The Closeness

90 7 0
                                    

After 2 months di ko pa rin sila nakakasama pero nakakatext ko naman sila halos araw araw lalo na si Kazuki kapag may load siya nagtetext agad siya sa akin.

After mambabae ni Papa oo umalis na siya samen at hindi na nagpakita pa, ako naman ayun pursigido mag trabaho para naman kahit papano maging okay.

Isang araw naman bigla akong tinawagan ni Aiko naospital raw si Kuya Hiroto napaaway daw pero okay naman na daw nagulat lang daw siya nadamay lang daw yung tatlo oo kasama si Kuya Yuzuki at Kazuki. Nagalusan lang daw sila dinala daw niya sa hospital para magamot.

Nagmadali naman ako na magpunta doon at ang naabutan ko ayun si Kuya Yuzuki may benda sa braso, si Kazuki naman walang benda hindi na raw niya pinalagyan dahil nga raw galos lang si Kuya Hiroto naman ginagamot yung tuhod niya mukhang malaki yung sugat niya roon.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko.

"Hayop kasi yang mga yan sumama-sama pa dun sa isa pang tropa nilang mayabang ayan napala nila nadamay tuloy sila." Sabi ni ate Naomi na gigil na gigil.

"Mhie naman wag na magalit sorry na." Sabi ni Kuya Yuzuki na naglalambing.

"Peste kasi kayo nakakainit ng ulo. " Sabi pa ni ate Naomi.

"Kamusta si Kuya Hiroto?" Tanong ko.

"Ayun oh alalang alala si Aiko mura ng mura kay Hiroto malamang pag uwi mag aaway pa yan." Sabi ni ate Naomi.

Napatabi naman ako kay Kazuki.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Wala lang naman toh." Sabi niya

Napunta kame lahat sa bahay nila Aiko dahil nga kailangan na magpahinga na muna sila.

Lumipas ang isang buwan at okay na sila nagulat naman ako ng biglang may nagtext saakin.

1 New Message

Hoy haliparot na malanding babae tantanan mo si Kazuki nilalandi mo boyfriend ko kaya lumayo ka!

Nagulat naman ako sa text na yun pero hindi na lang ako nagreply kinagabihan naman nagtext si Kazuki.

1 New Message

.Hi kamusta?

Hindi na lang ako nagreply dahil na rin dun sa unang nagtext saakin gamit number niya.

Kinabukasan naman nagkita kita kame tahimik lang ako at hindi ko pinapansin si Kazuki at napansin naman ata niya yun at ng iba pa.

"Nag away ba kayo?" Tanong ni Aiko.

Walang nagsasalita sa aming dalawa kaya natahimik na lang din sila. Kumaen lang kami at nagkwentuhan.

Ang totoo sumama yung loob ko dun sa nangyari hindi ko kasi alam na may girlfriend siya and friends lang naman kami bakit kailangan na ganun yung way ng pagtetext sa akin diba? Sinong hindi sasama loob dun?

Ako na nagprisinta na maghugas ng kinainan namen kaya naman naiwan sila sa sala. Hindi ko napansin sinundan pala ako ni Kazuki.

"May problema ba?" Tanong niya.

"Wala naman." Sagot ko.

"Bakit iniiwasan mo ko?" Tanong niya.

"Hindi naman." Sagot ko.

Seriously hindi ba niya talaga alam anak naman ng tokwa saakin pa siya nagtanong walanya naman eh.

"Sure ka huh." Sabi niya.

"Oo." Sagot ko.

"Tulungan na kita diyan." Sabi niya.

"Hindi na kaya ko na thank you." Sabi ko.

Hurtful FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon