CHAPTER 1

15 1 0
                                    

"Pito. Pito ang hahanapin ninyo at isa dun ang magiging ka-pareha ni Lara, ang anim ay pangangalagaan naman nila Xero at Korro." aligawngaw sa isip ni Xero.

Tahimik nyang pinagmasdan ang dalawa nyang kaibigan. Sa tagal na nilang magkasama ay alam na nila ang ugali ng isa't isa , ang ayaw at gusto nila, ang pagkakasunduan at kung ano naman ang hindi.

Matagal na rin nilang hinihiling na makilala ang iba na katulad nila. Mahirap para sa magkakaibigan ang talunin ang kalabang matagal na nilang kinakatakutan na makita ng mga  kasama nilang itinakda. Tandang-tanda pa nya noon nang hanapin nila si Lara sa tulong ni Korro. Nahirapan man sila ngunit nagtagumpay din.

..FLASHBACK...

"Lara..." mahina nyang tawag dito.

"Ay! Putik! Sino ka ba?! Bakit ka nanggugulat?!" mangalit-ngalit ang ngipin ng babae sa kanya. Inis itong tinanggal ang nakalagay na headset sa tenga.

"Sumama ka sa amin, may ipapakita ako sa'yo." aniya.

Pagak itong natawa.

"At bakit naman? E hindi nga kita kilala eh. Tumabi ka nga dyan!" wala itong pakialam at nilagpasan sya. Pero bago pa ito tuluyang umalis ay naharang na ito ni Korro.

"Lara, kami ito, mga kakampi mo kami." saad nito.

Mataas na lalake si Korro at may magandang hubog na katawan . Maganda manamit dahil ilang beses itong nakuhang endorser ng men's clothes.

"Oy , kahit mataas ka, kaya kitang paliparin!" sita nito.

Alam nila iyon dahil bago pa nawala ang alaala nito, si Lara ang pinakamagiting na babaeng mandirigma ng kaharian ng kalikasan. Kahit sila noon ay halos mamatay sa kamay ng babaeng ito, lalo noong sila'y nagsasanay pa lang. Ngayon, kailangan nila itong mabawi bago pa ito makilala ng kahariang tumutupok ng kapwa kaharian.

"Please.." yumuko ito.

Tinignan ito ng dalaga at bumaling kay Xero.

"Siya ba ang ipapakita mo sa akin?" tanong nito.

Kagyat syang nagulat. Bakit, ano bang meron kay Korro?

"Ano? Anong-"

"Kababasa ko lang ng magazine. Nakita ko nga sya doon. In fairness gwapo sya." sabi pa nito.

Naglabas ito ng notebook at ballpen.

"Sir, mukha namang mabait kayo, pwede pa-authograph?" sabay kindat nito. Natulala naman si Korro. Ito na ba si Lara, ang babaeng masigasig makipaglaban? Di kaya't nagbago sya?

"Korro..." sita ni Xero. Sinenyasan nya itong gawin kung ano ang nais ng babae.

"Ah, sige..." mabilis na sinulatan ni Korro ang hawak nitong notebook.

"Thank you..." sabay ngiti nito.

Parehas nagulat sila Xero at Korro sa ngiti ng babae. Hindi ito palangiti noon lalo na kung hindi pa nya lubos na kilala. Hindi sila kilala nito ngayon.

Agad din itong umalis nang makuha ang gusto.

"Teka lang Lara!" sigaw ni Xero.

Humarap ito. Nakasimangot.

"Bakit?"

"Hindi mo ba kami nakikilala? Kami ito. Si-"

" Si Korro! Alam ko kababasa ko lang sa magazine. Kapag umikot kayo sa campus, pagkakaguluhan kayo."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

"Ikaw si Xero, diba endorser ka ng optical store?"

Sinadya talaga ni Korro at Xero na makilala sa lugar na ito bilang celebrity dahil ang utos sa kanila ay hindi sila mahihirapang hanapin si Lara kapag nagkaroon sila na tinatawag na fans. Dahil maaaring ito pa mismo ang lalapit sa kanila. Pero sa tingin nila hindi pa rin ito effective sa dalaga.

"Sabi mo hindi mo ako kilala? Pero alam mo pangalan namin." si Xero.

" Mga kaibigan mo kami." sabi ni Korro.

"Talaga?" ngumiti ito. Ngiting hindi naniniwala.

" Mga bata pa lang tayo don sa-" tinakpan ni Xero ang bibig ni Korro sa sasabihin nito.

-END OF FLASHBACK-

"Hoy! ang lalim ng iniisip mo!" sita sa kanya ni Lara. Ngumiti sya dito. Masaya sya dahil ngayon kasama na nito ang dalaga sa paghahanap ng iba. Malaki rin ang hirap nila Korro para mabawi si Lara.

"Oo nga. Kanina ka pa tulala. O, sa'yo  na ito." inabutan sya ni Korro ng lollipop.

Nasa mata nya ang pagtatanong.

"Kay Lara yan galing, alam mo namang lagi yang may reserba." tinuro pa nito ang bag ng dalaga.

" Ano ba kasing nasa isip mo?" tanong ni Lara.

"Wala. Naisip ko lang bakit sa dami nang nabawi natin na diwata wala man lang naiwan para makasama natin. Oo, alam na nila na mga diwata sila at alam nila ang panganib na nasa paligid kapag dumating ang lupon ng kahariang maninira. Pero ni isa sa kanila ay hindi piniling samahan tayo sa paghahanap sa iba. Pagkatapos ngayon, sasabihin ni Lakambini na pito ang hahanapin, ang gulo!" ginulo-gulo pa nito ang sariling buhok.

"Hindi bale na, ang isa naman doon ay magiging katuwang ni Lara." sagot ni Korro sa kanya.

"Actually, wala akong idea kung sino ang hahanapin kasi nakabuntot lang ako sa inyo." sabi ni Lara.

" Mararamdaman mo iyon kapag oras na." sagot ni Xero.

Sa totoo lang, ikinatatakot niya na maging lalake ang makakatuwang nito. Matagal na syang may pagsinta sa dalaga ngunit hindi ito tumatanggap ng manliligaw kundi ang tangi lang na kinikilala nito. Mabuting mapabilang ito sa taong nakatakda sa kanya.

" Mamaya may guestings tayo sa isang tv network. Kailangan nating puntahan si Adelaida upang gawin tayong presentable." sabi  ni Korro.

Kinikilala silang tatlo na sikat na vlogger sa tulong ng enkantadong si Ulysses. Ito na lang daw ang maitutulong nito upang mahanap ang iba. Hindi na ito bumalik sa kaharian pagkat nakapag-asawa na ito ng tao bago pa nila nabawi. Ngunit willing itong tumulong ng higit pa kung kina kailangan.

Si Adelaida naman ang bahala sa mahika para sa kanila g itsura at pananamit. Kapatid ni Adelaida si Ulysses at katulad din ng kuya nito ay may sinisinta na rin itong tao kaya hindi na pinili pa ang dating kaharian. Ang mahalaga para kay Adelaida ay ang mahanap pa ang iba.

"May oras pa ba?" tanong ni Lara.

"Mabilis lang kapag si Adelaida ang kumilos." sabi  ni Korro.

Saglit lang ay naghawak-hawak sila ng kamay at agad na nawala sa  kinatatayuan nila.

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon