CHAPTER 8

3 2 0
                                    

Sigawan ang mga tao.

Unti-unti ang paghubad ng kanilang kasuotan ang grupong Beautiful Guys. Nagpapakita ng abs. Ito pala ang parusa ng matatalo, magaganda  ang mga katawan nito at ngayon na kilala na nya ang  hinahanap ay hindi na nya iyon pinagdududahan.

Maligaya ang mga audience sa kanilang nakikita. Napapangiti naman si Korro sa napapanood. Tahimik ang reaksyon ni Xero na nakahawak sa balikat si Lara at ang dalaga na malikot ang mata sa audience hall.

Napakiramdam nya ang hanging kasama ni Ulysses. Nailigaw na nila ang tatlong kasapi ni King Detri ngunit hindi maaaring pasiguro.

Marahang pinisil ni Xero ang balikat ni Lara, hindi nya napansing  nasa harapan nya si Nikko at inaanyayahan syang sumayaw. Bukas ang polo nito at kita ang nakakalokang abs.

Si Milo naman hinatak ni Xero at pilot ding pinapatanggal ang suot nitong polo. Sigawan ang mga tao.

Si Korro na nakikisaya at tanggal na rin ang betones nito sa harapan at nagpapakita rin ng kakisigan. Nagkakasiyahan sila.

Nakakahalina ang mga mata ni Nikko, hindi na maaaninag dito ang nakita nya kanina. Nakangiti ito. Napangiti rin sya.

Sinong makakapagsabi na kaharap nya ngayon ang isang katulad din nila. Hinawakan nito ang kamay nya habang sinasayawan ng sexy dance. Hiyawan ang mga tao. Unti-unting nilapit nito ang mukha sa kanya at marahang bumulong.

"Kumusta ka na, mahal kong asawa..."

Nanlaki ang kanyang mga mata.

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon