CHAPTER 11

1.2K 46 14
                                    

"Hindi pa ako tapos sa'yo!"



Sigaw n'ya at parang may isinaksak sa bandang t'yan ko? Napatingin naman ako agad sa t'yan ko ng may maramdaman akong sakit.


Doon ko napagtantong sinaksak na pala ako ng gagang 'to ng kutsilyo. Kita ko na ding nag lalabasan na ang dugo ko.




"KRIZIA WHY DID YOU DO THAT?"



Gulat na sabi ni Ellaine.



"WALA SA PLANO 'TO KRIZIA!" takot na sabi ni Nicole.



"BAGAY LANG 'YAN SA KAN'YA.TAYO NA!"


Walang pakeng sabi niya. Napaupo na lang ako sa hapdi ng sugat ko. Umalis na sila at ni lock pa ang pinto. Hayop ka talaga Krizia.



"Tulong!!"



Sigaw ko pero wala na atang makakarinig sa'kin dito. Ito na siguro ang katapusan ko.



Ginisit ko ang damit ko at itinali sa may tiyanan ko kung saan ang saksak dahil parang mawawalan ata ako ng dugo nito. Ang damit ko lahat may dugo na.



Parang naghihina na ako at medyo madilim dilim na din ang paningin ko.


"Tulong!!"


Hinang sabi ko habang lumuluha, wala na akong lakas para makatayo. Sinubukan kong tumayo para makahingi ng tulong pero 'di ko kaya! nanghihina na ang katawan ko.



'Lord, tulungan niyo po ako! ayaw ko pang mamatay gusto ko pang makasama ang pamilya ko pati ang mga taong nagpasaya ng araw ko.'





"K-key tulungan mo ako! niyo ako mga unggoy!"



Sabi ko at ngumite habang inaalala lahat ng mga kagaguhang ginawa nila. Hindi ko na kaya inaantok ako. Yung mga mata ko papikit na. Daha dahan kong pinikit yung mga mata ko.








RANSY KURT PABELLAN POV*



"Hoy! dalian niyo na jan, nag aantay na 'yon si Sy."



Malakas na sigaw ko sa kanila at naunang naglakad patungo sa gate. Panigurado akong nag aantay na si Sy roon. Galing kasi kaming Gym nagyaya itong si Kenzo na mag lalaro ng basketball.



Iba pakiramdam ko ngayon ah parang may mali, na parang kinakabahan ako?



Habang naglalakad kami nakita ko ang grupo ni Krizia, bakit parang 'di sila mapakali nang tingnan ko.


Nasa bandang cr sila at parang ni lock ni Krizia yung pinto ng cr? Baka sinabi ng Dean na ipasarado? baka nga, 'di ko na lang pinansin iyon.


"UWI NA KAMI!"
"ULAM NAMIN MASARAP!"
"HAHAHA JUTAINA MO PLORWAX ANG SAKIT NG ULO KO !"
"ARAY!!"



Mga asaran nila. Natawa na lang ako sa kanila. Nasa gate na kami ngayon pero wala si Sy?


"KUYAHHH!!"


Napatingin kami lahat kung sinong sumigaw.
Ay ang kapatid lang pala ni Key si Shyne.



"KUYA! MISSYOU!!"



Malakas n'yang sigaw at tumakbo papunta kay Key at niyakap ito.



"OY HALLOW SHYNE!"
"NANDITO SI PANDAK!"
"HOY ANONG HALLOW?HALLOWEEN?"
"BOBO KABA!!HELLO YUN!HELLO"


Sari saring sabi nila.


I'm A Maid Of The Fucking 8 Badboys [COMPLETED]Where stories live. Discover now