang natatawa kami. Si Ate Naomi mura ng mura dahil sa ginagawa nila kaya mas natatawa kami.
Gusto ko yung ganito yung masaya yung kalma lang ang pakiramdam. Gusto ko yung nakikitang masaya tong katabi ko at hawak ang kamay ko :D
Bigla namang may nag text kay Kazuki. Gusto kong malaman kung sino kasi hindi niya na tinantanan yung cellphone niya eh.
"Pahiram cellphone?sabi ko.
Binigay naman niya sa akin ang nakita ko dun babae yung nagtext at yung babae na kausap niya ata siguro to? HIndi ko alam pero iba yung kutob ko? Basta iba.
Pero hindi ko nalang tinanong sa kanya.
After naman ng araw na yun, mga ilang buwan ang lumipas bumalik nanaman si Kazuki sa dating gawi niya. Isang beses pinag antay niya ko ng text niya nag inom daw kasi siya kaya di siya nakapagtext at nalasing daw siya.
Nag away kami ng araw na yun sa sama ba naman ng loob ko inuna pa niya yang alak na yan kesa sa akin?
Nakakasama naman namin siya nila Aiko pero yung attention niya nasa cellphone naman niya sobrang naiinis na ko hindi man lang makaramdam tong lalaking to!! :@
Pinalagpas ko pa rin yung mga ginagawa niyang napapansin ko, gusto ko siya magsabi sa akin ng dapat niyang sabihin. Habang tumatagal mas nakikilala ko yung kagaspangan ng ugali niya.
May time na sa sama ng loob ko nakapag salita ako sa kanya na "buti pa sa alak na yan may oras ka". Nagalit siya sa akin at ang sabi niya "Ang oa mo nakilala mo ko na ganito na ako ano pa bang gusto mo"
Nakaka disappoint na ganun na siya sa akin, kailangan kong tanggapin, dati kasi napipigilan ko pa yan pero ngayon hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganyan siya.
May nakapag sabi sa akin si Kai na madalas niya raw kasama yung mga taga sa kanila nanaman at alam kong pati yung babae kasama dun alam ko naman hindi dapat ako mag selos o mag conclude pero diba ang hirap sobra.
"Ano ba naman yang si Kazuki hindi na natuto sa nangyari sa inyo nung nakaraan?tanong ni Aiko.
"Sabi pa niya sa akin ang oa ko raw puro na lang daw ako hinala -_- nakikipaghiwalay na ako pumapayag siya tapos pag di na siya lasing ayun babawiin niya.iyak ko sa knila.
"Palitan mo na kasi yan ang dami daming lalaki diyan punyetang yan!sigaw ni Ate Naomi.
Ilang araw ko siyang hindi tinext. Kinuwento ko naman yun sa mama niya at humingi sa akin ng tawad ang mama at ate niya. Pagpasensiyahan ko na raw dahil ako naman daw mas nakakaintindi intindihin ko na lang daw pero ang sabi ng ate niya kung hindi na raw ako masaya bitawan ko na raw.
HIndi ako makatulog ng araw na yun, tinatawagan niya ko at tinitext pero hindi ko pa siya kayang sagutin sa ngayon pinag iisipan ko na rin talaga yung dapat kong gawin.
Hindi naman lagi kaya ng tao na magtiis na lagi na lang na siya ang masasaktan. Hindi makakaya ng tao na hindi kumawala kung alam niyang nasasaktan siya. Hindi pwede na pagtiisan mo lahat ng makakasakit saiyo pero kung iyon naman talaga ang nagpapasaya saiyo kaya mo bang iwan at kalimutan na lang?
Sumapit ang kaarawan ni Kazuki tinext niya ako na wag na raw ako magpunta kung hindi maganda ang pakiramdam ko.
Gusto ko siya isurprise kaya nagpunta ako kahit hindi niya alam.
Pero mukhang pagsisisihan ko bakit? Galit na galit siya bakit raw nandun ako?Ano raw ginagawa ko dun?
Hindi ko maintindihan pero diba kahit gaano ka pa kagalit sa girlfriend mo hindi mo dapat tratuhin ng ganun?
"Sinagad mo pasensiya ko!bwisit.sigaw niya sa akin.
Naiiyak ako hindi niya ako pinapansin at pinapauwi niya ako -_- Ganito ba dapat yung trato niya sa akin?
Pinagsasabihan siya ng mama niya sa ginagawa niya sa akin, tinawag ko yung bunso niyang kapatid nagpasama ako sa paglabas. Oo nag walk out ako dahil hindi ko na kaya yung tumutulong luha sa mga mata ko hindi ko na kaya talaga.
Pumunta ako sa coffeshop na malapit sa kanila oo tumambay ako dun tapos tinawagan ko si Aiko sabi niya papunta na raw sila sa tinext ni Kazuki kung saan gaganapin birthday niya.
Siguro naman tama na talaga diba? PAulit ulit na lang eh hindi na natatapos eh umuulit lang kung saan nag umpisang masira.
Umasa naman ako na magiging okay eh pero paano naman yung sarili ko paano naman yung puro sakit na lang natanggap ko galing sa kanya?Paano naman yung pagmamahal ko sa kanya na hindi ko na makita kung tama pa ba na siya pa?
I need to think first para dito...........
A/N
_ano kayang mangyayari?
BINABASA MO ANG
Hurtful Feelings
Teen Fiction.Para sa mga nasaktan at nasasaktan, kaya mo bang sumugal para maging masaya? Paano nga ba haharapin ni Mai Hachiko ang hamon ng buhay? Matapos niyang masaktan ng paulit ulit ano nga bang gagawin niya?