CHAPTER 19

1 1 0
                                    

"Hobi!" sigaw muli ni Adelaida, nagpabalik sa kanyang ulirat.

"Adel-"

"Mag-isip ka, nangingitim ang kulay nya, kapag napalitan ang kulay ng balat at buhok nya, matutunton na tayo ni Detri! Kamatayan na nating lahat!" natatarantang paliwanag ni Adelaida.

Nanghihina na rin ang tatlo. Walang malay ang agila. Nahihintakutan ang grupo. Kailangan na nyang kumilos. Sobra na ang  ipinakitang pagmamahal sa kanya ni Lara para mawala pa ito sa piling nya. Nawala na ang alaala nito pero mas hindi nya kakayanin kung maaagaw pa ito ni Detri.

Marahang nyang ginalaw ang makapal na singsing sa daliri. Naging isa ito ng ibalik ni Lara ang singsing  sa kanya. Naging kulay itim ito tulad noong hindi pa sya pinapayagang pakasalan ang babaeng nais nya.

Dahan-dahan nyag hinawakan ang singsing at naging ginto ito. Naging pantay ang paghihiwalay. Naiwan ang  mas malaking singsing sa daliri ni Nikko at inalis naman nya ang medyo maliit at manipis upang ibigay sa asawa.

Hindi nya hahayaang magdusa ito dahil sa hindi nya maipagtanggol. Hindi nya sasayangin ang lahat ng oras at panahon ng pagsasanay nila ng Lakambini upang paghandaan ang araw na ito.

Hinawakan nya ang kamay ni Lara at isinuot ang singsing dito. Unti-unting bumalik ang kulay ng balat nito ngunit ang itim nitong buhok ay tumutulad na rin Kay Detri. Ibig sabihin, delikado na ang lagay nila.

"Hobi, ang buhok nya..." naiiyak na sabi ni Adelaida.

Masyadong mahina na si Korro ng oras na iyon. Sinasagad ni Detri ang kapangyarihan nito. Hindi pa rin ito tumitigil sa paghawak kay Lara.

Walang sabi-sabi na hinalikan ni Nikko si Lara.

Matagal.

Puno ng pananabik.

Wala syang pakialam sa reaksyon ng  grupo.

Halata ang pagbabagong kulay ng buhok ni Lara.

Unti-unti ring nagbago ang suot ni Nikko. Mula sa suot nitong t-shirt at pantalon ay naging mahaba ito. Nagkaroon sya ng korona at palamuti sa kamay.

"Mahal ko gumising ka na..." malambing nitong tawag.

Nang biglang nagbago din ang suot ni Lara. Suot na nito ang pinakamagandang damit na gawa ni Nema.

Kahit nakapikit si Lara ay manghang-mangha ang lahat.

Napakaganda nito.

Nagniningning ang mga mata ng grupo.

Naiiyak si Adelaida dahil nakikita nya ay ang saktong damit ng dalawa ng sila'y mag-isang dibdib.

"Mahal ko..." tawag muli ni Nikko.

Dahan-dahang nagmulat ng mata si Lara.

Sa wakas gising na sya!

Sa wakas, ligtas na rin ang tatlo.

Sa biglaang pagmulat ng mata ni Lara ay kasabay ng pagkawala ng dating kasuotan nito at ni Nikko. Bumalik sa orihinal nilang kasuotan.

Lupaypay ang tatlo. Agad na binuhat ni Korro ang alagang si Akila. Niyakap nya ito na naluluha.

" Kahit kailan ay hindi mo ako binigo." bulong nito sa dalaga.

Niyakap ni Nikko ang asawa. Hinawi ang buhok nito at walang sawang hinalikan sya sa labi. Hindi sya tumutol pagkat ang sabi ni Lakambini ay asawa nya talaga ito.

Pagtataka naman sa grupo dahil ang alam nila si Korro ang kasintahan nito.

"Bakit ka kasi  sumunod pa?" tanong ni Nikko. Nag-alala.

"Wala na sila." sagot nya.

"Pero napahamak ka. Di'ba sabi ko sa'yo manatili ka lang doon at babalik ako kaagad."

" Pagkaalis mo, dumating si Lakambini. Kapag natunton ka ng alagad ng sinasabi nilang Detri, pupuksain ka nya kasama na sila." sabay tingin sa kinaroroonan ng grupo. Nahintakutan ang mga ito.

"Salamat dahil ligtas ka, wag mo nang uulitin iyon " sabi nito.

"Si Akila!" gulat ito ng makita ang agila ni Korro.

"Ako ang bahala sa kanila." sabi ni Nikko.

Maingat na kinuha ni Nikko ang alaga ni Korro at itinapat ang palad nya dito. Maya-maya pa'y nagkamalay na ang agila.

Gulat na gulat sina Adelaida. Tanging si Korro lang ang may kakayahan no'n, kaya nakakapagtaka na nagawa ito ng hari.

Marahang hinipan ni Nikko ang palad at itinapat sa tatlo, naging malakas muli ito tulad ng dati.

Tahimik na nakatingin lamang si Lara sa ginawa ni Nikko, pero laking gulat at pagtataka naman para kay Adelaida  at sa grupo.

"Saan mo natutunan yan?" tanong ni Adelaida.

" Mabuti at alam mo na." sagot ni Xero.

"Dapat lang hindi ba? Ako ang hari. Nararapat lamang na alam ko ito. Si Lakambini ang matiyagang nagturo sa akin."

"Anong ibig mong sabihin? Alam ni Lakambini ang lahat? Kung alam nya bakit hindi na lang nya itinuro sa amin ang inyong kinaroroonan?" tanong na may halong hinanakit ni Ulysses.

Isang maliwanag na ilaw ang biglang sumulpot sa gitna ng kanilang pag-uusap. Nakakasilaw. Kanya-kanyang pagkamangha ang nakikita sa mata ng grupo. Ngunit sanay na sa ilaw ang mga mandirigma.

Mula sa gitna ng ilaw ay lumitaw ang isang napakagandang  babae. Napakaganda ng suot nitong damit na nakakamangha at nakakaakit.

"Ang ganda..." sambit ni Jhopet.

"Lakambini!" sigaw ni Lara.

" Muntik na kayo roon!" biglang babala ni Lakambini.

Agad nitong nilapitan si Lara at hinawakan ang kamay nitong may singsing.

Pagtataka ang makikita sa mga mata niya. Paano sya nagkaroon ng singsing?

"Nagawa mo rin sa wakas!" nakangiti itong tumingin kay Nikko.

Nakangiti rin si Nikko kay Lakambini.

"Umpisa pa lamang ito Hobi. Marami pa ang dapat nating paghandaan."

"Lakambini bakit-?" agad na itinapat ni Lakambini ang daliri sa bibig ni Ulysses.

" Makinig ang lahat at ipapaliwanag ko."

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon