The Truth

58 6 0
                                    


Nakapanood ako ng movie nakakaiyak nga eh ang title yung The notebook. Ang ganda ganda.

Narealize ko rin na nahuhulog na pala ako sa kanya. Oo kay Kazuki unti unti na pala akong nahuhulog sa kanya kaya pala yung nararamdaman ko iba na.

Nagka boyfriend naman ako noon pero iba yung feelings ko ngaun. Iba na para bang anytime sasabog ako? Naramdaman niyo na rin ba yun? Yung kada makakasama mo siya palihim kang kinikilig kada makikita mo siya sumasaya yung kalooban mo? At kada makakasama parang lumalalim yung nararamdaman mo?

Ayokong aminin dahil ayokong masaktan kaya naman okay na ako ng ganito yung nagtatago lang.

Lumipas ang mga araw mas madalas ko ng nakakasama si Kazuki pati na rin ang iba. Mas masaya at mas makulit ang barkadahan namen.

Mas naging close kame ni Kazuki halos araw araw kameng magkatxt tapos tinatawagan pa niya ko.

Napansin ko nga ang sweet niya saakin pero hindi ko binibigyan ng ibang kahulugan baka kasi ganun talaga siya.

"Patay na patay sayo yan Mai.sabi ni Aiko.

"Oo torpe naman.si gago. sabi ni kuya Hiroto.

Bigla naman silang nagtawanan si Kazuki naman ang seeryoso ng mukha.

"Ayaw pa umamin kasi.sabi ni ate Naomi.

"Halata naman masyado.sabi ni kuya Yuzuki.

Hindi ko nagegets sinasabi nila pero yung mukha ni Kazuki nag iiba.

Isang gabe, isang gabena bumago lalo sa tadhana ko. Akala ko hanggang dun na lang yun pala may mangyayari pang hindi ko inaasahan.

Nakikipagkita si Kazuki saakin gabi na yun at umaambon. Malamig na kasi ang panahon, nakarating naman agad ako sa pagkikitaan namin.

"A-ano ba yung sasabihin mong importante?sabi ko.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sobrang kaba hindi ko alam kung bakit?

"Mai. Hindi ko alam pero bigla lang naramdaman ko mahal kita. sabi ni Kazuki na seryosong seryoso.

Na shock ako sa confession niya nakakagulat na the feelings are mutual pala.

"Ganun din naman ako saiyo Kazuki. sabi ko.

Napangiti siya nagulat na lang ako ng halikan niya ako sa labi, natulala ako nung una pero napapikit rin ang mga mata ko. Yung kaba ko nandun pa rin.

Smack lang yun pero nabilang ko halos 10 seconds ata nakalpat yung lips niya sa lips ko.

"Thank you Mai. sabi ni Kazuki.

After nung pangyayari na yun mas naging close kame may nararmdaman kami para sa isa't isa pero hindi kame. Oo hindi naman din siya nanliligaw saakin. Pero masaya na ko na kahit hindi kame alam ko na mahal rin niya ko.

Naikwento ko kyla ate Naomi at Aiko na nagtapatapat saakin si Kazuki. Natuwa sila pero worried sila dahil nagtataka sila kung bakit hindi nanliligaw si Kazuki saakin. Napaisip din ako kung bakit nga ba?

Hanggang sa isang araw, araw na hindi ko pala aakalain.

Nagtext saakin si Kazuki magkita raw kame, may importante daw siyang sasabihin. Kinakabahan ako ewan ko pero kada magkikita kami nandun yung kaba factor hindi maalis hindi ko maiwasan na kabahan. Na excite ako ng konti dahil makikita at makakasama ko nanaman siya.

Sa isang park kame nagkita, inantay ko siya dahil maaga akong nakarating hanggang sa . .

"Ikaw ba si Mai?tanong ng isang babae.

Hindi siya ganun katangkad mejo mataba ng konti lang at mahaba ang buhok. Naka contct lense at naka make up ang babae.

"Ako nga bakit?tanong ko.

"Girlfriend ako ni Kazuki kung pwede layuan mo ang botfriend ko at isa pa wag mong nilalandi.sabi niya.

"Teka hindi ko siya nilalandi.sabi ko.

"Talaga lang? Ang sweet mo nga sa text tapos hindi malandi? Ayos ka rin talaga eh noh ? Ang sabihin mo malandi ka talaga wala na bang pumapatol saiyo at sa bofriend ko pa nakikipaglandian ka huh? Layuan mo siya naiintindihan mo. sabi nung babae sabay alis.

Napako ako sa kinatatyuan ko, bigla pang umulan at nabasa ako. Nakatulala pa rin ako. Kaya ba hindi siya nanliliga dahil may girlfriend nga talaga siya? Ang tanga ko akala ko wala talaga -_- Hindi ko siya nilandi hindi ko magagawa yun.

Parang kinurot ang puso ko dahil nasasaktan ako, oo nasasaktan ako masakit.

May nagtetext at tumatawag saakin pero hindi ako nag abala na tignan kung sino man ang mga yun nilagay ko lang sa drawer ang cellphone ko. Pag uwi ko parang wala ako sa sarili ko. Umiiyak lang ako ng umiiyak.

Ilang araw pa ang lumipas hindi na ako nagpakita pa sa kanila. Oo mas pinili kong manahimik hanggang isang beses nakita ako ni Aiko at kinausap ako.

"Mahal ka naman ni Kazuki nakikita ko yun seryoso siya hindi ko lang maintndihan kung bakit may girlfriend siya?sabi niya.

After ng pagkikita naming yun hindi na ulit kame nagkita pa, lagi kong sinasabi na busy ako kahit ang totoo hindi naman. Umiiwas ako , ayoko ng masaktan masyadong masakit talaga.

Tinignan ko ang cellphone ko at ang nakita ko.

(100) Messages from Kazuki

(20) Messages from Aiko

(12) Messages from Ate Naomi

(5) Messages from Kuya Yuzuki and Kuya Hiroto

Binasa ko lang lahat puro ang sinasabi nila pakinggan ko ang paliwanag ni Kazuki puro ganun si Kazuki naman puro sorry na magpapaliwanag daw siya, magpakita raw ako. Mas minabuti kong lumayo na muna dahil masakit pa sa ngayon. Hindi ko alam kung hanggang saan ko madadala ang paglayong toh.....................

Hurtful FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon