CHAPTER 3

4 2 0
                                    

Rinig sa backstage ang hiyawan ng mga audience lalo na ng pumasok ang miyembro ng Beautiful Guys. Sikat ang pitong miyembro ng grupong ito. Hindi nya namalayan na sila na pala ang tinatawag. Naramdaman nyang hinawakan sya ni Xero sa kamay at ganoon din si Korro. Mas lalong lumakas ang hiyaw ng silang tatlo ang lumabas. Ramdam din sa paligid na pati ang  grupong Beautiful Guys ay napatitig sa kanila.

Hindi sya sanay sa mga hiyawan na iyon.

Marahil ginamitan ni Ulysses ng mahika nang maengganyo ang mga tao. Magkatapatan ang dalawang grupo. Inaanyayahan ang Beautiful Guys na kumanta at sumayaw. Hindi magkandamayaw ang mga tao.

Napapangiti sya. Lalo na ng tawagin ng emcee ang dalawang lalake na kasama nya.

Nabigyan ng parangal ang dalawang ito dahil sa extra challenge ng isang tv show. Hindi pa nahahanap noon si Lara pero napapanood na sila ng dalaga. Pinasayaw ang dalawang binata na nagpatili sa audience.

Nang matapos ang performance ng dalawa, si Lara naman ang pinakilala ng emcee.

" Ano ang talent na ipapakita sa atin ni binibining Lara?" tanong ng emcee.

" Maganda ang boses nya." sabi ni Korro.

Kinilig naman ang mga nandoon.

" Mukhang alam talaga ni jowa ang talent ng girlfriend nya."

Hiyawan na naman ang mga audience.

Inawit nya ang pinakasikat na kanta na narinig nya sa radyo kamakailan lang. Lalake ang original version nito pero nagawan nya ng sariling rendetion.

Napanganga naman ang mga nandoon. Sinong magsasabi na wala syang talent, gayong bulong lang nya sa hangin ay tutulungan sya nitong mailagay sa tamang tono ang nais nyang kantahin.

Tahimik na nakikinig ang lahat. Salamat sa hangin na tinulungan syang umawit na parang dinuduyan ang mga nakikinig.

Isang masigabong palakpakan ang maririnig sa pagtatapos ng kanta.

" Miss Lara, Kilala nyo po ba ang original singer ng inawit nyo?" tanong ng emcee.

"Actually, kailan ko lang sya narinig, nagandahan ako kaya salamat sa gumawa ng kanta. Maganda ang mensahe." sagot nya.

Nakangiting nakatingin sa kanya ang grupo ng Beautiful Guys, si Korro at si Xero na hindi natutuwa sa ipinapakitang atensyon ng grupo sa babae.

" Hi, Miss Lara, I'm Theo. Ako po ang songwriter ng kantang inawit nyo." nakangiti itong itinaas ang kanang kamay at kumaway pa.

" Oh! I'm sorry hindi ko-"

" It's ok, binigyan mo ng justice ang kanta." ngumiti ang isa pang miyembro at napansin nyang may dimples ito.

" Thank you Mr. Dimples." natuwa ito at namula.

" Nikko. Call me Nikko."

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon