CHAPTER 18

1 1 0
                                    

Mahimbing na natutulog ang dalaga habang itinatapat ni Korro sa katawan ng babae ang kamay niyang may kakaibang ilaw.

"Yan din ang ginawa mo kanina sa akin." sabi ni Milo.

" Magpaliwanag ka Nikko, ano ka ba? Ano ba kayo?" naguguluhang tanong ni Jian. Pero hindi umimik si Nikko, nakatingin ito sa babaeng walang malay. Ang pinakamamahal nyang asawa.

" Bakit hindi pa sya nagigising?" tanong ni Theo.

"Dahil napagod sya ng sobra." sagot ni Adelaida.

"Nanghihina na sya kanina pero nagawa pa rin nyang magpalit ng anyo." sabat ni Nikko.

" Hindi lang dahil doon. Sya rin ang nakakaalam kanina na may kalaban na nakisali sa audience hall. Ang pangitain at ang pagdurog sa tatlong miyembro ni Detri." paliwanag ni Xero.

"Ang ganda nya talaga." nakatitig si Yohan sa mukha ni Lara.

"Pwede mo syang titigan pero huwag mong hahawakan. " sabi ni Nikko.

"Bakit naman hindi? Saka hindi pa nga kayo nagpapaliwanag kung ano ba talagang nangyayari eh. Tapos-"

"Sundin mo na lang sya." babala ni Adelaida.

Marahang hinawakan ni Jhopet ang balikat ni Yohan.

"Sundin mo nalang si Nikko, baka magalit pa yung babae at baka paliparin din niya yung salamin papunta sa mukha natin." bulong nito.

" Oo nga, wag mong galitin yung babae. Nakita mo naman kung ano yung ginawa nya kanina di'ba?" suhestyon din ni Klio.

"Bakit hindi pa sya nagkakamalay?" tanong ulit ni Theo.

Kahit si Nikko ay nagtataka na rin. Ilang oras na nakahiga si Lara, pero hindi napapagod si Korro sa ginagawa nito.

"Korro..." hindi ito umimik.

Tumingala ito Kay Nikko. Tagaktak ang pawis nito.

" Anong nangyayari Korro?" kabadong tanong ni Xero.

" Malakas. Malakas sya. Tulungan nyo ako." sambit ng agilang alaga ni Korro na biglang sumulpot sa harapan nila.

Alam ni Xero ang ibig sabihin nun, nanganganib na si Lara pati na si Korro. Kilala nya ang kaibigan, hindi nito inuutusan magsalita ang alaga kung hindi nito kailangan.

Mabilis na hinawakan ni Xero ang balikat ni Korro at kasabay nun ay ang pagpapalabas nito ng ilaw sa kamay.

Naiintindihan nina Ulysses at Adelaida ang nangyayari kay Lara kaya sila na ang nagpaliwanag kay Nikko.

" Batid na ni Detri na natagpuan na kung nasaan si Lara. Bago tuluyang nadurog ang tatlo ay nakita nila ang anyo ni Lara sa suot nitong kalasag. Mabilis nilang naipaabot ang itsura ng mahal na reyna bago pa man sila tuluyang napuksa." paliwanag ni Adelaida.

" Ngunit bakit hindi sila nagsasalita?" tukoy nito kina Korro at Xero.

" Dahil gusto nilang paniwalaan ni Detri na tanging si Lara lamang ang kumakalaban sa kanya, kapag nagsalita silang dalawa, malalaman ni Detri na walang malay si Lara at tinutulungan lamang sya. Kapag nangyari iyon, madaling matutunton ni Detri kung nasaan ang mahal na reyna. At madali nya itong maaagaw sa atin pagkat wala syang malay." sagot ni Ulysses.

" Ibig sabihin si Lara ang mahal na reyna?" tanong ni Jian.

"Sya yung hinahanap ng mga babae kanina!" bulalas ni Yohan.

Kanya-kanya silang usisa ngunit naagaw ng pansin nila ang biglang pagkahimatay ni Akila, ang alagang agila ni Korro.

"Sinalo nya ang hirap ni Korro!" sigaw ni Ulysses.

" Lara!" sigaw naman ni Adelaida.

Nag-aagaw ang kulay nito sa pagiging normal at pagiging lila tulad ng kulay ng buhok ni Detri.

"Mahal ko!" sigaw ni Nikko.

"Wag mo syang hahawakan!" babala ni Adelaida.

"Bakit hindi?! Asawa ko sya!" sagot ni Nikko na naluluha.

"Si Lara asawa mo? Kailan pa? Nag-asawa ka na pala?" tanong ni Klio.

"Pero si Korro ang  nobyo nya di'ba?" tanong naman ni Jhopet.

"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ni Yohan.

"Tanga ka pre! Dapat hindi mo sya iniwan!" sigaw din ni Theo.

Pero walang narinig si Nikko sa mga sinasabi ng grupo nya.

" Kapag hinawakan mo sya ng walang orasyon at nagsalita ka, malalaman ni Detri na walang malay si Lara, makakarating sya sa lugar na ito kahit na binabalot ito ng kapangyarihan ni Ulysses. Kaya nyang mapuntahan tayo dito ng walang kahirap-hirap!" sagot ni Adelaida.

" Mag-isip ka, ano ang maitutulong mo kay Lara na sa tingin mo ay nawala sa kanya ng piliin nyang iligtas ka." tanong ni Ulysses.

Natatarantang nag-isip si Nikko.

"Tutulong na ako sa kanila, kaya wag mo na akong kausapin." kasunod noon ay isa na rin si Ulysses na humawak sa balikat ni Korro. Pansamantalang lumakas ang dalawa.

"Hobi!" sigaw ni Adelaida.

Kasunod ng pagtawag ni Adelaida sa kanya ng "HOBI" ay ang pagbabalik ng alaala nya ng  malungkot na pamamaalam ni Lara sa kanya.

FLASHBACK...
"Kailangang mailigtas ang hari-"

" Pati na rin ang reyna." salag nya.

Hinubad nito ang singsing na nasa daliri at nilagay sa palad ni Hobi.

"Lara, bakit mo tinanggal?"

"Mahal ko, alam kong makikita mo akong muli. Kapag nakilala mo ako ibibigay mo muli sa akin ang singsing na yan. Mag-iingat ka mahal ko." Hinalikan nito muli ang labi ng asawa.

END OF FLASHBACK...

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon