Sabi nila magagamit mo raw ang defence mechanism mo sa pamamagitan ng maraming bagay? Lumayo ako dahil natakot ako, natakot na masaktan pa lalo. Lumayo ako para sa sarili ko, kahit masakit pinilit ko siyang kalimutan pero natalo ako hindi ko nagawa at kahit anong gawn ko siya at siya pa rin ang naiisip ko. Siya pa rin ang mahal ko siya pa rin ang tinitibok ng puso ko kahit pa pinilit kong hindi na siya :(
Isang taon ang lumipas, oo isang taon ang lumipas simula ng pangyayaring yun. Maraming nangyari nawala ang cellphone ko kaya naman hindi ko man lang nakontak kahit sila Aiko lang. Nalipat pa ako ng lugar ng pinagtatrabahuhan kaya napalayo ako lalo sa kanila.
Maraming nagbago alam ko sa isang taon na yun, kamusta kaya siya? O sila? Kamusta kaya ang lahat matapos kong lumayo? Okay lang kaya katulad pa rin kaya ng dati?
Walang araw na hindi ko siya naisip man lang, lagi siyang pumapasok sa isip ko kahit sa panaginip ko nandun siya, hindi ko alam kung bakit o sadya lang ba talaga na mahal ko talaga siya kaya kahit anong gawin ko siya pa rin ang naiisip ko.
Naiisip niya rin kaya ako ? Hay ano ba naman tong naiisip ko nanaman.
Sa cake shop pa rin ako nagtatrabaho at sa awa ng Diyos lumaki kahit konti ang sinasahod ko. Dahil na rin sa sikap at tiyaga ko.
Nanganak na rin ang ate ko at ayun naging okay naman sila nila mama, si mama nag aalaga kay bunsoy yun ang tawag ko sa kanya at isang malusog na babae :)
Sabi nga nila sa bawat umaalis may dumarating sa bawat nawawala may bumabalik minsan napapalitan.
Naniniwala ka ba na may forever? Nabasa ko kasi sa isang babasahin na binabasa ng katrabaho ko na hanggang 70 lang daw ayon dun sa kanta ni Ed Sheeran na "Thinking out loud". Pinapaulit ulit niya yun nakakasawa nga eh kasi maganda raw at nakakainlove daw. Maganda naman yung meaning ng song try niyo.
Nakaka curious din pala ano, hanggang saan nga umaabot o hanggang saan nga lang ba talaga aabot ang nagmamahalan?
Mabalik na tayo hahaha :)
BINABASA MO ANG
Hurtful Feelings
Teen Fiction.Para sa mga nasaktan at nasasaktan, kaya mo bang sumugal para maging masaya? Paano nga ba haharapin ni Mai Hachiko ang hamon ng buhay? Matapos niyang masaktan ng paulit ulit ano nga bang gagawin niya?