CHAPTER 13

2 1 0
                                    

Xero's FLASHBACK...

Nagkakagulo ang kaharian, may nakapasok sa kaharian ni King Hobel na galing kay King Detri. Sinasakop nito ang tahimik na kaharian. Sinisira nito ang payapang Lugar. Pinasasabugan nito bawat puno na tirahan ng bawat engkantado. Tinutupok ng apoy ang bawat maabutan nito.

" Xero, tulungan mong mailigtas ang kamahalan..." tinig ni Lara mula sa hangin.

Nakikipaglaban sila gamit ang kanya-kanyang kapangyarihan. Ngunit ng marinig ito ni Xero ay agad syang dinaluhan nito ng tulong.

"Lara!" sigaw nya.

Duguan ang kaibigang nakadapa. Pinalibutan ng malaking bula ang katawan ni King Hobi. Gusto nitong lumabas ngunit pinalutang ito ni Lara upang makalayo at pilit na pinalilipad ang bula sa alapaap.

Umiyak si King Hobi habang magmamakaawa na pakawalan sya ni Lara mula sa pagkakakulong sa bula. Nakita rin ni Xero na nahihirapan si Lara sa ginagawa.

" Tulungan mo akong mailigtas sya..." mahina ang boses ng kaibigan.

"Huwag Xero! Gusto kong makasama ang asawa ko!" pagmamakaawa ni Hobi.

Nag-alangan si Xero kung sino ang susundin.

"Xero! Ako ang hari! Ako ang sundin mo!" utos nito habang umiiyak sa loob ng malaking bula.

"Xero-" pilit na inaabot ni Lara ang paa ng kaibigan. "-kapag nawala sya, tuluyan ng mawawala ang buong kaharian ni King Hobel."

Dahan-dahang iniangat ni Xero ang kamay at lumabas ang isang matingkad na ilaw.

" Xero! Parang awa mo na! Ilabas mo ako dito! Gusto kong makasama ang asawa ko!"

Ngunit bingi si Xero. Mahal nya ang buong kaharian at nais nyang mabuo itong muli at mangyayari lamang iyon kung maililigtas si Hobi.

" Patawad King Hobi, ngunit higit na importante ang iyong buhay dahil ikaw ang aming pag-asa. Patawad!" sabay silang dalawa ni Lara na ikinumpas ang mga kamay na nagpalayo sa bulang may dala kay Hobi.

"Hindi!!!" ang tanging maririnig sa alapaap.

Xero's END OF FLASHBACK

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon