The Revelation

63 5 0
                                    

POV

KAZUKI

Isang taon, isang taon ang lumipas pagkatapos ng pag alis niya ng walang paalam. Maraming nangyari. Nang malaman ko na hindi na makontak si Mai ni hindi na rin nagpakita nasaktan ako oo aaminin ko masakit din naman para saakin lalo na at alam ko na yung nararamdaman ko noon palang nung unang makita ko siya. Ibang saya yung hatid niya saakin, yung mga ngiti niya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.  Siya lang yung babaeng unang beses ko pa lang nakita nabihag na ako at nasabi ko na lamang sa sarili ko na "siya na nga".

Araw araw nag iinom ako walang tigil ilang beses akong nakiusap sa trabaho ko na wag akong tanggalin. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ng malaman kong hindi ko na siya makikita pa, wala akong balita o kahit sila walang balita sa kanya. Nagkaroon pa ng time na nag away away kami at ako ang nasisi sa lahat ilang beses nila akong tinanong kung ano ba raw ang ginawa ko kay Mai. Kahit ako wala akong masagot dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari at lumayo siya ng ganun.

Walang araw na hindi ko siya naisip o iniisip sobrang mahal ko siya, oo mahal ko siya pero hindi ko maamin sa kanya dahil nga natotorpe ako kaya lagi akong kinakantyawan nila Hiroto na nasa tabi ko na nga raw hindi ko pa maamin sa taong mahal ko na mahal ko siya.

Hindi ko kasi alam kung pano ko gagawin kahit pa na marami ng nagdaan na babae sa buhay ko hindi ko pa naranasan na pumasok sa relasyon na seryosohan. Oo hindi pa ko nakakapag seryoso pero this time seryoso ako sa kanya.

Sinubukan kong hanapin siya lagi kong pinupuntahan yung lugar na napupuntahan namin dati nagbabakasakali ako na baka isang araw makita ko siya dun. Gusto kong malaman kung ano bang nangyari bakit bigla siyang umalis at bakit hindi man lang siya nag paalam na bigla pala siyang mawawala.

Lagi akong umiiyak sa mga tropa ko dahil sa pagkawala niya, naawa na saakin sila Aiko dahil nga sa hindi ko man lang nasabi sa kaniya. Alam nila kung gaano ko kamahal si Mai bukambibig ko siya lagi pero kahit anong iyak ko hindi ko siya kayang ibalik.

Lumipas ang isang taon simula ng nawala siya ako hanggang ngayon naghihintay na sana bumalik siya. Gusto ko siyang mayakap ng mahigpit sobrang miss ko siya.

Naisipan ko na bumili ng mga pagkain para pag pumunta ako kayla Aiko mag iinom kami at kakaen sabay kwentuhan.

Pagpasok ko pa lang sa gate hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan na para bang nilamig ako bigla.

"May dala akong.......

Pagpasok ko bigla ko na lang nabitawan yung mga dala ko, hindi ako pwedeng magkamali ang mukhang yun, alam kong siya yun. Nagulat lang ako na umiiyak siya hinilamos niya yung dalawang kamay niya sa mukha niya.

"Aiko dalhin mo na muna sa kwarto niyo si Mai kakausapin muna namen si Kazuki. sabi ni Hiroto.

Nakatayo pa rin ako at naguguluhan.

"Yhubz ikaw ng bahala huh. sabi ni Aiko.

Nakatitig lang ako habang inaakyat ni Naomi at Aiko si Mai , pinaupo naman ako ni Hiroto at mukhang seryoso sila ni Yuzuki.

"Kazuki nakita ni Aiko si Mai sa mall at niyaya niya dito nasabi na rin niya saamin ang totoong nangyari

"A-ano ba?tanong ko.

"Kazuki ang paglayo ni Mai konektado saiyo. sabi ni Yuzuki.

Napatulala ako sa sinabi ni Yuzuki hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"P-paano?tanong ko.

"May babae pa lang nagtext kay Mai at nagpakilalang girlfriend mo alam mo naman siguro kung sino ang gagawa nun at ang hindi pa maganda sinabihan niya ng hindi magaganda si Mai.sabi ni Hiroto

Biglang may namuong galit saakin at namula ang mukha ko at ang mga kamay ko nangigigil sa galit.

"Kazuki anong plano mo?tanong ni Yuzuki.

Tumayo agad ako.

"Babalik ako. sabi ko.

Hindi na ko nag isip at umalis ako agad agad. 

Dali dali akong umuwi at tamang tama na nag uusap sila ng ate ko. Hinigit ko siya sa damit niya.

"Bakit!Anong ginawa ko saiyo para gawin mo saakin to huh!galit na galit kong tanong.

"T-teka nasasaktan ako.sabi niya.

"Kazuki ano bang problema?tanong ng ate kong si Ate  Kara

"Anak ano ba yan awat ng mama ko.

"Kasalanan netong babae na to kung bakit napalayo saakin at lumayo saakin yung babaeng mahal na mahal ko!sigaw ko na galit na galit pa rin.

"Keira ano ba talagang ginawa mo?tanong ni Ate Kara.

"Wa-wala akong ginawa.sabi ni Keira na takot na takot.

"Wala!Gago lang manniwala sayo!Bakit ba pakelamera ka ng buhay ko!Hindi kita kaano ano kaya tantanan mo ko!sigaw ko.

"Mahal kita Kazuki mahal na mahal.sani ni Keira.

"Ano bang hindi mo maintindihan sa hindi kita mahal huh? Kailangan mo pang idamay si MAi.!sigaw ko.

"Ano bang meron yang babaeng yan at ganyan ka sa kanya!!sigaw ni Keira.

"Lahat ng wala saiyo nasa kanya!Lahat ng gusto ko nasa kanya!sigaw ko.

"Kazuki mahal kita!sigaw ni Keira.

"Wala akong pakelam simula ngayon at sa mga susunod na araw ayoko ng makita ka pa sa pamamahay namen tatandaan mo! MAlaking gulo ginawa mo sa buhay ko.!sigaw ko.

Iyak siya ng iyak at tumakbo siya. Napaupo ako at hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng to dahil lang sa bwisit na babaeng yun. Napahilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko.

Sinong nagsabing hindi umiiyak ang lalaki? Umiiyak rin kami lalo na kung nasasaktan talaga kami.

"Kazuki ano bang nangyari?tanong ni Ate Kara.

"Anak ano ba talagang nangyari.tanong ni mama.

"Yung taong mahal na mahal ko lumayo saakin dahil sa inaway ni Keira at pinalayo saakin. Ma walang may alam kung gaano kasakit saakin yung nangyari.sabi ko habang umiiyak.

"Kaya ba umiiyak ka at naglalasing sa gabi anak?tanong ni mama.

"Nakikita kita anak ako ang mama mo at alam ko kung may problema ka anak, hindi ko alam na magagawa ni Keira yun ganun namang maganda ang pakikitungo naten sa kanya.sabi pa ni mama.

"Hindi ko alam Kazuki i'm sorry, alam mo namang kaya siya malaya nakakapasok dito dahil sa kaibigan ko siya, kung alam ko lang na ganun gagawin niya hindi ko na siya papapasukin dito.sabi ni Ate Kara.

Kumuha si mama ng tubig para painumin ako, naalala kong umiiyak din pala si Mai at dapat ko siyang makausap.

"Ma kailangan ko munang umalis may aayusin pa ko. sabi ko .

Hurtful FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon