CHAPTER 16

2 1 0
                                    

"Mula noon hindi na namin alam kung ano ang nangyari kay Lara." pagtatapos nito.

Pinakinggan lahat mabuti ni Lara ang kwento ni Ulysses. Kaya pala magaling sa colorete si Adelaida ay dahil sa taglay nitong bahaghari at kaya pala si Ulysses ay lagging nakakarating sa takdang  oras  ay may kakayahan pala itong magpalipad ng banig na gawa sa dahon.

Tumingin si Lara Kay Nikko. Ngayon alam na nya kung bakit tinawag sya nitong mahal na asawa. Ngunit hindi pa rin nya natatandaan ang lahat.

Kaya pala overprotective silang lahat kay Lara dahil sa nangyari dito. Isa pa rin syang reyna at ipinagpapasalamat nyang may kaibigan itong katulad ni Xero dahil hindi ito pumayag na makuha ito ni Detri, gamit ang nanghihina nitong sitwasyon.

"Mahal ko..." tawag ni Nikko.

"Bakit mo naisip na magmamahal pa ako ng iba? Wala akong ibang pinangarap kung hindi ikaw lamang..."

Hindi sya umimik. Nahihilo sya. May ibinubulong ang hangin.

Dahan-dahang kumapit si Lara sa katabi nitong si Xero, at bigla ring pag-alalay sa kanya ni Korro. May ibinubulong ang hangin.

"Hindi maaari....." bigkas nito.

" Lara!" sigaw ni Xero. Nahihirapan syang huminga.

Mabilis na lumapit si Nikko sa asawa at niyakap nya ito.

"Mahal ko...."

" Nikko... Si Milo..." bigkas nito.

Nang hawakan ni Lara ang  noo ni Nikko ay agad na nakita nito ang pangitain.

"Hindi maaari!" sigaw nito.

Kabado ang nasa paligid. Hindi nila alam kung ano ang nakikita nito.

"King-"

"Korro, pumunta kayo sa bahay ko, nandoon ang kawal ni Detri!"

"Pero saan iyon matatagpuan?" tanong ni Adelaida.

"Uutusan ko ang hangin na ituro sa inyo. Magmadali!" utos muli ni Nikko.

Agad na nabalot ng liwanag ang bawat isa at tuluyang nawala.

"Huwag Kang mag-alala. Dumito ka muna at magpahinga. Babalik ako kaagad mahal ko." bulong nito at hinalikan sya sa noo.

Tumayo si Nikko at nawala kasama ng liwanag.

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon