CHAPTER 17

1.1K 44 0
                                    

Syraine





Pagpapalapit na ako sa mansyon ng may narinig akong ingay. Nag-iingay na naman ang mga unggoy. Binuksan ko na ang gate saka pumasok at sinirado ulit ito.




Dahan dahan ko namang binuksan ang main door ng mansyon. Napatingin naman sila sa'kin lahat.



"SYGINGGG!!"
Sigaw pa ni Kenzo.




Pasimple naman akong ngumite.




"Sy saan ka galing? kanina ka pa namin hinanap?"



Tanong ni Ransy.



"Uh, naglakad lang kasi ako"
Sabi ko sabay kamot sa ulo.



"Bat ka kasi nawala kanina, 'di ka tuloy nakasabay sa'min."



Ani ni Wax at tumayo.




"M-may ki-kinuha ako sa library kanina eh."

Pagsisinungaling ko.



Napatingin naman ako kay Key na walang emosyon sa mukha. Nag iwas na lang ako ng tingin.



"Uh, sige akyat na ako!"



Paalam ko sa kanila. Habang paakyat ako sa hagdan ng..



"Sy!!!"




Napatingin ako kay Kenzo na nag mamadaling pumunta sa gawi ko..



"Oh??"



"Ehehehe.."



Tawa n'ya. Sira ba ulo nito? Tinatanong ko pero tawa yung sinagot. Sabagay sira naman talaga ulo nito.



Napailing na lng ako saka nagpatuloy sa pag-akyat.



"May sasabihin ka?"



Ani ko kasi parang antahimik n'ya ata.



"Ah wala naman, gusto lang kita samahan..."



"Aysessss..."


Nang makarating ako sa kwarto. Agad kong nilagay ang bag ko sa mini table ko. Nagtataka naman akong tumingin sa kan'ya kasi humiga s'ya sa kama ko tapos biglang nagtatatalon talon.



"WEEEE!!!"
"SYGINGGGGGG!!"



"Alam mo ang ingay mo? lumabas ka nga!"




Bulyaw ko sabay turo sa pinto.



"AYAWWWWW KOOOOO NGAAAA!! WOOH!"


Sigaw n'ya habang nagtatalon talon pa rin sa kama ko.


"Alis na!"




Sabi ko pero  hindi pa rin nakinig.



"WOHHHHHOOOOOOOO!!!"




"BWAHAHAHAHHAHA!!"
Malakas na tawa ko ng mahulog s'ya sa kama ko.



"Yan haha. Bagay sayo!"




Tawa ko habang nakahawak sa t'yan.



"SINO YUN??"
"ANONG NANGYARI?"
"ANO YUNG TUNOG?"


Napatingin naman ako sa pintuan ng magsiksikan sila Wax sa pinto ng kwarto ko.


"SI KENZO NA-NAHULOG HAHA!"


I'm A Maid Of The Fucking 8 Badboys [COMPLETED]Where stories live. Discover now